Episode 5 : Oh my PagSinta Ka Na

13 1 0
                                    


ilang araw na akong masaya este malungkot na lang. Di ko maintindihan ang nararamdaman ko sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon. Dapat ko na ba tong isulat sa MMK at Magpakailan? Haha CHARROT!

"Parang masaya ka yata?" Sambit ni Carl na napalingon sakin habang inaabot ang Piatos na hawak nito.

"Carl na inlove kanaba? Anong pakiramdam tsaka ano lagi nasa isip mo?" Tanong ko. Magkakasakit na yata ako eh kasi ah eh ! Basta!

"Kompleto ang araw mo makita mo lang sya tapos lagi mo syang naiisip, nakikita kahit sa panaginip" sagot nito. Kumindat sya sakin ANO NAMAN KAYA INIISIP NYA! Tumabi sya sakin tsaka hinawakan ang magkabilang pesngi ko.

"Siguro Inlove kana sakin no?" Sabay halik sa noo. LOLA LANG!

"For your information kahit ipaTEST mo pa yung PUSO ko ,Hindi kita magugustuhan! Pangit nito!" Sagot ko. Kaasar eh! Feelingero talaga ang Carl na to! Porket gwapo ganyanan na? Lumayo sya kunti sakin.

"Excuse me Ches.. tapos kanabang makipag usap kay Carl? Umalis na kaya baka may gagawin ka pa" sarcastic kong sabi sa kanya. Tumaas lang ang mga kilay nito kala mo naman Kagandahan.

Mga 9:00 am nagbukas ang Restaurant at Kami ang unang costumer. Omorder si Carl ng makakain syempre pati yung favorite kong Ramyeon. Panay dikit si Ches kay Carl at nakakainis na talaga! Ang sakit sakit sa mata. Kumain nalang ako ,siguro dun ko nlang ibubuhos lahat ng hinanakit ko sa babaeng to.

"Water?" Tugon ng lalaki sa bandang likuran ko. Napansin yatang mabubulunan na ako sa sobrang pakaing isinusubo ko. Kinuha ko ang baso tsaka inunom ang tubig.

"T-thank...s" Ngumiti sya nang tignan ko. He ask me kung pwede bang umupo sa bakanting upuan sa tabi ko at agad naman akong pumayag para mabawasana ang pag ka OP ko dito.

"Sinabi ko bang umupo ka dyan? Tsaka kaya ko nman bigyan ng tubig si Kyle bat kailangan pang umextra ka diyan.." tugon ni Carl. Parang umupo lang high blood na agad sya? Tsaka na mamagandang loob na nga ng tao eh.

"Well, kung gusto niyo I wlll make this foods for FREE .. okay ba yun para sa pag upo ko dito?" Sabi ni habang nakangiti pa rin. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Naninibago ako sa kanya

"Mukha ba akong naghihirap? Umalis ka nalang bago pa mailabas ko ENERGY ko." Naiinis na tugon ni Carl. Napailing nalang si Kenzo sa inasal ni Carl sa harapan namin.

Dumating ang gabi pero magkasama pa rin kami ni Carl. Malamang maghapon rin magkahawak ang aming mga kamay. Pumasok kami sa Bar kung saan bumitaw siya sakin at tumungo sa Stagenng bar. Stage kung saan nagkakantahan ng mga band tuwing friday night. Umupo ako sa bakanting table sa bandang unahan.

"Sincere Saturday night ngayon.. May I request tonight to own this stage just to express my sincere feelings,care and Love to the person who makes my everyday life wonderful and amazing." Sabi nito.
Nagsilingon naman ang mga taong may kanya kanyang diskosyon kanikanina lang. Nag-umpisa nang mag play ang music.. music na napakapamilyar sakin. Ipinikit ni Carl ang mata niya na para bang fenefeel nya ang music.

Ramdam na ramdam ko ang mensahe ng kanta kahit na di naman kagandahan ang boses ni Carl. May part sa puso ko na naCoconfused dahil sa ginagawa ni Carl. Alam kong malabong mangyari yun na MAGUSTUHAN nya ako lalo na't may girlfriend sya at tutol din ako. Pero bakit yung puso ko ang daling magbago ng mood?

Nanginginig ang kamay nya nang hawakan muli ang kamay ko.

Kinuha ko sa kanya ang mic. para marinig ng malinaw ang sasabihin ko.. Nanginig ako ng sobra! DI KO TALAGA KAYA CARL..

"Sorry" isang salita nasambit ko na ikinalungkot ng mga taong nakatingin parin samin. Tumabok ako palabas ng Bar. Siguro need ko pa oras mag isipan muli ang bagay na yun.

"What the f*ck!! Gusto mo bang mamatay? Humanap ka nang ibang sasagasa sayo ha!" Sigaw nito sakin na mas malakas pa yata sa bosena ng sasakyan nya. Ang sama ng ugali!

"Ano ba sa palagay mo sa kotse ko? Service mo.. kahit kailan talaga wala kang nagawang mabuti sakin" sabi nito sakin habang patuloy sa pagmamaneho. Ginaya gaya ko nalang sya HAHA. Dinala niya ako AY MALI PALA napasama ako sa lakad niya. Haha

Sinalubong sya ng lalaking naka americana attire. Napaka Hot niya

"Kenzo napakatagal mo naman yata ? Kanina pa naghihintay sina mommy at daddy sa loob.." sabi nito. Di nalang umimik si Kenzo sa lalaki WALA TALAGANG ATTITUDE.

"May kasama ka yata? " Dagdag ng lalaki.

"I'm Iñigo kapatid ko sya.. hmn.. Nakasal na ako" sagot nito pero may kasamang matamis na ngiti sa labi ( sino kaya yung napangasawa niya? ANG SWERTE NAMAN SANA AKO NALANG) haha

Kahit kumain sila puro business ang pinag-uusapan ni hindi nga napansin ang presensya ko eh! Pero bakit ko ba pinagpipilitan na mapansin ako? CHARR.

"Kenzo.. You made me impressed with your performance this few weeks. Our new product increases the sales better than the last survey." Tugon ng Papa ni Kenzo. Ngumisi lang si Kenzo na parang sinasabing SISIW.

"I already made my decision. You will undergo more trainings even though you have lot of experience pagdating sa business natin. Ipapadala kita sa America." Sabi ng papa niya.

Binitiwan ni Kenzo ang hawak hawak nyang kotsara. At tumingin ng napakaseryoso sa papa niya

"Dad, That's unfair! Si kuya nakuha lang niya ang company dito sa Pinas with no effort? That's only your alibi dahil di mo ako gusto dahil anak mo lang ako sa babae mo?!" Pagtataas ng boses ni Kenzo.

"Right time? Diba totoo naman Kuya Iñigo na napakabias ni daddy? Alam mo sa sarili mo na kahit nakapag asawa ka ng lalaki na dapat ikahiya! Ikaw pa rin ang inu una niya!" Sagot naman ni Kenzo kay iñigo.

Tumayo ang Papa nila. Lumapit kay Kenzo at amak susuntukin na sa mukha.

"Bat di mo ituloy? Total dyan kalang magaling Dad." Tugon ni Kenzo. Nagngingitngit na sa galit ang papa niya. Tininulak nalang sya ng kanyang papa sa sobrang inis.

"AT IKAW?! SINO TONG KASAMA MO ! SIGURO MAY RELASYON KAYO NITO!!". Sigaw nito.

Tumayo si Kenzo at inakbayan ako. Inayos niya ang damit niya at hinalikan ako sa noo sa harapan nila. Kitang kita ko na naglakihan ang mga mata ng papa niya.

Maya-maya pa'y narinig ko ang doorbell sa labas kaya ako nalang ang nagbukas. Bumulaga sakin ang mala Cristine Reyes ang mukha sa sobrang ganda. Pumasok sya sa loob ( mukhang asar ang mukha niya ANO BA YAN.. araw ba ng mga asar to?!)

"Totoo ba Kenzo ang nabalitaan ko? Sabihin mong hindi!!" Sabi nito habang nakatayo sa harapan ni Kenzo.

"Go home Cristine ..wala ako ganang makipagdebate ngayon sayo" Sagot ni Kenzo.

"Tell me Kenzo ! Ito ba yung tinutukoy nila na karelasyon mo! Pano na Engagement natin.." Pagrereklamo ng babae. Ngayon ko lang nalaman na may girlfriend si Kenzo. Bakit ba kasi hindi niya sinasabk ang totoo na hindi ko sya boyfriend. Ako ang naiipit dito eh!

"Well, Engagement is just your dream Cristine.hindi kita type ever since then yung naririnig mong balita? TOTOO YUN" ngumisi sya ng nakakainis kay cristine.

"HOW DARE YOU!" Sabay sampal kay Kenzo. As in Pak na Pak ang Lagapak. Kinaladkad ni Kenzo palabas ang babae, Sa katunayan tutulong sana ako hilain yun babae kaya lang sayang yung ENERGY KO.

"Sabihin mo kasi yung totoo para walang gulo Kenzo" tugon ko. Umakbay lang sya sakin at pinitik ang tenga ko. Bayolente!

Hinaplos niya ang kanang pesngi niya kung saan nasampal siya. Siguro makirot! Hhahaha

Kumuha ako ng yelo para ilagay sa mukha niya. (Blackeye lang) haha

"Sira-ulo" sambit nito.

---------------- A B A N G A N -----------------

Oh My Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon