Nagising ako sa katok ni Nicole sa labas ng kwarto ko.
"Dev! Hurry up, its getting late!" sigaw ni Nicole sa labas ng kwarto ko.
"Okay mabilis lang 'to." Sagot ko at nagmadali na akong pumasok sa CR.
Wala na si James, si Nicole lang ang papasok ngayon. Alam mo naman si bakla nagpakadakila HAHAHAH. Oopppss sorry di pala siya bakla (peace tayo pinsan HAHAHA). Pero pinagdasal ko na sana mapigilan niya yung kasal ni Patrice. Kasi nung nalaman ko noon na crush nitong si James si Patrice eh ako ang naging Presindete ng love team nila HAHAH #JamTriceFTW corny nung ship name nila HAHA. Hay nako hayaan na nga natin yang magulong buhay ni insan at sa maganda kong mukha na lang tayo tumutok. Ay este sa magandang buhay ko pala.
Nakaligo na ako at nakapagbihis. The usual outfit lang mga besh. Tumingin ako sa orasan, 7:30 pa lang naman besides 8:00 am pa ang first class namin. Magt-tweet muna ako.
@devstair_dr
Good morning.
*insert picture*Nagscroll muna ako at nakita ko yung tweet ni Ricci. Yah finafollow ko siya para naman updated ako sa mga ganap niya sa buhay.
@RicciRivero06
I'm happy 🙂 I am free now!!!Tsss. Wala na bang bago sa lalaking 'to? At talagang nageenjoy pa siya ahhh.
"DEVONNE! WHERE ARE YOU?! IT'S ALREADY 8 NA! LATE NA TAYO!" Napatayo ako nung narinig ko si Nicole. Excited masyado 'tong kaibigan kong ito atat pumasok. Nakita ko naman siya na nakatingin lang sa akin ng masama pagkalabas ko.
"Hihihi. Sorry." I said then nag-peace sign ako at bumaba na kami. Nakarating na kami sa school at naglalakad papasok ng gate. Dumaan pa kami sa Mcdo para kumain ng breakfast namin. So ending na late na talaga kami.
"Anong section ka?" Tanong ko kay Nicole.
"First section as usual." Edi ikaw na matalino. Matalino din naman ako.
"Tara na dali." Excited niyang turan.
"Saan tayo pupunta?" Takang tanong ko.
"Sa classroom natin malamang."
"We're late na, kapag pumasok pa tayo baka mapagalitan pa tayo nung prof natin. Sa next subject na lang tayo pumasok." Sabi ko at hinila siya papuntang cafeteria.
"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ni Nicole.
"Uupo?" Kibit balikat kong sambit. Eh kakatapos lang namin kumain ng breakfast.
"Meryenda muna tayo. Medyo gutom pa ako eh, konti lang kinain ko kanina sa Mcdo eh." Natatawang sabi ni Nicole.
"Ikaw na lang, I'm on a DIET." diniin ko talaga ying diet. Kasi naman ang takaw takaw nitong si Nicole. "Omg."
"Bakit?" Tanong ni Nicole.
"Si Lloyd papasok sa cafeteria." sabi ko at di ako makapakali.
"Yung crush mo noon pa?" She asked.
"Oo siya nga. Ano ayos lang ba suot ko? Yung mukha ko hindi ba haggard? Tanong ko na tinanguan niya.
" Lloyd." Tawag ko at napalingon naman siya sa gawi namin. Kinawayan ko siya and he smiled at me pagkatapos ay lumapit siya sa akin.
"Close na kayo teh?" Bulong nitong kasama ko and I rolled my eyes.
"Good morning." Bati ni Lloyd.
"Hindi ka pumasok?" Tanong ko sa kanya.
"Late na ako eh, kaya dumiretso na ako dito di pa din kasi ako nakakapagbreakfast." Sabi niya. Oh diba? Late din siya, soulmate talaga kami mga mamshie HAHAHA charot!