Bakit?
Bakit kailangan na magkaganito?
Paulit-ulit kong sinasaktan ang sarili ko
Para sa'yo
Dahil sa'yo
Ang alam ko kasi ako yung taong sobrang mabilis makalimot
Sa mga kwento, tsismis at kuro-kuro
Pero bakit ang puso? Ambilis maka-alala ng sakit?
'Yung sakit na ibang klase ang bitbit
Mahina na ba kong tatawagin?
Dahil hinahayaan kong mangyari 'to sa'kin?
O sadyang hindi lang marunong makalimot ang puso sa mga taong tinuring at minahal niya ng totoo.
Bakit kailangang mangyari ito?
Sa lahat ng pagkakataon, kapag naaalala kita
Ipinagdarasal kita
Ayaw ko kasing mapahamak ka o magkasakit ka
Kasi sobrang nag-aalala ko sa'yo
Mas malala pa sa pag-aalala ko para sa sarili ko.
Hindi naman sa ako'y nanunumbat
Pero bakit kung sino pa ang mga taong naging tapat
Sila pa 'tong mas nahihirapa't
Nababaliw sa parang at himpapawid na malawak.
Tinulungan kita, inalagaan kita, minahal kita ng sobra.
Pero tama pa ba?
Na alalahanin kita, kahit ako'y nakalimutan mo na?
Kaibigan pa nga ba kita?
Magulo na nga ang mundo,
Pati ba naman tayo
Pakiramdam ko nakasay ako sa roller coaster ride
Kasi paulit-ulit lang naman akong pnapaikot at pinapagod, tinatakot at pinatitili
Pasasayahin ako sa umpisa, pero kapag nakababa na ko, babawian ka naman ng suka.
Pasasaan ba't matatapos din naman 'to
Wala naming permanenting FEELING sa MUNDO nating daig pa klima kung magpabago-bago.
Pero ang tanging hiling ko, kalimutan mo man ako, wag lang ang mga sakripisyo at pagmamahal ko para sa'yo.
Mag-iingat ka, mahal pa rin kita.
Kahit na kinalimutan mo na ko.
Kahit na hindi na ako ang laman ng puso't isip mo.
Salamat sa ilang libong alalaa na bitbit ko, kasama kong ililibing sa lupang kinatitirikan ng mundong ito.
YOU ARE READING
POETRY NI MHEY
PoesiaIto'y kalipunan ng mga tula na aking ginawa mula sa'king mga karanasan na nagtuturo ang nagiging bahagi ng buhay kong makulay.