Epilogue

1.2K 17 0
                                    

Amethyst POV

Lumayas ka dito wala kang kwenta! Sigaw ni mama saken habang namumula ng sobra ang buong mukha niya sa galit dahil sa hindi ko pagsipot sa matandang amerikano na ang gusto lamang ay ang maikama ako.

Bakit ma! Ano ba ako sainyo hindi niyo ba ako anak! Kung ibugaw moko para sa pera parang andali lang para sayo! Bulyaw ko sakanya dahil sa sobrang frustration na nangyayare sa akin ngayon hindi ko na alam kung anong susunod na mangyayare naramdaman ko na lang na magkapatid na sampal ang nakuha ko kay mama at pinapaalis niya na ako.

Hindi ko alam kung sino lalapitan ko dahil wala naman akong kahit sinong kaibigan na mapupuntahan Huwag ka ng babalik dito! Sigaw pa ni mama at itinulak niya ako palabas ng pinto.

Masakit saakin dahil maski sarili kong ina walang pakialam saakin. Ang nasa isip lang niya ay pera pera ano bang meron sa lintek na perang yan huh lahat tao nauulol dyan hindi ko maintindihan ang mundong to minsan napapatanong ako kung bakit sa akin nangyayare to wala naman akong masamang ginagawa. oo hindi ako nakakapag simba linggo linggo pero nagdadasal naman ako nagpapakabait.

Papasok pa sana ako sa bahay para kunin yung mga damit at gamit ko ng itulak ako ulit ni mama palabas at this time nasubsob  na ako sa lupa at naramdaman ko ang hapdi sa mukha ko may dugo narin na lumalabas sa labi ko nice! Torture tangina!

Hindi ka na puwedeng bumalik pa rito dyan kana at wag mo nang kunin pa mga damit mo dahil ibebenta ko yan! Bulyaw pa ni mama habang nakaduro sa akin at naka tingin sa akin ng sobrang galit.

Papa nasaan ka na help me please hindi ko alam kung saan ako pupunta. Naramdaman ko na lang na biglang may luhang lumabas sa kanan kong mata.

Tumayo na ako at tinalikuran ko na si mama.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta patuloy lang ako sa paglakad habang dama ko ang lamig ng lupa na humahalik sa aking paa.

Lakad lang ako ng lakad habang huma-hagulgol  na ako ng iyak wala akong pake kung may makakita ba saakin na tao or alien dito basta gusto ko lang umiyak naiinis ako sa mama ko naiinis ako sa papa kung hindi sana nila ako binuo edi sana hindi ako naghihirap ng ganito.

Hindi ko na namamalayan ang oras at napansin ko na lang na nasa isang flyover na ako at naglalakad sa gilid neto habang yakap ko ang sarili ko wala ng ganung sasakyan ang dumaraan dito napatingin ako sa paa ko tsk! Ang dumi naglakad na lang ako hanggang sa may makita akong bench malapit sa parke dito sa Maynila naglakad na ako papunta doon. Ng makarating nako dito ay umupo ako at ipinahinga muna saglit ang aking mga paa.

Nakaramdam na lang ako ng antok at nakatulog na lang ako dito.

Nagising na lang ako sa mga patak ng tubig sa aking katawan. Kainis sinabing natutulog yung tao tapos babasain ako rito!

Iminulat ko ang aking mata at madilim parin ang kalangitan habang malakas ang hangin na dumadampi sa aking balat nakaramdam ako ng sobrang lamig hindi ko alam kung dahil ba sa hangin o sa ulan.

Mas lalo pang lumakas ang ulan at sinamahan pa ito ng pa epal na kulog hindi ko na alam kung anong gagawin ko luminga linga pa ako para humanap ng puwesto para mapagsilungan ko tang inang ulan yan! Iiyak na talaga ako nito eh.

Catch Me I'm Falling For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon