I. We Meet Again

3.8K 18 2
                                    

  - Jazz's POV -

“Aray! Ano ba naman yan?!”

Napatingin na lang ako sa babaeng nakaupo sa tapat ko. Napansin kong lumampas na yung paglalagay niya ng lipstick sa labi niya, pati pisngi niya nalagyan na. Bigla kasing nagpreno yung sinasakyan naming jeep.  Kung di ba naman kasi siya baliw, dito pa talaga sa jeep naglipstick.

Medyo naaawa tuloy ako dito kay Ate Lipstick (yun na ang itatawag ko sakanya), mukhang malelate pa ata siya sa klase niya. Yung hitsura niya kasi, di mapakali habang pinupunansan ng tissue yung pisngi niyang nalagyan ng lipstick at patingin tingin sa relo niya.

Traffic. Balik eskwela na din kasi ang mga estudyante. Halos di na umuusad yung sasakyan >______<

Bago pa ko makita ni Ate Lipstick na patingin tingin sakanya, nagpasya akong bumaba na lang. Lalakarin ko na lang siguro, malapit na lang naman ang university namin :))

BROOOOOOOM!

Ayy ano baaaaa?

Nabitawan ko pa yung binder ko. Yung schedule ko, at kung anu-anong kaechosang papel na kailangan ko ngayong first day ko ngayon, nagkalat na sa daan!

Sinuklay ko yung nagulong buhok ko gamit yung kamay ko. Inayos ko na din yung salamin ko. Di naman malabo mata ko. Type ko lang :D Ang tagal tagal kong nagpaganda sa tapat ng salamin kaninang umaga para maganda akong haharap kay Brye, tapos magugulo lang yung buhok ko dahil sa pesteng nagmomotor na yan?

Pagbaba ko kasi sa jeep (na kasalukuyang nasa gitna ng kalsada) eh di ko napansing may paparating palang motor. Eto ang advantage ng mga nakamotor eh. Madaling makasingit sa lalo na pag traffic.

Huminto yung motor di kalayuan sa akin, naghahanap na naman ata ng lulusutan.

Tinignan ko yung driver ng motor, likod niya lang yung nakikita ko. Yung uniform niya ay gaya ng uniform ng mga lalaki sa university namin tapos nakahelmet siya.

Hinihintay kong bumaba siya sa motor niya at tulungan akong pulutin yung mga gamit kong nalaglag since hassle para sa akin ang magpulot dahil ang ikli ng skirt ng uniform ko, pero wala! Di ata napansin ni Kuya na may muntik na siyang mabangga!

At dahil nung nagsabog ata si Papa Lord ng pagkakaroon ng mahabang pasensya ay tulog ako, inis na inis akong naglakad papunta sa lalaking nakamotor. Aba! Di niya ba alam na kasalanan niya kaya nalaglag yung mga gamit ko?

Tapos parang wala pa siyang nakita!

Nung ilang step na lang ako sa likod niya, bigla niyang pinaandar yung motor niya.

Ang resulta?

Yung usok galing sa tambutso, napunta sa mukha ko!

Nakakainis!

Umubo ubo ako dun, tapos napatingin ako sa plate number ng motor niyang papalayo.

“Argh! Asar! Pag nakita uli kita, humanda ka sa akin!” sigaw ko kahit alam kong di niya naman ako maririnig.

Wala lang. Vent out lang :P

“Jazz, eto oh.”

Pagtingin ko sa likod ko, nakita ko si Brye. Hawak niya yung mga nalaglag ko kaninang mga papel.

Aww. Ang swerte ko naman. Nakita ko agad siya =))))

Pero teka. Parang may nakalimutan ako?

Hahaha. Magpakilala. Tama.

Gaya nga ng sabi ng gwapong si Brye, ang pangalan ko ay Jazz Fuentez. Second year college na ko mula ngayong araw. 17 years old, Civil Engineering student. Mahilig sa anime, pati na rin sa horror movies. Maiksi ang pasenya, pero kahit ganun, MAGANDA AKO ;))

Ex's With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon