PARA SA'YO

8 0 0
                                    

Ngayon ko sisimulan ang mga liham na para sa'yo
Alam kong darating ka naman mahal ko

Pero nais kong malaman mo

Na kahit ano o sino ka pa, mahal kita 

Nais kong idaan sa tula, lahat ng ukol sa'kin sinta
Hindi ko naman nais na papel ko sa iyo'y maging malinis
Nais ko lamang na malaman mo, mga gusto at ayaw ko

Mga bagay na dapat maintindihan mo, alam kong tayo na hanggang dulo 

Hindi ako perpekto, Oo

Hindi ako kasing-ganda ng mga babaeng pinapantasya mo

Hindi ako kasing-talino ng mga babaeng hinahangaan mo

Hindi ako ang maaaring nasa mga panaginip mo

Hindi ako ang laging nagpapahinto ng mundo mo 

Hindi ako ang maaaring nakakapukaw ng atensyon mo

Hindi ako ang lahat ng maaari mong hilingin, Oo

Hindi ako, pero bakit tayo pinagtagpo?

Tingin mo, tayo hanggang dulo?Tingin mo, ako ang babaeng papakasalan mo? 

Kasi kung Oo, ngayon palang payag na ako

Ikaw ang sa altar ay kasama ko, pangako  

POETRY NI MHEYWhere stories live. Discover now