Paalam na sa aking mga kaklase ng S.Y. 2017-2018

409 2 0
                                    

  Pwede bang maitanong lang... 

 Madaya ba ang tadhana at tayo'y pinagsama sa apat na sulok na kwartong tinatawag na silid-aralan?

 Masasabi bang masama ang tadhana dahil tignan niyo, matatapos na rin ang isang taong tayo'y nagsama, nagkulitan, nag-away, ating harutan at siyempre mga usapan.

Madaya ba ang oras dahil kung kasama ko kayo bigla itong bibilis?

Madaya ba na parang kahapon lang akala mo first week of the School Year pa lang?

Pinagloloko ba tayo ng oras at ang buong araw ay bigla na lang lumipas?

Sa umpisa naalala ko pa, Yung iba nag-aalinlangan pa. 

Yung iba nga nagsasarili pa, pero unang linggo pa lang yun. 

Meron pa yung paboritong linya ng mga guro sa unang linggo ng pasukan.

"Ang tahimik niyo ah" Pero, siguro nagkakilala, biglang sugod mga iba't ibang mga grupo, biglang nag umpisa ang iba't ibang daldalan, bawat sulok walang katahimikan.

Laging may sermon ang teacher, kahit isa o dalawa ang nag-usap.

Mapagalitan ang isa, susunod ang dalawa hangang buong klase na. 

Kasi ang paboritong sipi ng klase ay "All for one, One for all" 

Pero umpisa pa lang ito.

Nandiyan din yung magulang natin. 

Hindi yung mama o papa, kundi yung teacher na laging nandiyan at tinutulungan ka di lang sa iyong asignatura kundi pati ang inyong mga problema.

Kaya nagpapasalamat ako, ay hindi, nagpapasalamat kami sa inyo dahil nandito kami at nakatayo dahil sa tulong niyo.

"Salamat at di niyo kami sinukuan, kahit binigyang namin kayo ng sandamakmak na problema"

"Salamat at di niyo kami iniwan sa ere ng kami ay sumosobra na."

"Salamat dahil nagtuturo parin kayo kahit kayo ay pagod kaka-compute ng grades namin."

Pero. Pero lang at katotohan 'to.

Susunod sa lahat ng masasaya laging may mangyayaring masama.

Away sa classroom lumalala.

At akala mo maninira ng pagkakaibiganan. 

Umpisa pa lang at bigla na lang walang pansinan.

Pero bigla na lang natuto.

Kahit gaano kalala ang away na yan, kahit tumagal ng ilang oras, araw, linggo o buwan.

Magkakabati na yan.

Andyan na rin ang mga iba't ibang paligsahan na nagpapakita ng iba't ibang kakayahan.

Yung marunong kumanta, sumayaw, umarte.

Magaling sa math, sa science, english at iba pang mga asignatura.

Yung magaling gumuhit at magaling sa arts...

Siguro kung itutuloy ko pa di ko na matatapos ang aking pagtutula.

Dahil sa rami ng ating samahan at di ko na talaga mapigilan ang mga luha, kakaisip na ito'y mawawala na at magiging mga ala-ala.

Siguro nasabi ko lang ang mga ito dahil hindi ko gustong makalimutan.

Siguro ginawa ko lang ito kasi ayaw kong mahiwalay, mahiwalay sa mga ala-alang tumulong sa akin at nagpapaalala na ito pa rin.

Ito pa rin ang pinakamagandang taong naranasan ko sa buong buhay ko ng nakilala ko kayo at naging mga kaibigan ko.

Siguro pag di na kayo ang aking mga kasama alam ko di na ako makakatawa, yung bukas na bukas, kita ang ngalangala.

Pero teka, lahat ng mga bagay meron huli at merong umpisa, na parang ang umpisa ay naghudyat na matatapos rin itong kasiyahan.

Di ko inaasahan, at siguro nakailang beses akong nakiusap sa Ama na sana ito'y pang-habang buhay. 

Pero imposible, dahil nga nagtatapos ang lahat.

Naaalala ko tuloy ang mga iba't ibang uri ng mga kaklase sa loob ng klase.

Paalam na sa aking mga kaklase. Paalam na sa ating mga klase.

Yung mga maiingay kahit nandiyan na ang guro, at kahit napagalitan na, tuloy pa rin sa daldalan. Paalam na.

Nandiyan rin ang mga matatalino, yung laging source ng mga sagot, yung tutor ng buong klase at yung sa discussion laging namumuno. Paalam na.

Yung taong laging nagrurush pag malapit na ang deadline or mismong araw nalang sila kikilos. Paalam na.

Lahat ng mga uri ng aking mga  kaklase, yung mga pabida, mga magaganda, mga famous, laging late or laging absent, Paalam na.

Magaling sa computer, magaling mag-report, yung laging hawak ang cellphone at merong dala na ring charger. Paalam na.

Yung mga kaklase na laging inaasahan, yung kaklaseng laging umaasa, yung laging may dalang ballpen at yung paper dispenser, paalam na.

Yung grupo ng mga taong nag-uuno tapos sa kabila laro na naman ng cellphone, Paalam na.

Yung taong may sobrang effort na project at yung taong okay na kung may folder.

Yung kaklase mong nandiyan lagi sa loob ng classroom at yung laging nasa labas at sabay, "Guys! Volleyball na, meron ng bola." Paalam na.

Marami pang uri ng estudyante sa loob ng classroom pero kahit tayo'y iba't iba dito, lagi tayong nagsasama.  

Kahit di nagtutugma ang mga ugali tayo'y nagkakaunawa.

Yung kahit may nagawang kasalanan, laging nandiyan ang klase gagawan ng paraan para ika'y matulungan.

At kahit hindi tayo perpekto, lagi tayong may natatapos.

Kung mapahiya ang isa mapahiya ang lahat.

Kung naghirap ang isa, nandyan ang buong barkada.

Pero ang problema ay paalam na.

Yung iba mawawalay na.

Ang problema ay matatapos na.

Kaya, paalam na sa aking mga kaklase.

Nagpapasalamat ako sa mga ala-ala na ating nakolekta.

Nagpapasalamat ako sa mga lungkot at saya.

Nagpapasalamat ako sa klase na to.

Nagagalak sa inyong mga loko.

mamimiss ang inyong gulo.

Thank you at ako'y naging parte ng klase na ito. 

  Thank you sa lahat.  

 11-Jerusalem...




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 08, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Collections of Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now