chapter 11

66 12 0
                                    

Kyu Jin's POV

Hi I'm Kyu Jin from J&M magkakasama  kaming nagpunta nina Min Seok, Min Ki at Jung Ho sa mall para bumili ng mga bagong damit at maglaro sa arcade. Biglang dumami ang tao kaya yumuko ako para hindi nila ako makilala pero pag tingin ko sa mga kasama ko hindi kona sila makita, nasaan na kayo ? paikot ikot ako pero hindi ko talaga sila makita, wengya anong gagawin ko? hindi ko alam kung san ang daan pauwi. Sana hanapin nyo ako,  sa pag iikot ko napad pad ako sa arcade , tatawagan ko sana sila pero naalala kong wala nga palang dalang cell phone ang mga yon, sa sobrang pagka kaba ko dahil baka hindi ako makauwi hindi ko namalayan na nag riring pala ang cellphone ko kaya agad ko yong sinagot baka sina Min Ki nato, baka bumili sila ng bagong phone para matawagan ako.

"Hello? Min Ki? Min Seok? Jung Ho?"  ang nabuhayan kong sabi

" Si Shy to Kyu Jin, nasan kaba? kaylangan ka ni Claire ngayon" ang sabi sa kabilang linya, teka si Shy? bat ako tinawagan nito. Tiningnan ko ang screen ng phone ko at si Shy nga

" Oh Shy ikaw pala hindi ko nga rin alam kung nasaan ako eh," kamot sa batok kong tugon

"Ano? panong hindi mo alam? niloloko mo ba ako?"nayayamot nyang tugon sakin

" Hindi kita niloloko, remember may short term memory loss ako sa mga directions ,hindi ako makatanda sa mga lugar na pinupuntahan ko," Oo may ahort term memory loss ako pero sa directions lang, kahit anong gawin ko kahit ilang beses ko pang puntahan ang isang lugar hindi ko talaga maalala ang daan.

" Eh bat kaba nag paiwan kina Min Seok?"

"Kasama ko sila kanina dito sa mall, pero nahiwalay ako sakanila dahil biglang dumami yung tao, paglingon ko sakanila hindi ko na sila makita ,hindi naman ako maka uwi hindi ko alam ang daan,hindi din ako makaalis dito sa mall, wah!!! Shy help me"  Pagmamakaawa ko kay Shy

" Saang mall ba 'yan? pupuntahan kita," yey isa kang hulog ng langit Shy

"Dito sa *************" hihintayin kita,andito ako sa may arcade" Ang nabuhayan kong tugon. Maya maya nakita ko na ang isang pamilyar na babae

"Shy dito!" ang tawag ko sakanya habang may ngiti saking labi

"Tara na kumapit ka sakin para hindi ka mawala, kaylangan nating magmadali at baka ubos na ang tao sa Arena"

" Ha? panong mauubos?" naguguluhan kong tanong

" Nawala sa wisyo si Claire at aware ka naman siguro kung ano ang kaya nyang gawin kapag nasa ganong state sya, ikaw lang makakapigil sakanya kaya tara na" mahaba nyang litanya

" Ah sige tara tara"

Nagmadali kami ni Shy palabas maraming natingin samin dahil para akong bata na nakahawak sa damit ni Shy eh pano ang Shy na maarte ayaw magpahawak sa kamay baka daw may germs ako at tsaka isa pa isang lalaki lang daw ang pwedeng humawak sa kamay nya si Joon Vie ng whistle. tsk baliw rin ang isang to. Pag karating namin sa labas agad sumakay si Shy sa isang motor kaya umangkas ako sakanya aba mahirap na baka maiwan na naman ako eh. Agad nyang pinaharurot ang motor at dahil hindi ako handa napayakap ako sakanya.

"Ano ba Kyu Jin, tanggalin mo yang kamay mo dyan sa bewang ko!!!!!" inis nyang sabi. Kaya agad ko namang tinanggal tss as if naman gusto ko syang yakapin eh si Claire lang ang gusto ko, yes mahal ko si Claire mula bata

" Sorry sungit" At pagdating namin sa Arena, nagulantang ako sa nakitanko, whoah hindi to kaya ng mata ko , mahina ang sikmura ko, kaya agad akong napaatras at sumuka sa isang basurahan na nadaanan namin. Sinong hindi masusuka eh ang daming nagkalat na bangkay na lasog lasog at mga walang ulo, mga dugo sa sahig,at si Claire na nakangiti na parang demonyo.

"Ano ba Kyu Jin susuka ka nalang ba dyan? puntahan mo na si Claire!" Ang bossy na sabi ni Shy. Tsk iba rin talaga ang isang to eh. Pupugutan na sana ni Claire ng ulo ang isa pang lalaki ng bigla ko syang niyakap sa likod.
..

.
.
.

.
.
......................
V_V

ano kayang reaction ni Claire?

Stalking, my stalker? (COMPLETED)Where stories live. Discover now