UNA

2 0 0
                                    

Ilang linggo rin akong naghanap ng panibagong trabaho ngunit wala talagang tumatanggap sa akin. Laging walang bakante, kung hindi naman ay full timers ang hinahanap.

Naka uniporme ako at hindi pa nauwi. Basang basa ang polo ko ng pawis dahil sa sobrang init. Alas singko na ng hapon at napagpasyahan kong umuwi nalang.

"Pogi, wanpipti nalang!" halos mapatalon ako sa gulat nang may magsalita sa likod ko. Nasa likod ko pala ay isang salon!

"A-Ah hehe, hindi po ako magpapagupit. Sige po, una na po ako." dali dali akong lumakad palayo.

Hindi ko alam pero lapitin ako ng mga mama na may pusong babae, hindi ko naman alam ang sasabihin ko sa kanila at ayaw ko rin maka-offend. Syempre ay may damdamin padin sila. Mayron din naman akong mga kaibigang beki malapit sa amin pero nasanay nalang talagang ngiti lang ang naisusukli ko. Hahaha! Hindi po ako ganong klaseng lalake. Hangga't kaya ay paghihirapan ko ang mga bagay na gugustuhin kong kunin.

Napagpasyahan ko nang umuwi, habang nilalakad ko ang makitid na eskinita papunta sa aming bahay, tila ba nakakita ako ng anghel na bumaba sa langit. Si Piela, ang magiging ina ng mga anak ko. Joke.

"Uy hi Dylant!" kumaway siya at lumapit sa'kin.

"Uy, h-hi Piela. Anong ginagawa nyo dito?" tanong ko.

Kung kelan naman dugyot ako, saka ako nakita ni Piela. Hayst!

"May research kasi kami, then naisip namin dito magsurvey." Aniyang nakangiti. Hulog nanaman ako pre!

"Teka kanina pa out nyo diba? Ngayon ka lang ata nakauwi?" Dugtong nya pa.

"A-Ah, oo. Naghanap kasi ako ng part time job." Nahihiyang sabi ko.

"Wow, ganon ba? Napakasipag mo talaga." Sabi nya. "Oo nga pala mauna na kami ha?" Lumapit yung mga kasama nya.

Nagpaalam na ako kay Piela saka dumiretso sa bahay.

Hindi pa man ako nakakalapit sa bahay nang marinig ko ang sigawan ni Inay at Itay. Dali dali akong pumasok ng bahay.

"Peste ka! Sabi nang magluto ka ng ulam pag uwi ko!" Sigaw ni Itay kay Inay.

"M-Masakit kasi ang binti ko kanina Ronaldo." Ani Inay na nangingilid ang luha na nakahawak sa braso.

"Tay!" Sigaw ko at agad na lumapit kay Inay na naiiyak.

Hayop na taong to!

"Ikaw isa ka pa lintik ka makakatikim ka sakin hayop ka! Napakayabang mo!" galit na sabi nya.

"Subukan nyo lang 'tay, akala nyo hindi ko kayo papalagan!"

"Tumigil na kayong dalawa! Hayop ka Ronaldo, wala kang awa sa anak ko!" nanginginig na sigaw ni Inay.

"Anong sabe mo—"

Akmang pagbubuhatan ng kamay ni Itay si Inay nang bumagsak sya dahil sa paglapat ng kamao ko sa mukha nya ko sa kanya.

Unang beses kong napagbuhatan ng kamay si Itay. Ayaw na ayaw kong nakikitang sinasaktan nya si Inay. Walang kahit anong konsensya ang nanaig sakin.

"D-Dylant." gulat na sabi ni Inay.

"N-Nay, hindi ko po sinasadya..."

Ginulo ko at tumakbo palabas. Takbo lamang ako ng takbo at hindi ko na alam king saan man ako dadalhin ng mga paa ko.

Nang lumiko sa isang eskinita, kusang napagod ang mga paa ko at naupo ako sa gilid ng isang poste.

Magkahalong kaba, inis, lungkot at pagod ang nararamdaman ko ngayon. Hindi na sya nagbago, kailan man ay napakagago ng tatay ko. Kinakahiya kong naging ama ko sya. Sobrang kinakahiya ko.

"Kuya? Kuya ikaw ba 'yan?" nakita ko ang kapatid kong si Dahlia.

"Dah, saan ka galing?" tanong ko s kanya.

"Kuya naman! Nasa taas lang ako ng bahay, pinapahanap ka sakin ni Nanay. Sobrang galit na galit si tatay dahil sa ginawa mo." aniya.

"Umuwi ka na, mamaya na ako babalik ng bahay." sabi ko.

"Kuya, tara na! Mag gagabi na oh. Saka gutom na kami, wala pang luto sa bahay saka si nanay—"

"Ikaw ba si Cerge Dylant Contiz?" Isang barakong lalaki na nakaitim na jacket ang lumapit sa amin.

Tumayo ako. "Oo bakit?"

"Sumama ka samin." Aniya. May lunapit pang isang lalaking nakaitim at may katamtamang katawan.

"At bakit ako sasama sainyo?!" Itinabig ko sa likod ko si Dahlia.

"Sumama ka nalang Dylant Contiz." may ipinakita syang papel sa akin.

The Five Cents organization?

"K-Kuya sino ba sila?" takot na sabi ni Dahlia sa likod ko.

"Hindi ako sasama sa inyo!" Matigas na sabi ko.

Sumenyas ang lalaking may katamtamang katawan at may naglapitang mga lalaking naka gray na tshirt.

"B-Bitawan nyo ako!" nagpupumiglas na sabi ko. Ngunit hindi ako makawala dahil masyadong pagod ang katawan ko.

Ipinasok nila ako sa isang van. Saan nila ako dadalhin?! Sino sila?!

Pinosasan nila ang mga kamay ko at nilagyan ako ng piring. Pilit parin akong pumapalag.

Anong kailangan nila sakin?


Ladymaria

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Five CentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon