Prologue

11 2 0
                                    


"Sam diba gusto mo maghanap ng mapapasukan na trabaho kahit maid?" sabi ni tita lucy habang nagluluto 

tumingin ako kay tita dahil busy ako sa pagpapatulog ng anak niya na si jaydee

"Opo tita ok lang naman po sa akin kahit anong trabaho tsaka ok lang din po sa akin yung maid ang trabaho ko." sabi ko 

"Ok mamaya samahan mo ko sa mall kasama si jaydee ipapakilala kita kay Don Robert." sabi ni tita sabay kuha kay jaydee

nagtaka ako sino si don robert?? 

"Ahmmm tita sino po si don robert?." sabi ko 

"Si don robert siya ang dating amo ni kuya kaya sumama ka sa akin diba gusto mo makakuha ng trabaho kahit maid saktong sakto naghahanap si don robert ng maid para dun sa apo niya." 

"eh tita bata ba yung aalagaan ko?" tanong ko kay tita

nginitian lang ako ni tita 

"Hindi bata ang aalagaan mo sam kundi binata kasing edad mo lang yun nangungumisyon na si don robert dun sa apo niya dahil sobrang babaero kaya ikaw sam magingat ka dun kay scott ayaw ko sanang ikaw ang mag alaga dun sa apo ni don robert kaso diba kailangan mo ng pera para kay kuya." sabi ni tita sabay tawa 

Babaero shitt kung paano rapin ako nun edi nagkalintikan na whaaaa!!!!! wag nalang kaya ako mag trabaho dun kaso para din naman to kay papa 

"Eh tita kung paano rapin ako nun tapos patayin??" sabi ko na may halong kaba

tumawa si tita ng malakas kaya na weirduhan ako 

"Hahahahahahahaha!!!!!!!!!!! sam hindi naman ganun ka demonyo yung apo ni don robert naging yaya na rin ako nun nung bata pa siya mabait naman yung batang yun hahaha!!!" sabi ni tita kaya nagising si jaydee

"Tita makatawa wagas yan tuloy nagising si jaydee hahaha." sabi ko sabay tawa

"Oh siya sam magbihis ka na aalis na tayo nagtext si don robert pumunta na raw tayo tsaka kasama niya yung aalagan mo si scott." tita said 

"Bakit tita ngayon na raw ba ako magsisimula??" tanong ko kay tita 

"ewan ko sam kung ngayon ka na magsisimula o bukas pa di ako sure kaya magbihis ka na at ako'y magbibihis na.

"ok tita magbibihis na rin ako." sabi ko sabay punta sa kwarto na binigay niya sa akin 

**********************************************************

pagpasok ko sa kwarto namili na ako ng susuotin ko ano bang pwede kong suotin yung disente?

"eto nalang kaya?" sabi ko sa sarili ko sabay labas ng dress 

kaso hindi naman birthdayan pupuntahan namin makikipagkita lang naman kami baka sabihin ni tita nag papaganda ako 

mag white t shirts nalang ako at black pants para desente 

Pagkatapos ko magbihis tinali ko nalang yung buhok ko yung pony style para mas mukha talagang desente nag suot nalang ako ng flat shoes sabay labas ng kwarto nakita ko si tita na naka dress habang si jaydee naman nakaporma napangiti nalang ako ang cute talaga ni jaydee sarap pisilin 

ng makalapit ako kay tita nginitian ako ni tita 

"Ano ok? na tara na." sabi ni tita habang buhat si jaydee

"opo tita." sabi ko

****************

sumukay kami ng grab taxi para hindi mainit ayaw kasi ni tita na magjeep kami kasi raw mainit kaya nag taxi nalang kami 

habang tumitingin sa bintana at pinagmamasdan ang mga buildings na nadadaanan namin huminto ang taxi sa harap ng mall eto na yata yung mall kung saan namin kikitain si don robert

"dito na tayo sam, manong bayad po." sabi ni tita sabay abot ng pera sa driver 

"Tita saan ba natin kikitain si don robert pati ang apo niya?" tanong ko

"Sa shakeys daw natin sila kikitain tara na." sabi ni tita nanuna nang naglakad si tita papasok sa mall kaya sumunod nalang ako 

Habang hinahanap namin yung shakeys restaurant huminto si tita sa isang restaurant eto na yata yun 

"Dito na yun sam tara na." sabi ni tita sumunod nalang ako kay tita 

may nagabang sa aming waitress may sinabi naman si tita kaso di ko maintindihan tinuro nalang ng waitress yung upuan na uupuan namin nakita ko yung matanda tapos isang lalaki yan siguro yung lalaking aalagaan ko tapos yung matanda si don robert mukhang mayaman nga kasi ang daming guards ang nakapalibot 

"Oh yan na pala sila." masiglang sabi ni tita hinila ni tita yung kamay ko kaya medyo nakaladkad ako 

huminto kami sa isang malaking lamesa at nakita ko yung matanda at yung lalaking nakatalikod kanina napatingin ako sa lalaki na katabi ni don robert yung matanda gwapo siya matangkad matangos ilong maputi tapos ang ganda ng kilay at pilikmata ang haba ng pilikmata parang pilikmata ng babae kaso mukhang suplado bigla niya ako nginisian kaya medyo nagulat ako 

"Don Robert!" masiglang sabi ni tita sabay yakap sa matanda 

"lucy kamusta na?" sabi ng matanda napatingin ang matanda sa akin at nginitian ako ngumiti lang ako pabalik kay don robert napatingin sa akin si tita tsaka nginitian ako 

"Don Robert eto nga pala si sam anak ni kuya Ron yung dati niyong driver yung kapatid ko." sabi ni tita sabay ngiti ulit sa akin 

Inalok ni don robert ang kamay niya kaya nakipagkamay ako 

"hello po Don robert." sabi ko sabay ngiti 

"Hello din iha tawagin mo nalang akong lolo robert ah eto nga pala si Scott siya ang aalagaan mo iha sana matiis mo ugali niya." sabi ni don robert 

shitttt siya yung scott siya yung aalagaan ko ang laki na niya ha bakit kailangan niya pa ng katulong? 

ngumiti nalang ako at inalok ang kamay ko sa apo ni don robert kaso hindi niya tinanggap to tinignan niya lang ako ng masama kaya nawala yung ngiti ko medyo nakakatakot siya bakit ganyan siya makatingin parang mangangain 

binawi ko nalang yung kamay ko tapos ngumiti ulit at tumawa ng pilit 

"hehe." tawa ko ng pilit 

tinignan ni don robert yung apo niya at tinignan ito ng masama at pinagsabihan

"Scott ayusin mo nga yang ugali mo!" sabi ni lolo robert 

napatingin si scott kay lolo robert at napairap nalang 

bading ata to? inalok ni scott yung kamay niya sa akin kaya nakipagkamay ako sa kanya 

"Hi Im scott and you are?" cold na sabi ni scott

"I-Im S-sam y-your maid." sabi ko 

bakit ako nauutal putcha naman ang akward tsaka tama ba english ko?? 


************************

Abangan hahaha ano yan teleserye lang ang peg  sana po suportahan niyo po yung story ko :)


Bumoto na po kayo :) at comment and share narin po :) 

Follow me on my Twitter account : 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 07, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I am the Playboy's MaidWhere stories live. Discover now