Prologue
“Wag kang malikot! Dyan ka lang!”
“Ano ba kasi ‘yang ginagawa mo? At bakit ba hawak-hawak mo ang korteng kahong bagay na ‘yan na... Sinasamba ninyong mga kabataan?”
“Ang tawag dito ay CELLPHONE o SMART PHONE o PHONE nalang...”
“Wala akong pakialam. Ano ba kasing ginagawa mo? Malapit na akong magising!”
“Look... Gusto ko lang ng remembrance. Para namang pangkaraniwan ang ganitong pangyayare sa tao at—at—Aish! Pumwesto ka na nga dito!”
“Ehh?! Ano ginagawa ng bagay na ‘yan? Isa ba itong uri ng salamangka? Gumagamit kayo ng salamangka? Kaya niyo ba sinasamba ang munting bagay na ito? Ang kahon ay... Ang kahon ay may kakayahang magpalit anyo.”
“Ano ba!? Eto ang camera at hindi salamangka! Iyan ang dahilan kung bakit nakikita mo ang mukha mo sa screen. We don’t use magic shits... We use technology and science.”
“Ganoon ba? Pero wag mo na akong Inglesin sa susunod... Wala kasi akong naiintindihan—Sige na nga ipaliwanag mo na ang gagawin natin...”
“Tch! Magvivideo tayo. Ipapakilala natin ang sarili natin sa harap ng camera at magkukuwento ng kung ano-ano.”
“Na parang may kinakausap tayo sa loob ng kahon?”
“Tch! Oo na!”
“O edi sige pangunahan mo!”
“Okay... We’ll start on 3...”
2...
1...
“Hi! Ang pangalan ko ay John Delacroix. Hindi ko alam kung pang-ilang henerasyon na ako ng pamilya pero... Mayaman kami—paano nga ba ako magkukwento?”
“Tumabi ka nga diyan, batang Delacroix! Magpapasimuno ka ng kung anong tawag man dito pero wala ka naman palang alam...”
“Kamusta mga nilalang sa Smart Phone! Ang pangalan ko ay Amelita Avantghard... Binibing Amelita Avantghard. Nanggaling ako sa...”
Empty Battery!
Your phone will shut down in 3... 2... 1...Last year on 1300’s
Written by: Chkagire
Genre: Adventure, Humor
Status: O N G O I N G (slow update)
BINABASA MO ANG
Last year on 1300's
FantasyShe is Amelita Avantghard, and he... He is John Delacroix. They are two different person, living in the same world... But not in the same time. And here is the catch... they're bound to know each other, by fates' order. Last year on 1300's Author: C...