Aso ako?

24 1 0
                                    

Joana'sP.O.V

So ganun nga okay na kami ni eugene, naalala ko na siya  and guess what? Palagi na kaming magkasama tulad nalang ngayon nandito na siya sa bahay 6 am palang.
Ewan koba sa kanya kung ano ang ginagawa niya rito.

"Nak,nagluto na ko nang breakfast sabay na kayo kumain ni eugene don sa kusina"-mama

"Sige po"-sabi ko at ngumiti lang sakin si mama at pumunta na nga ako sa kusina ,si  mama naman umakyat na sa taas ,si kuya ryle naman wala rito ,siguro busy lang yon sa mga kaso na inaasikaso niya.

Pagdating ko sa kusina nakita kong may kausap si eugene sa phone niya,naka talikod siya sakin kaya di niya napansin na nasa likod nya lang ako.

"Okay ,I Love You To" narinig kong sabi niya  bago ibinaba ang phone niya.

"Sino kausap mo? Mama mo ba?"-tanong ko nakita kong medyo nagulat siya dahil nasa likod pa nya ako.

"Ah oo,kanina kapa ba dyan?"-tanong niya.

"Kararating ko lang ,tara kain na tayo"-sabi ko at umupo na sa isa sa mga upuan.Egg and bacon  lang pala ang linuto ni mama, pero okay lang di naman nakakasawa , paborito ko kasi eh  .Nang tignan ko si eugene ay di parin siya kumukuha ng plato , may plano bang kumain to?

"Kain ka" -sabi ko
"Segi ,okay lang ako, busog na ko makita lang kitang kumakain"-sabi niya, Di ko alam pero nakaramdam ako nang konting kilig dahil sa sinabi niya.

"Ahh g-ganon ba? Bahala ka!"-sabi ko at kumain nalang.
Habang kumakain ako di ko maiwasang mailang dahil ramdam kong titig na titig siya sakin habang kumakain ako.

"Wag mo nga kong tignan nang ganyan"-sabi ko

"Bakit? Eh sa cute mong tignan habang sarap na sarap ka sa pagkain dyan eh.!-sabi niya

Ano raw?He said cute raw ako?

"Che.!!! Ano ako Aso?
kung sa bagay mas mabuti na kung aso kaysa naman sa BUTIKI!"sabi ko .

Tinaasan niya lang ako nang kilay , nagulat ako nang bigla niyang inilapit yong mukha niya sa mukha ko.

"Ano ngayon? Tinatawag mo kong butiki eh kung tawagin rin kaya kitang Aso?" -sabi niya , agad ko naman nilayo yung mukha niya sa mukha ko.

"So? Mas pangit parin sayo yung butiki "-sabi ko at iniwan sya don sa kusina .Nakakainis naman sya ako Aso? Seriously?

•Fast forward•

Natapos na kong maligo at naka suot na ko nang uniform nang nadatnan ko pa rin si eugene sa sala.

"Oh? Ba't nandito kapa?-tanong ko

"Di ba obvious? ,syempre para sabay tayong pumasok ngayon"-sabi niya.

"Tss" di ko nalang siya pinansin at agad na lumabas ng bahay.

"Hoy Aso ,hintayin mo naman ako "-sabi niya
Hinabol nya naman ako atsaka pinagbuksan ng pinto .

Tahimik lang kami habang nasa sasakyan maya-maya ay nagsalita siya .

"Salamat aso at naalala mo na ko"-naka ngiti niyang sabi.

"Hmmm gusto mo kalimutan ulit kita?"-ako habang inaasar siya.

Mabilis naman itong umiling.

"Ayaw"-siya.

Nang maka dating na kami sa school pinark niya ang sasakyan niya .

"Ahh Aso Baka di kita ma hatid sa inyo mamaya ah? My pupuntahan kasi ako importante"

Maasar nga.

"Ah okay lang kaya ko naman umuwi na di ka kasama eh(sabay belat)"

Hahahahaha nakakatawa mukha niya. Parang matatae

Dumiritso agad ako sa room
.nakita ko naman si anne.

"Hi bessy i miss you"-ako

"I miss you to bessy."-anne

"Kamusta na lola mo?"-pag alala kong tanong.

Na hospital kasi ang lola niya.

"ma okay okay naman kisa dati."-anne

"Mabuti naman at okay na siya"

maya-maya dumating na si professor.

"Okay  class I have an announcement "
Tumahimik ang lahat 
"since december na nextweek na ang bakasyon nyo"
Hiyawan ang lahat.

But for now. Mag le-lecture ako.-professor

Lecture lecture lecture lecture.

"Okay class dismiss"

 
Uuwi akong mag isa.! Syempre walang maghahatid sa akin eh.
naglalakad ako pauwi malapit lang naman bahay namin sa schook eh.habang naglalakad ako napa daan ako sa 7/11 Napagpasyahan kong pumasok para bumili ng pagkain .gutom kaya ako

Ng palabas na ako ng store.

T-teka? Si eugene yon ah"

Tawagin kna sana siya pero agad naman itong sumakay ng sasakyan niya.  

no choice ako kundi umuwi.

Pagdating ko sa bahay gusto kong magpahinga.

Kaya natulog ako.
















Napa gising nalang ako around 10pm. bumaba ako tsaka uminom ng tubig .

hindi naman ako nagugutom kaya napagpasyahan kong matulog ulit.

Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz

Until My Last BreathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon