P

4 0 0
                                    

A/N: Dylant Contiz as Joshua Garcia

Dylant Contiz's POV:

"Ma'am, please po. Wala na po talaga akong mapapasukan. Nagmamakaawa po ako sa inyo." halos lumuhod na ako sa pagmamakaawa sa manager ng Fast food na pinag tatrabahuan ko.

"Alam mo naman kung ano ang ayaw ko sa lahat! Ang hindi sumusunod sa rules! Lagi kang late sa trabaho. Hala! Umalis ka na dito!" pagtataboy niya sakin saka ako inirapan.

Lumabas ako ng Fast Food nang bagsak ang balikat.

Nabawasan ako ng trabaho! Lintek na buhay 'to. Puro nalang kamalasan.

Agad akong naghanap ng panibagong trabaho. Hangga't buhay may pag asa!

Ako lang ang nagpapaaral sa sarili ko. Panganay ako sa aming tatlo at ako na rin ang bumubuhay sa amin. Yung tatay ko, puro sugal at inom ang alam. Iyong tinatrabaho niya, sa bisyo nya rin nilalaan. Ako rin ang bumibili ng pang araw araw namin at para sa eskwela ng dalawa ko pang kapatid. Si Nanay naman ay nasa bahay lang.

Lagi kong nakikita na sinasaktan ng ama ko si Nanay dati. Pero noong tumungtong ako ng 16 natuto akong lumaban. Magmula noong pinagtatanggol ko si Inay, hindi na sya sinasaktan ni Tatay. Bisyo niya lang ang mahalaga sa kanya.

Kung ano ano na ang trabahong pinapasukan ko. Alas kwatro ng umaga'y papasok ako sa 7/11 hanggang alas dyis, papasok sa eskwela hanggang alas dos. Papasok sa dati kong trabaho na tinanggal ako at magtitinda ng balot at chicharon na ipinapabenta ni Aling Nesa sa akin sa gabi.

Natanggal ako sa trabaho dahil 1:30 ng tanghali ang dapat kong pasok doon pero alas dos ang labas ko sa eskwela. Ewan ko ba kung bakit hindi nila iyon mainti dihan. Naknampuchang buhay 'to! Kapag ako yumaman bibilhin ko 'yang fast food nyo!

Hindi naman sa pagmamayabang, sabi nila'y gwapo ako. Matangkad 6 feet, moreno, maangas tignan, matangos ang ilong, may kalakihan ang katawan at sabi pa nila'y mabango tignan. Marami ang mga babae at bakla ang humahanga sakin. Minsan pa'y kung ano anong pangalan ng mga lalake ang tinatawag nila sa akin, iyon pala ay character sa wattpad 'yon at sinasabi nilang asawa nila. Dahil parang daw akong fictional character sa wattpad. Akala pa nila ay anak ako ng mayamang business man na magmamana ng kompanya okaya naman ay anak ng politiko. Ngunit sadyang nagkakamali sila. Anak ako ni Eva Contiz na modelo noong araw. Modelo si Nanay noon, siya ang pinakamagandang model noon pero tinangka siyang gahasain ng handler niya kaya't nagpakalayo layo si Nanay at umalis na sa mundo ng industriya.

Kaya't lahat ng hirap ni Nanay mula noon hanggang ngayon, susuklian ko 'yun balang araw.

May girlfriend na ako. Kaso hindi niya lang alam. Si Piela, schoolmate ko. Naging kaklase ko siya noong highschool. Pero ngayong college, magkaiba kami ng kursong kinuha. Matagal ko na syang gusto. Nagtangka akong ligawan siya noong highschool pero friendzoned ako. Pero katulad nga ng sinabi ko, hanggang may buhay may pag asa. Kailangan ko munang may mapatunayan bago ko siya ligawan ulit.

Sumapit ang alas sais ng hapon, ngunit wala padin akong naapplyan. Magsisimula na ang 3rd semester namin next next month. Kailangan ko na mag ipon para pambayad ng tuition. Tho, kalahati lang ang binabayaran ko dahil half scholar ako. Ngunit mabigat bigat ang tuition ko kung isusumatutal. Madami pa kaming babayaran sa bahay.

Hay, buhay. Wala naman akon balat sa puwit pero bakit napaka malas ko?

Gwapo nga, malas naman. May pabawi talaga!

"Aish!" ginulo ko ang buhok ko sa inis.

Kasalukuyan akong nasa tricycle at pauwi na ng bahay.

"Oh, anak nandyan ka na pala." pagkapasok ko'y nakita ko si Nanay sa sala na naghihimay ng malunggay.

Nag bless ako kay inay at naupo sa tabi niya.

The Five CentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon