Chapter 1. Getting to know Her

8 0 0
                                    

SELENA ARTEMIS SIVAN! Gumising ka na! You’re already late for class. Baby naman.”

Biglang napa-upo si Selena sa kanyang kama. Mukhang tulog pa ang isip niya dahil palinga-linga pa ang ulo niya sa kanyang kwarto.

“Gising ka na ba? Go take a bath now. Late ka nanaman niyan eh. Lagot na tayo sa Daddy mo.”

Nakita niya ang kanyang mommy na nagliligpit ng mga kalat na damit sa kwarto niya. Napapadyak siya nang maalala ang naudlot na pagkikita nila ng kanyang “Destiny”.

“Aish. Moms naman eh! Makikita ko na yung mukha niya eh, tapos ginising mo ko. Huhu. Pano na niya ko maliligawan niyan? Five days na siyang nasa panaginip ko pero hindi ko pa rin nakikita mukha niya.” Pagmamaktol pa niya sa mommy niya.

“Selena naman, five days mo nang hindi tinitigilan yang lalake na yan ah. Baby, kung gusto mo naman ng lalake pwede tayong magsabi sa Dads mo, yung anak ng mga business partners niya, tama na yang pantasya mo anak. Maligo ka na. sige na.”

“Pero Moms, alam kong totoo siya, magkikita kami, liligawan niya ko, magpapakasal kami, at magkakaron ng limang anak. Hanapin na natin kasi siya Moms eh.” Kumapit pa si Selena sa braso ng mommy niya na parang unggoy saka nagpa-cute.

“Baby saludo talaga ako sa imagination mo eh. Ang layo na agad ng narating. Haha.”

“Please moms?” *pout*

Alam niyang hindi siya kayang tanggihan ng mommy niya.

“Pero baby di ba sabi ko sa’yo hindi dapat hinahanap ang love, kasi kusang dumadating yan eh. Kung para sa’yo, para sa’yo di ba?” habang hinahaplos haplos ang buhok ng anak.

“Moms, paano kung naligaw pala yung prince charming ko kakahanap niya sakin? O kaya naman hinarang siya ng evil step sister ko? Moms! Hanapin na natin si Baby Johann ko. Huhuhu. Kawawa naman siya.” Saka niyakap ng mahigpit ang bewang ng mommy niya.

“Selena! Wala kang step sister kaya tigilan mo na ‘yan. Maligo ka na, tapos kausapin mo ang daddy mo. Sige na!”

Tumayo naman si Selena at saka tumalon pababa ng kama. Yumakap siya sa kanyang mommy dahil alam niya panalo nanaman siya.

“I love you Moms! Super! Ligo na ko. Mwah.”

-Selena-

Okay, first day of school. Actually, second day na pero ngayon pa lang ako papasok kasi late akong nagising kahapon at tinamad na din. Pero at least, papasok na ko ngayon. Haha!

Nakapag-ayos na ako, wala naman kasing uniform sa school naming eh. Tsk. College na, uniform pa din? Corny. Kung iniisip niyong kami ang may-ari ng school, pwes, mali kayo. HAHAHA. Pero malaki ang shares ng pamilya namin dun, let’s just say na Dads is the major shareholder.

“Dads, Moms, I’ll go now. You don’t want me to be late right? BYEEEE!” Saka ako tumakbo palabas. I’m sure na pipigilan nila akong umalis ng bahay hangga’t hindi ako nakaka-kain ng breakfast eh.

“COME BACK HERE PRINCESS!” Narinig ko pang sigaw ni Dads, pero nakasakay na ako ng car so…

-few minutes later, School-

Pagbaba ko pa lang ng kotse, pinagtitinginan na ko. Babae, lalake, bakla, tomboy, butiki, baboy. Haha. Pero kung akala niyo nagagandahan sila sakin, well… mali ulit kayo! HA! Hindi naman sa pangit ako, pero kasi, I’m not your typical girly girl.

I despise wearing dresses, I hate stilettos with a passion, and I have a boy cut hair. Pero hindi ako tomboy. More about my appearance later, kasi nandito na ko sa harap ng room, and swerte kasi wala pang prof.

“GOOD MORNING SELENA BABY. I MISSED YOU YESTERDAY!” Kahit kalian talaga napakaingay ni Shy.

“Ms. Rodriguez, please refrain from shouting inside the classroom. And please take your seat Ms. Sivan.” Dumating na pala yung homeroom professor namin. Umupo na ako, baka mapagalitan nanaman eh. Haha.

“I’m very sorry for not attending yesterday’s class, something urgent came up. But since I’m here now, we’ll start by, of course, introducing yourself. I know most of you already know each other, but for the sake of first day of school rituals, let’s do this. Shall we start?” Ayos! Absent pala si Miss kahapon, ligtas ako.

Usually kasi pag first week dito sa school, homeroom lang ang klase namin. Parang pampainit sa students, para hindi mabigla sa lessons pagkagaling ng bakasyon. Nakakatamad nga lang. Malapit na pala si Shy, ibig sabihin malapit na din ako, magkatabi lang kami eh. :D

Tumayo na si Shy, tapos pumuta sa harap.

“Hello everyone! I’m Shyla Rodriguez ,17 and let’s all be friends!” May kaway kaway pa siya niyan. Haha. Sobrang energetic talaga ng bestfriend ko. Yeah. Bestfriend ko siya, childhood friends kami actually. Ako na pala.

“Selena Artemis Sivan, 17, *smile*” Narinig kong maraming nagbulungan, marami pa lang new student ngayon. Kilala na kasi ako ng mga students dito sa East Asia International School dahil mula prep dito na ko nag-aral, and of course, hanggang college dito na din, kaya alam mo talaga kung sino ang new students. Ehem. Loyalty award. Ehem. Haha.

“Sivan daw, anak kaya siya ni Emerald Sy?” Girl 1

“Baka hindi, di ba fashion designer yun? She doesn’t look like a daughter of a designer naman eh.” Girl 2

Ilan lang ‘yun sa mga narinig kong bulungan. Dedma na lang ako. Actually, si Emerald Sy talaga ang moms ko, di nga lang halata kasi hindi nga ako masyadong nag-aayos. Kaya nga sobrang frustrated si Moms pag nakikita niya ‘yung ayos ko, especially my hair.

But I really liked the way I look so I couldn’t care less, isa pa it’s my life, kaya pinagbibigyan na lang din ako nila Moms. AND I’m their only child kaya no choice sila but to give me what I want. Pero hindi ako spoiled at lalong hindi ako brat. Ang bait ko kaya. *smile smile*

His NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon