Ayoko na

44 0 0
                                    

  Ang pamagat ng tulang ito ay Ayoko na. 

Gusto ko sanang sabihin dati pa ang matagal ko ng kinikimkim,  pero laging kaba ung nauuna sa akin. 

Pero eto na, sasabihin ko na dahil mabigat na sa aking dibdib tong sakit. 

Naranasan ko ng umibig, pero sa huli wala lang pala.

 Yung nasasabi ko ng ayoko na. 

Pero mahirap talaga, sa bawat ngiting pinapakita mo, ako'y mas lalong nahuhulog. 

Lahat ng haplos ng kamay mo sa aking pisngi ay laging nilulubos.

 Pero sa bawat segundong pumapatak alam ko hindi ito maaari. 

Hindi to maaari kasi alam ko meron ng iba.

 Hindi maari dahil hindi ako ang una.

 Hindi maari kasi, sa isang simpleng rason, bawal ka. 

Kaya ayaw ko na.

 Yung mga matatamis mong salitang nagiging lason ko.

 Nagdurusa ang puso sabay patak ng luha ko.

Alam ko ako yung umasa, umasa ng sobra at di ko na alam kung anong gagawin ko pa. 

 Simulan natin dun sa unang pagkita. 

Di ko akalaing ikaw palaPero ayun, pinagloloko ako ng tadhana.

 Dahil isang saglit, ikaw lang ang nakikita ng aking mga mata.

 Naalala ko nung una yung akala ko ang sinabi mo "mahal kita" pero yung unang sinabi mo pala ay "Wala lang to", iniyakan ko tong "wala lang to".

Itong "wala lang to" na nagsira ng mundo ko.

 Pero Ang tuluyang nagwasak ng mundo ko ay hindi yung mga salita mo kundi ang pag-alis mo sa buhay ko.

 Yung sinarado mo ang puso mo, at di ko na maabot man din. 

 Yung puso ko na kumikirot, na pilit parin abutin.

 Yung ako'y nagmumukhang tangang umaabot ng kasiyahang hindi na mapansinKaya, ayoko na, Kailangan ko pa ba sabihin ang lahat? 

Ayoko na. 

Oo pinasaya mo ako, mga ngiti ko umaabot langit Pag ikaw na nasa piling ko.

Pero di talaga mapapalitan ng saya yung sakit.

 Ang sakit kasi, masakit na di mo napapansing nakakaepekto sa akin. 

Araw-araw lumuluha habang iniisip.

 Ito na lang ba? Wala na ba? Ginamit lang ba ako? 

 Alam ko ako'y tatanga-tanga ng naniwala akong may nabubuong pag-ibig na matagal ko ng gusto, pero katang-isip ko lang yun.

 Katulad ng nasa puso't isipan mo na wala lang yun, wala lang yung mga mahal kita, mga gusto kita, mga-- tigil na. 

Ayokong bilangin ang mga kalokohan mo na nakasakit sa akin at ang aking damdamin.

 Kaya ayoko na. 

Pero pilit pa ring ibalik ng tadhana ang relasyong wala.

 Pilit paring gawing totoo ang pag-ibig na nasa isip ko lamang.

 At ako yung tangang naniwala at nagpahulog sa iyong muli.

 Sinabi kong tama na, pero tama ba?

 Tama bang maniwala sayo ulit?

Tama bang makinig sayo ulit?

 At sa pangalawang pagkakataon, nakakatawa kasi, dun sa pangalawang pagkakataon ako'y nagkamali, sa pangalawang pagkakataon niloko mo ako ulit.

Winasak mo na naman ang tiwala ko.

At bigla ka na lang lalapit, bigla ka na lang magmamakaawa "sorry, hindi ko sinasadya". 

Anong hindi mo sinasadya? 

Yung sinaktan mo ako nung una o nung pangalawa? 

Yung sinira mo ang aking tiwala? 

Pati na rin ba nung nagsinungaling ka dahil sa mga simpleng salita na "mahal kita".

 Walang kwenta ang sorry dahil di na babalik ang nakaraan. 

Walang kwenta ang sorry kasi ako ay paulit ulit na nasaktan.

  At walang kwenta ang sorry na galing sayo kasi wala lang ako sa buhay mo.

 At ayoko na, ayoko nang marinig pa ang boses mo at baka mahulog pa ako lalo.

 Kahit gaano kita kamahal, oo mhal kita, ay mali pala, minahal pala kita.

 ayoko na.

 Di ko na kayang makitang masaya ka dahil sa iba at ako yung kaibigan mo na naiiwan na may damang kinikimkim. 

 Ako yung tanga na umaasa pa rin na ang status ko na kaibigan ay maging ka-ibigan.

Pero ayaw ko na.

Kaya ayaw ko na. 

Ayaw kong mahulog pa.

Ayaw ko nang kiligin habang nakikita ka.

Ayaw ko ng magmukhang tanga.

Ayaw ko ng maging sunod-sunuran pa.

Ayaw ko ng mahuli ang sariling nakangiti na parang baliw ng naiisip ka.

Ayaw kong pag-isipan ang kinabukasang wala ka.

At ayaw kong mawala ang tayo, kahit wala naman pala.  

Collections of Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now