Kabanata 5

14 0 0
                                    

.

#Boyfriend

Sabado ngayon at niyaya ako ni Sammy magpunta ng Clark Pampanga para sa Hot air Balloon festival.

I said yes dahil wala rin naman akong pupuntahan ngayon. Ayoko namang every weekends nalang akong naboboryong sa kakaFb, at kakasurf ng internet sa condo, nakakaboring din.

"Geez!"i hissed ng mapagtantong ubos na pala ang isang toiletries ko.

I texted Sammy na sunduin nalang ako sa kalapit na store imbes na hintayin ako sa condo ko.

Pinasadahan ko ulit ang kabuuan ko sa salamin. Perfect!.

I wore white V-neck fitted blouse at denim short shorts saka ko pinatungan ng gray cardigan at ang tinernohan ko ng white sneakers.

Mga ilang oras din ang byahe papuntang Pampanga kaya bumili narin ako ng snacks at drinks.

Saktong nakapagpounce na ako sa cashier ay siya namang pagtawag ni Sammy na nasa harap nadaw ng store ang Van na sasakyan namin. Van!? Bakit may mga kasama ba kami!?.

Pagkalabas ko ay siya namang pagkaway ni Sammy na nakaupo sa harap ng Van...wait kasama si Thomas!?.

Kunot noo akong lumapit sa kanya.

"Fren mamaya na yang sermon,pasok na! Baka mahuli pa tayo sa festival."inirapan ko lang siya dahil ano to!suspense!?surprise o baka naman gusto niya akong maataki sa puso.

I thought kaming dalawa lang!? And before kong mahawakan ang handle ng pintuan ng passenger seat ay kusa na itong bumukas.

Bumungad sa akin si Vaughn na matamis na nakangiti habang may kasamang morenang babae,siya siguro siya ang girlfriend niya!?. Ngumiti sa akin ang babae kaya ngumiti rin ako dito bilang ganti but my smile disappear ng mapagtanto ko kung sino ang nasa next seat.

"Fren sakay na dali!."natauhan ako ng nagsalita ang atat na si Sammy mula sa harap.

Naku Sammy lagot ka talaga sa akin kapag nasolo kita.

Kusa akong dinala ng mga paa ko sa susunod na upuan katabi lang naman ang playboy na ugok. No choice ako dahil di naman pwede sa dalawang magshota sa harap namin at di rin pwede sa last seat dahil may mga gamit na nakalagay dito.

Nakapoker face lang ako ng magtama ang mga mata namin ni Arvin.

"Ang aga aga, ang sungit!."bulong nito pero sapat lang para marinig ko.

Nilingon ko siya at inirapan pa lalo.

He chuckled.

Kaya napatingin ulit ako dito.

"Anong nakakatawa!."

"Ang aga aga nakabusangot ka!."aniya.

"E paki mo ba!,hindi maganda ang gising ko ngayon kaya wag ka nang dumagdag" The heck, tama ba na sumama pa ako ngayon.

Ngumisi lang ito sa akin.

Nagulat ako ng bigla niya akong hilain papunta sa kanya.

Shit!.

Napasubsob tuloy ako sa dibdib niya.

Ang tigas ah!.

"Ano ba!."mahina kong sabi dahil nakakahiya naman kong sisigawan ko itong ugok na ito sa loob ng Van.

"Bakit ba ayaw mong tumabi sa akin. Wala naman akong nakakahawang sakit."kunot noo nitong sabi.

Anong gusto niya isiksik ko ang sarili ko sa tabi niya,excuse me hindi kami talo.

"Pwede ba, hindi tayo close. Kaya bakit naman ko naman isisiksik ang sarili ko sa tabi mo kong maluwang pa naman ang upuan aber.!"

"Tssss!!ang sabihin mo, ayaw mo lang tumabi sa akin dahil may gusto ka sa akin ayaw mo lang sabihin."

Aba! Ang yabang nito ah.

"Ang yabang mo. Bakit naman ako magkaka-gusto sayo!.?"

"Edi patunayan mo. Kung hindi mo talaga ako gusto edi dito ka umupo sa tabi ko.!"nakangisi niyang sabi.

Ugok talaga.

Hinahamon ako ng lalaking ito.

Napalingon ako sa mga kasama namin na tulog na pala. Wow hah...ano itong van lovers booth.!?

Tinignan ko siya ng masama habang dahan dahang umupo sa tabi niya.

Shit!

Pakiramdam ko nakuryente ako ng magkadikit ang balat namin sa braso.

Ngumisi ito habang ako ay nakabusangot parin.

"Ngiti ka na!,sige hahalikan kita dito!."banta nito. Halos manlaki ang mata ko sa kalokohan ng ugok na ito.

Sinuntok ko siya sa braso niya pero parang wala lang sa kanya dahil panay ang tawa nito sa akin.

"Pwede ba tigilan mo ako sa kalandian mo. Kung nalalandi mo ang mga babae mo pwes wag mo akong idamay sa kalokohan mo.!"

"Wala naman akong babae, ikaw lang!"

Omg ang line ng mga playboy. Akala niya ba maloloko niya ako. Minsan na akong naloko ng isang katulad niya,hahayaan ko pa bang masundan. Ano yun history repeat itself.

Hinuli niya ang kamay kong nakalatag sa hita ko.

"Anong ginagawa mo!?"gulat kong sabi ng pagsalukupin niya ang mga palad namin.

"Don't move!."aniya at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak sa kamay ko.

"Arvin, bitiwan mo na ang kamay ko baka kung ano ang isipin nila.!"i lowered my voice dahil baka may makarinig ng pinagsasabi ko.

"Don't mind. Why!? Magagalit ba ang boyfriend mo.!?"may tampo sa boses nito.

Boyfriend!?

Kunot noo akong tumingin sa kanya.

Seryoso siyang nakatingin sa mga mata ko. Gusto kong umiwas pero yung taksil kong puso ay sinusunod ang gusto.

Napatingin siya sa labi ko at ito na naman ang lintek kong puso bumibilis na naman ang tibok nito.

Sa unti-unting paglapit ng mukha niya ay ang walang tigil na pagtatatambol ng baliw kong puso.

Napapikit ako ng maramdaman ko na ang amoy mentol at mainit niyang hininga.

"Shit!!."halos magising ang mga kasamaan namin dahil sa biglang pagpreno ng sasakyan.

"Naku, sorry. Yung bata kasi bigla-bigla nalang tumatawid.!"aniya ni Manong Driver.

Mabuti nalang nasalo ni Arvin ang ulo ko, edi sana sumubsub na ako sa harap.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya ng maalala ang naudlot naming ginagawa kanina.

Napayakap ako ng mahigpit sa bag ko para mapigilan ang kilig at pamumula.

I averted my gaze sa kabilang bintana dahil ngayo'y naiilang na ako sa presensya ni Arvin sa tabi ko.

I let myself fall asleep dahil sa katahimikang bumabalot sa loob ng sasakyan.

Matutulog nalang ako kaysa makipagusap kay Arvin. Ano ang pag-uusapan namin. Ang awkward lang ng sitwasyon namin ngayon.

Touch By LoveWhere stories live. Discover now