Chapter 3

15 6 0
                                    

An epic Eyeball

UWIAN NA pero wala pa si Liksay. Ilang subject na wala siya ah. Oh maybe he's with someone, specifically He's with his buddies or maybe the cheerleader Rita! I can't believe na nagawa niya talaga akong lokoin kanina. I thought everything a while is real.

Dumeretso na lang ako malapit sa labas, sa mga bench. Nakakainis kase na lalaki iyon! Sabi niya hintayin ko siya pero anong oras na ay wala pa siya! At saan siya nagpupunta? Namababae na naman ba sila ng mga kaibigan niya? It's his hobby ever since so no one can stop him from doing that thing, maybe if he'll going to fall for someone else at doon lang siya magseseryoso.

Umupo na lang ako sa bench doon sa silok ng puno habang hinihintay iyong lalaking yon nang nakita ko sina Idee na papalapit sa akin.

"Wala kang sundo?" tanong ni Ella. Bumuntong hininga lang ako tsaka umiling. Tinignan ko ang relo ko and it's already 6:00 at nasaan na iyong lalaking iyon?

"Hintayin ko daw si Calyx pero wala na naman siya. Kanina pa siya wala eh." naiinis kong sagot saka tinignan ang cellphone ko kung nagtext na ba siya, pero wala.

"Ah! I have an idea! Sumama ka nalang sa amin na makipag eye ball." suggest ni Perly. Napakunot-noo naman ako.

"Eyeball? Ano yun?" nagtataka kong tanong. Hindi ko talaga alam eh. I don't even have any idea about eyeball.

"Yung makikipag meet ka lang. May kachat kase ako na nakikipag meet sa akin tapos may kasama siyang tatlo, good to know dahil apat na tayo" Napatango naman ako saka mabilis na tumayo.

"Ano pang hinihintay niyo? Tara!" sabi ko agad.

Natawa naman sila sa reaksyon ko. Gusto ko lang naman magsaya. I'll go with them while he's with his buddies. Masmasaya.

"Hey, Wait! Ayun si Calyx oh!" turo ni Idee sa medyo malapitan habang kasama ang kaniyang kaibigan na si Ranlie Reyes, Raven Telesforo at Lei Cheng na parehong varsity player din.

Agad akong nagtago sa likod ng puno habang sina Calyx ay papalapit kina Ella. Probably he's looking for me. May kasalanan iyan sa akin. Baka hindi pa ako payagan na makipag-eyeball.

"Hey! Did you see Janecel?" tanong niya sa kanila. Palihim naman akong umiling nang tinignan ako ni Perly.

"H-hindi!" ani Perly saka lumingon sa akin.

"Wait! Is Janecel hiding from me or you're hiding Janecel from me?" what's the different by the way?

Unluckily I misstep myself and fell into the ground.

"Aray!" napasigaw ako kaya ngayon ay napatingin lahat sila sa akin.

Tumakbo kami papalayo sa kanila habang sila naman ay nakasunod lang sa amin. Mabilis kaming sumakay ng jeep at hindi na nila kami nasundan pa. Sa mall kami ngayon papunta para i-meet yung mga sinasabi nitong mga 'to. Actually wala naman akong balak makipag eyeball, I just want to entertain myself. I'm still mad at him for making me fooled a while.

"Napagod ako sa pagtakbo kanina. Bakit mo kase tinatakbuhan si Calyx?" tanong ni Ella. Nag-isip naman ako kung bakit nga ba. Pwede naman wag ko siyang takbuhan para makauwi na kami. Baka kase pigilan na naman akong sumamang makipag meet.

Ikwinento ko lahat ng nangyare at pinagagawa niya kanina sa akin, muntikan pa akong maiyak kanina dahil akala ko'y totoo na.

"Ikaw kase! Niloko mo kami kanina. Maybe that's his revenge"

Ah, oo nga no. But he did the worst thing on me. He almost made me cry. Pagbukas ko ng cellphone ay bumungad agad sa akin ang napakaraming missed calls and texts galing kay Liksay. He's asking where the heck I am.

Hidden(Bestfriend Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon