Ilang Linggo din yung lumipas after nung pag-uusap namin ng bullies tungkol sa amin ni Thomas. Tama sila kailangan kong gawin kung ano ang tama. Kaya simula noon umiiwas na ko kay Thomas. Akala ko nung una magiging mahirap pero hindi kasi mukhang iniiwasan na din niya ko.
Wala rin akong balita kung kumusta na sila ni Arra dahil after naming gumala di na kami ngkita or nagkausap pa. Maski text or tawag wala. Mas mabuti narin siguro yun. Siguro pati siya ginagawa na kung ano yung tama.
"Siguro dapat hindi kayo mag-iwasan. Dapat magusap na kayong dalawa." sabi ni Cienne habang nagsusulat sabay balik ng tingin sa akin. "Pinahihirapan niyo lang ang sarili nyo." tapos ngumiti siya pero halata sa mga mata niya na concern siya.
Huminga ako ng malalim bago sumagot. "Siguro nga dapat na kaming mag-usap." sabay ngiti sakanya.
Agad-agad kong kinuha yung cp ko at itinext ko siya. Ewan ko ba kung bakit parang hirap na hirap ang daliri kong magtype ngayon..
To: Thomas
Let's talk.
Maya-maya nagvibrate yung cp ko.
From: Thomas
Yes let's talk. We really need to. I'll pick you up. See you.
_____