Simula
Gulat na gulat padin ako hanggang ngayon, matapos sabihin sa'kin ng isa sa mga nagbabantay dito sa ampunan na iuuwi na daw ako ni Lola.
Limang buwan na ang nakakaraan ngunit tandang tanda 'ko padin ang lahat ng nangyari, habang nasa biyahe kami papuntang Baguio. dahil sa kalakasan ng ulan at sa mga hamog na din na humaharang sa salamin ng aming sasakyan, hindi napansin ni Daddy na nawawala na pala kami sa linya ng kalsada hanggang sa napagtanto nalang namin na nasa bangin na kami at nahuhulog na ng paunti-unti, na para bang sinasakal kami hanggang sa unti unting matigil ang aming paghinga. Narinig ko din ang piyok at iyak ng aking kapatid na para bang nagmamakaawa siyang tulungan namin siyang pawiin ang takot at sakit na kanyang nararamdaman.
Nagising nalang ako na nakahiga sa isang malambot na kama. Sa isang silid na pinalilibutan ng puting mga dingding, hindi ko na kailangan magtanong kung nasaan ako. Hospital, isang lugar kung saan dapat napapanatag ako dahil ligtas at payapa dito ngunit bakit natatakot ako? siguro'y dahil alam kong may mga taong hindi pinapalad mailigtas sa lugar na 'to kabilang na ang kapatid ko.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng mga masasakit na alaala nang magsalita ang aking Lola.
"Hija? inihanda mo na ba ang 'yong mga gamit?"
Nagagalak akong tumango sa kanya. hindi 'ko kayang ipaliwanag kung gaano ako kasaya dahil sa wakas pagkatapos ng halong limang buwan na pagtitiis dito sa ampunan ay makakaalis na din ako.
"Maraming salamat ho sa pag aalaga n'yo sa akin sa mga lumipas na buwan, paano ho? uuwi na ho ako" nakangiti kong tugon sa mga taong itinuring akong pamilya kahit sa panandaliang oras lamang.
"Wala iyon Miracle, pag naisipan mong bumisita h'uwag kang mahihiyang bumalik ha! Oh pano? mag-iingat ka ha, at magpakabait ka"
hinding-hindi 'ko na nanaisin pang bumalik dito, tanging ngiti nalang ang sinagot 'ko sa kanila.
Dahil sa kahabaan ng biyahe hindi 'ko namalayang nakatulog na pala ako.
"Hija? nandito na tayo"
Walang pag aalinlangan akong tumakbo papasok sa bahay namin, ngunit hindi pa ko nakakahakbang sa teresa nang makita ko si Mommy na tulala at basang basa ng luha ang pisngi.
Kumikirot ang puso 'ko na makitang ganito s'ya, malayong malayo sa Mommy ko bago kami maaksidente.
"Mom? ano pong nangyari sayo?" kuryoso kong tanong habang pinupunasan ang kanyang luha.
"Lumayo ka sa'kin!"
tinabing n'ya ang kamay ko at umiyak s'yang muli.naiiyak kong tiningnan si Mommy, bakit ganito ang nangyayari? nasasaktan ako dahil nagkakaganito s'ya.
"Hija pagpasensyahan mo na ang Mommy mo, hindi pa kasi sya nakaka move-on sa nangyari sa kapatid at Daddy mo tapos yung negosyo pa"
"Bakit po? ano po bang nangyari sa negosyo?" kuryoso kong tanong.
"Bumabagsak na ang negosyo n'yo kaya naisipan ng Daddy mo na kung hindi ito maisusulong sa loob ng isang buwan ay babawiin niya nalang ito sa Mommy mo, kaya mas nadagdagan ang problema ng Mommy mo. Lumuhod pa nga s'ya sa Daddy mo at nagmakaawang wag nang kunin ang negosyo at makipagbalikan nalang. Gosh! hindi ko sya pinalaki para maging desperada" naiinis na umalis si Lola at dumiretso sa kusina.
Namuo ang galit sa aking dibdib nang malaman ko kung bakit mas nagiging ganito si Mommy, imbes na si Daddy ang karamay namin ngayon dahil sa nangyaring aksidente iniwan at pinabayaan niya pa kami.