Christine's POV
Habang kine-kwento ni alliyah ang pambubully sa kanya ng spice girls, naawa ako sa kanya, at sobrang naiinis ako dun sa tatlong mga alien na yun.
"Hi guys, best alliyah! Sorry di tayo nagkasabay kanina sa pagpasok medyo nalate kasi ako eh." sagot ng babae, di ko pa sya kilala eh.
"Ay, oo nga pala! Christine, sya yung sinasabi ko sayong tumulong sakin nung may usok sa laboratory. Chritine, meet Cyril ang bestfriend kong loka-loka" sabay batok nung cyril kay alliyah
"Nako best, dapat pala di na kita tinulungan nung mga araw na yun"-cyril
"ARAY KO NAMAN BEST, Solid pagkakabatok mo ah. Nga pala, Cyril, meet Christine, isa syang transferee dito sa school, kakakilala ko lang sa kanya kanina." sagot ni alliyah.
So sya pala yung cyril! Ahhh... pag nagsama pala 'tong dalawa na 'to world war II sa sobrang kulit.
"Hi cyril" pagpapakilala ko sa kanya sabay *shakehands
"Hay nako, christine, wag ka ng mahiya sakin. Di ako nangangain ng tao."-cyril
"Ay oo nga pala, best! Mainggit ka, bwahahaha! Magkaklase kami ni christine."-alliyah
"EDI KAYO NA MATALINO, iniwanan nyo nanaman ako. Iiyak na ako sige kayo! Pero joke lang yun, hahaha!"
Ang dadaldal nila, ang saya nila maging kaibigan. buti na lang may bago akong nakilalang kaibigan na ganito kababait!
"Tara! Tutal lunch naman sabay-sabay na tayong kumain. Treat ko!."-pagaanyaya ni cyril
"Gusto ko yan, lilibre mo ba ko, best?"-alliyah
"Isang malaking, HINDI!"-cyril
"Di na tayo bati, best! Christine wag nating bati si cyril, ayaw nya akong ilibre oh!" pagsusumbong ni alliyah na may matching bata effect
"Hahahaha, O sige kayo munang dalawa maunang mag-lunch may pupuntahan lang ako saglit."-sagot ko sa kanila
"Ay, sis! Basta sabay tayo sa library mamaya ah hintayin mo na lang ako! Dun tayo gagawa ng assignments!"-alliyah
Hindi na lang ako sumama sa kanila, pumunta na lang ako sa library, pagkatapos ko sa library ay nagikot-ikot muna ako. At pagkatapos nun ay kumain na ako, mas pinili kong kumain sa garden kesa sa loob! Oo may mga upuan dito sa garden may mga nagtitinda rin, pero kakaunti lang ang tao dahil siguro late na ako kung kumain.
Ayaw ko kasi makisabay sa mga maraming tao.Naninibago pa kasi ako sa mga tao dito lalo na new student ako. Gaya nga ng sabi ni alliyah na mga transferee, ang mga target ng spice girls, kaya ganun na lang ako kaingat.
Ayoko kasing malaman ni mama na ganun din mangyari sakin tulad ng nangyari kay alliyah eh. Nagipon sya para makapagaral ako dito sa Manchester Academy. Alam kong nagaral ako dito para matuto.
Naiinggit nga ako kay alliyah eh, kahit makipag gimik sya, namementain nya pa rin pagaaral nya. Eh ako, oo may pagka matalino ako pero syempre di ko bibiguin si mama. Kung natanggap lang ako bilang scholar dito sa eskwelahan, edi sana kaunti na lang ang babayaran ni mama para sakin. Pasado sana ako sa pagka-scholar dito sa eskwelahan na 'to, pero wala ng pag-asa dahil wala na silang inaalok na bagong scholar, kaya nagpursigi si mama na makapagaral ako sa magandang eskwelahan na 'to. Pinipilit ko si mama na wag na ako magaral dito para makaipon sya kahit papaano, pero pilit nya pa rin pinaglalaban na magaral ako dito. Lalo na sa kuya ko di kami nun magkasundo eh, baka nandahil sakin kaya ayaw sakin ni kuya, Oo may kuya ako! Lagi nya akong sinasaktan dahil isa lang raw akong salot sa buhay nya.

BINABASA MO ANG
Love at first sight
RomanceWhat if kung nainlove ka sa lalaking di mo inaasahan? Yung bigla na lang makikila mo sa di inaasahang panahon o lugar? Naniniwala ka ba sa destiny? Hindi? Oo? Pwede? Hindi?