NASA HULI NA NGA BA?

1 0 0
                                    

Words by: 

Isang araw sa akin siya ay nagtapat

Damdamin ay lakas loob na isiniwalat

Pagtingin niyang di papaawat

Sa harap ko ay isinambulat

Ngunit ako ay nagtaka
Di nakaramdam ng saya
Yun pala ay di sa kanya
Kundi sa iba nais marinig ang mga kataga

Mga paa'y kusang gumalaw
Umindak sa sariling sayaw

Paalis sa kanyang tanaw

Habang ngiti niya'y nalulusaw

Magkagayun pa man ang nangyari
Di siya nawala sa aking tabi

Nakuntentong magkaibigan kami

Habang pag-asa'y namamatay paunti unti

Lumipas ang panahon
Damdamin niya'y muling bumangon
Sumubok ng pagkakataon

Baka sakaling di na matulad sa kahapon

Siya ay muling binaliwala
Hinayaan na matulala,

Nagbitiw ng masakit na salita
Patawad, ngunit mahal koy iba

Alam kong siya'y aking nasaktan

Pinaasa at parang pinaglaruan

Ngunit siya ay nanatili bilang kaibigan

Tumatawa kahit na puso ay duguan

Ako ay bumilib sa kanyang tapang,
Paghihintay at kanyang pag-aabang
Di man lang naisip na humakbang

Umahon at iligtas ang sarili papuntang pangpang

Dahil sa kanyang mga ipinakita

Puso ko'y unti unti nanghina
Pagtibok ay biglang nalang nagiba

Nagulat pagkat sigaw na ay pangalan niya

Ngunit sadyang mapaglaro ang kapalaran

Marahil ay sanay ng makipagdayaan

Kung kailan handa ng pagbigyan

Siya namang pagbitaw niya sakanyang nararamdaman

Ngayon puso'y tunay na nasasakatan

Nagtatanong baka naman pwede pang balikan

 Magkaiba lang naman kami sa pangalan

 Ngunit apliyedo ay paniguradong pareho naman 

Kaya bakit siya pa?

Pwede naman ako na lang di ba?

Wala na ba talagang pag-asa ?

Ang tayo ay mananatili na lang bang sana?  

POETRY NI MHEYWhere stories live. Discover now