A/N: Sana ay mawili kayo sa pagbabasa nito.
_________________________________________________________________________________________My First Love
Sabi nila hindi raw basta - basta nakakalimutan ang taong una nating minahal. At naniniwala ako sa kasabihan na "First Love Never Dies". Paano ko nasabi simple lang naman kasi halos sampung taon ko na rin siyang lihim na minamahal.
Masakit man isipin pero mukhang hanggang lihim ko na lang talaga siya pwedeng mahalin. Hindi naman kasi maaari na ako ang unang umamin sa kaniya. Bukod sa babae ako, ayokong magmukhang desperada sa harap niya.
At saka ayos na sa'kin ang makita ko siyang masaya. Masaya sa piling ng iba at ang masakit nito hindi ako 'yon. Ayos lang naman sa'kin 'yon masakit man sa damdamin pero handa akong magtiis makita ko lang siyang masaya. Tutal ito naman ang gusto ko kaya wala akong karapatan magreklamo na nasasaktan ako.
Sabihin ninyo na akong hangal pero nagmamahal lang naman ako. Masama bang magmahal kahit alam mong may mahal na siyang iba. Masama bang aminin sa sarili na nasasaktan ako tuwing nakikita ko siyang masaya sa piling ng iba. Tila ba unti - unting nadudurog ang puso ko kasabay ng aking mga luha na parang ulan na walang tigil sa pagbuhos.
Tao lang din naman ako, lumuluha kapag nasasaktan. Lumuluha kapag nababalewala nang taong mahal ko. Masama na kung masama pero nang malaman kong naghiwalay sila. Walang paglagyan ang kasiyahan ko. Naisip ko kasi na sa wakas magkakaroon na rin ako ng pag - asa na mahalin niya. Pag - asa na ako naman ang titingnan niya dahil kung ako ang tatanungin siya lang naman ang tinitingnan ko wala nang iba.
Tandang - tanda ko pa ang araw na 'yon. Kay tindi nang sikat ng araw at handa na akong umamin sa 'yo. Wala na akong pakialam kung magmukha man akong desperada. Ang mahalaga maamin ko na matagal na kitang minamahal.
Malawak na ngiti ang nakapaskil sa aking mga labi. Malayo pa lang natatanaw na kita na may malapad na ngiti sa labi. Dahan - dahan akong lumapit sa 'yo. Akmang kakaway na ako nang makita kitang papalapit sa gawi ko. Ngunit ang ngiti sa aking mga labi ay unti - unting nawala nang lampasan mo ako.
At wala na pa lang mas sasakit pa nang makita kitang yumayakap sa taong totoong mahal mo. Bakit ganoon akala ko hiwalay na kayo pero tila nagkaroon lang kayo nang tampuhan. Akala ko hindi muna siya mahal pero, bakit siya na naman ang kasama mo?
Hindi ko namamalayan na unti - unti na pa lang tumutulo ang mga luha ko. Ang pag - asa ko sa 'yo ay nawala na lang na parang bula. Oo aaminin kong mahal kita, sobrang mahal kita. Pero ayoko naman maging kontrabida sa inyong dalawa. Kung sa istorya ako lang ang sampid sa inyong dalawa at kayong dalawa ang talagang bida.
Susuko ako hindi dahil 'di na kita mahal. Susuko ako sapagkat ayokong mawala ang maganda mong ngiti sa iyong mga labi. Mahal kita pero iba ang mahal mo. Hindi ka man naging akin pero ito na siguro ang panahon para palayain kita.
Mahal kita kaya kahit masakit kailangan ko nang magpaalam. Magpaalam sa nararamdaman ko sa 'yo na matagal kong inilihim. Ako si Scarlet Cole na nagsasabi na walang masamang sumuko sa pagmamahal. Minsan kailangan din natin isuko ang taong sa simula pa lang. Alam na natin na kailanman ay hindi naging pagmamay - ari natin.
Paalam mahal ko pero iba ang taong nakalaan sa 'yo. Pagdating ng araw makakatagpo rin siguro ako nang taong magmamahal sa'kin. Ang taong mamahalin ko nang buong puso. Ayokong maging sakim sa pagmamahal kaya nangako ako sa sarili ko. Oras na makita mo ang taong nakalaan sa 'yo kahit masakit magpaparaya ako.
Ganyan kita kamahal. Kahit hindi mo ako magawang mapansin ayos lang sa'kin. Hanggat nanatili kang masaya magiging masaya rin ako. Kahit kapalit nito ay ang unti - unting pagkadurog ng puso ko sa sobrang sakit. Totoo nga pala na hindi nawawala ang sakit kapag nagmamahal ka. Ibig sabihin daw kasi nito na totoo kang nagmamahal.
Kaya heto ako lumuluha habang binabalikan ang alaala na tumatak sa isipan ko, na kahit anong pilit mo sa isang tao. Kung hindi ka niya mahal wala ka nang magagawa. Sapagkat kailanman ang puso ay hindi natuturuan magmahal. Kusa na lang itong titibok kapag nagmamahal ka sa isang tao.
Naniniwala na rin ako na hindi lahat ng istorya ay nagiging "happy ending". Kagaya na lang ng sinusulat kong ito matagal man kitang minamahal. Pero kailanman hindi naging akin ang puso mo. Kaya heto ako nagsasabi na hindi sa lahat ng oras ay masusuklian ang pagmamahal mo. Kahit gaano katagal mo man minahal ang tao, kung hindi kayo ang itinadhana wala ka nang magagawa.
At ito ang aking istorya, muli ako si Scarlet Cole. Nagmahal, nasaktan at umaasa na may magamamahal din sa'kin balang araw.
Wakas.
_________________________________________________________________________________________
A/N: Sinong mga naka - relate dito? Taas ang kamay at paa.
Kindly, READ. VOTE. COMMENT.
Thank you very much guys.
![](https://img.wattpad.com/cover/141039216-288-k465225.jpg)
BINABASA MO ANG
Aklat ng Pag - ibig #TPAwards2018
RomanceNaglalaman ng iba't ibang karanasan tungkol sa pag - ibig.