Devonne's POV
"S-sorry." Fuck bakit nauutal ako? Nakayuko lang ako kaya hindi niya nakita ang mukha ko.
"Tsss." Inis na sambit niya at dumiretso na siya papasok ng cafeteria. Whooo! Buti na lang. Hindi pa kasi ngayon yung time para sa mga plano ko. Maghahanda pa ako.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad at may nabangga na naman ako. What the? Bakit ang malas ko ata ngayon?
Tinignan ko kung sino yung nakabanggan ko. "L-Lloyd?" Oo mga besh si Lloyd, Lloyd Teng. Team mate ni Ricci sa basketball. Siya yung crush ko noon pa. Shit! Chance ko na 'to.
"Huh? Kilala mo ako?" Takang tanong niya.
"Oo naman sino ba naman ang hindi makakakilala sayo?" Natawa naman siya sa sagot ko at ngumiti ito sa akin. Omg! Ngumit siya sakin? Fuck! Pwede na akong mamatay hahah charot.
"Haha, sige una na ako ah." sabi niya at umalis na.
Siya si Lloyd Teng, basketball player, yes you heard it right. Team mate niya si Ricci. Heartthrob, sikat, mayaman, gwapo at higit sa lahat mabait. Hindi tulad nung Ricci na 'yon. Ayun muntik ko pa makalimutan pinsan siya ni Jeron Teng hahaha.
Matagal ko na siyang crush, hihi. Highschool pa lang kami sa greenhills. Naalala ko nga yung time na lumapit siya sa akin ay tinulungan niya akong buhatin yung mga dala ko dahil binubully ako noon. Wala kasi si Faith na nagtatanggol sa akin eh.
Nanlisik naman ang mata ko nung makita ko ang ibang team mates ni Rivero. Sila Brent Paraiso, Kib Montalbo, Andrei Caracut at si Aljun Melecio.
Kahit magkakateam mate sila hindi nila close si Lloyd ewan ko kung bakit hindi nila kasundo si Lloyd.
Pero sisiguraduhin kong yang Ricci Rivero na yan ang mabibigo at makakaranas ng break.
Maghanda ka na RIVERO.
-FLASHBACK-
"Faith sigurado ka na ba? Baka niloloko ka lang nung Ricci na yan ah? Kilala siya bilang playboy at heartbreaker ng campus." Mahinahon kong sambit kay Faith habang nakain kami ng meryenda.
Tinignan niya ako ng seryoso.
"Dev, ano ka ba. Sure ako na mahal ako ni Ricci. Manliligaw ba naman siya kung hindi niya ako mahal? Sabi niya at ngumiti. Hays ang ganda talaga ng kaibigan kong 'to. Parang anghel na bumaba sa kalangitan. Ayaw ko siyang nakikitang nasasaktan, hindi siya karapatdapat masaktan. Kilala si Ricci bilang isang Casanova at lahat ng babaeng nilalapitan ay sinasaktan niya. Bakita alam ko? Dahil sa sikat siya sa university na 'to.
"Nako Faith Gonzales ah. Pag sinaktan ka nang Ricci na yan ako mismo ang sasapak sayo at wag mong sabihin sa akin na hindi kita binalaan.
"Haha. Talaga lang ah kaya mong sumapak?" Natatawa niyang sambit.
"Yes, I can." I confidently answered.
"Weh? Hindi mo nga kaya yung mga nambubully sayo eh." Natatawa pa rin niyang sabi.
"K-kaya ko ang mga yun no." wika ko. Pero totoo yung sabi ni Faith hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko sa mga taong nambubully sa akin.
"Biro lang bes." sabi ni Faith at niyakap niya ako "basta Dev be happy na lang with my decision okay?" ngumiti ako at tumango.
"Thank you Dev."
"Wala yon, ikaw pa? Malakas ka sakin eh." Pabiro kong sambit.
Kumalas siya sa pagkakayakap sakin at tumayo.
"Oh san ka pupunta?" Takang tanong ko dito.
"Kay Ricci, ngayon ko na kasi siya balak sagutin eh. Sige na Dev bye seeyou." Turan niya at umalis na.