Christine's POV
"Kringgg!....Kringgg!" (alarm clock po yan di po yan, telepono!)
"Anak! aba gumising ka na, tanghali na. Gusto mo bang mahuli sa klase? Hayss.. sobrang aga naman ata para magising ako, Waiitt!! Umaga? Umaga na pala
Sheemss unang araw ng klase dapat di ako malate!
"Ma anong oras na po ba? tanong ko kay mama sabay tanggal ng morning glory ko, hehehe!
"Nak, wala ka bang mga mata nasa tabi mo na nga yang alarm clock mo, di mo pa makita-kita?
"Mama naman eh, sareh po okay? sareh bulag lang po!" sabi ko na may halong pagka-pilosopo mode.
"Bulag nga lang ba, anak? O bulag-bulagan?" Hayss si mama ang aga mambara, sabay higa ko ulit sa kama ko.
"Ano ba CHRISTINE CHARLOTTE TAMPIPI, hindi ka pa babangon? Lintek na! Mahuhuli ka na sa klase!" nang bigla nyang ibuhos yung tubig sa flower vase rito sa kwarto ko.
"Eto na po, ma!" sabay bangon pagkatingin ko sa orasan ayy 6:14 am. na pala! Kailangan nasa school na ako before 7 am, kundi baka hindi ako papasukin ng guard, malay mo masungit yun! -_-
Dali-dali na lang akong naligo
BUHOS!!
BUHOS!!
SHAMPOO!!
SABON!!
BANLAW!!
BANLAW!!
TOOTBRUSH!!
TOOTBRUSH!!
Saglit lang akong naligo siguro mga 10 minutes lang! Hahahaha, shh! secret lang natin malay mo maaarte mga kaklase ko!
Sabay bihis ng uniform, ang cuuteee ng new uniform ko Excited na akong masuot 'to!
BIHIS!!
BIHIS!!
BIHIS!!
"Christine, halika na kumain ka na ng umagahan, tagal mo dyan sa taas isang oras ka na ata nagpapaganda dyan, halika na dito bumaba ka na!"
Pagkatingin ko 6:30 na pala kumuha na lang ako ng pandesal na may itlog sabay inom ng kape, male-late na ko kasi eh. Tas inabot na sakin ni mama yung baon ko.
Nagpara na ako ng tricycle papuntang labasan, sabay nagpara ng jeep. May kalayuan din yung school ko eh!
Nang biglang bumaba yung driver ng jeep at sabi
"Wait lang ho mukhang nasiraan ho ata tayo!" Kung minamalas nga naman oo!Bumaba na lang kaming mga pasahero, buti binigay ni manong yung binayad namin sa jeep. Nag-hintay ako ng ilang minuto pero wala pa ring dumadaan na jeep papuntang school.
Sumakto pa yung buhos ng ulan buti na lang may waiting shed. dito. Nang biglang... Natalsikan ako ng putik! Nakoo.. lagot na! Andungis ko na baka pag kamalan akong pulubi
Nagulat ako ng may pumarang kotse! Ayyyy hindi pala 'to kotse! Isa syaanggg....
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
School service! Oo school service!
"Lika na sis! sabay ka na samin. tutal sa Manchester Academy rin naman ang pupuntahan namin, dun rin kasi ako nagaaral" sobrang daldal nya grabe pero mabait sya, alam nya kung saan ako nag-aaral, ay oo nga pala! Magkaparehas lang kami ng uniform tas may nakalagay pang Manchester Academy dun sa sasakyan, ang shunga ko talaga!
"Oo nga pala sis, driver nga pala yung papa ko neto, naihatid nya na ng maaga yung mga estudyante." di pa rin ako naimik, mahiyain lang naman kasi akong tao, siguro pag naging close ko pa 'to mailalabas ko ang hidden talent ko, hahaha!
Madaldal kasi ako kapag super close ko na yung isang tao.
"Naku, mukhang may putik na yang palda mo ah, eto extra kong palda, suotin mo muna!" wow! girlscout yata 'to laging handa eh.
"Ayy! Thankyou, ako nga pala si christine!" sabi ko sabay ngiti at abot ng kamay ko sa kanya nahihiya rin kasi ako masyado
"Ako naman si Alliyah, pwede naman tayong maging mag-kaibigan eh, oo nga pala! Papakilala ko sayo mamaya yung isa ko pang bestfriend!"
"Atlhlete ka ba? mukhang lagi ka kasing ready. Kita mo may baon kang extra uniform" Hindi na lang nya sinagot yung tanong ko, kasi nakarating na kami sa school.
"Thankyou po sa pagsabay." pasasalamat ko sa papa ni alliyah
"Lika na sis!" sabay takbo namin di na nga namin natanong sa isa't isa kung anong mga section namin eh 6:55 na kasi umuulan pa.
Buti pinapasok pa kami ng guard winarningan na lang kami tutal naman daw first day
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Hello po sa inyo! Sana po nagustuhan nyo! Magu-UD po ako sa lalong madaling panahon! Hehehe!
COMMENT
VOTE
@Pinkberriess
![](https://img.wattpad.com/cover/17715629-288-k608666.jpg)
BINABASA MO ANG
Love at first sight
عاطفيةWhat if kung nainlove ka sa lalaking di mo inaasahan? Yung bigla na lang makikila mo sa di inaasahang panahon o lugar? Naniniwala ka ba sa destiny? Hindi? Oo? Pwede? Hindi?