Short Prologue lang po ito^^ hehe ito lang kasi pumasok sa utak ko xD pero mag-iisip parin ako ng medyo mahaba ^_^ for now ito muna pagtyagaan nyo xD
Well by the way baka mag-wonder po kayo kung bakit pure tagalog ang prologue? Abangan nyo po ang first chapter ino-note ko dun ang sagot xD
ENJOY READING WATTPADERS!
===============
PROLOGUE:
Masayahin at palakaibigan. Isang simpleng mangkukulam na ang gusto lamang ay maging isang pinakamagaling na mangkukulam sa kanilang mundo.
Ngunit isang malagim na pangyayari sa mundo ng mga salamangkero't mangkukulam ang nagpabago sa buhay nya. Isang krimeng kailanman ni hinagi sa isip ay di nya magagawa. Isang krimeng nakaturo sa kanya lahat ng ebidensya.
Patuloy nyang tinatatagan ang loob dahil sa kaibigang patuloy na naniniwala sa kanya.
At dahil sa kasalanang di nya ginawa napilitang tumakas si Gwendolyn Caste sa kanilang mundo upang di mapatawan ng parusang kamatayan.
Sa kanyang pagtakas doon nya nakilala ang taong unang nagpatibok ng kanyang puso.
Nanirahan sya sa mundong alam nyang hindi sya nabibilang. Mundong hindi tinatanggap ang mga katulad nya. Mundong puno ng paghihirap kesa inakala nya.
Unti unti nyang yinakap at minahal ang buhay bilang isang tao. Kahit alam nya sa sarili nya na iba sya sa mga ito dahil hindi sya tumatanda, isang katangian ng isang mangkukulam na ang pagiging imortal. Natutunan nya ang kilos at kung paano magsalita ang mga tao.
Tinanggap na nya ang katotohanang kailanman ay hindi na sya makakabalik sa kanyang mundo.
Ngunit ang mundo na mismo nila ang tumatawag sa kanya upang iligtas ito.Umusbong ang kadiliman at sumiklab ang kaguluhan sa kanilang mundo. Unti unting na ding nauubos ang kanyang mga kauri.
Paano sya babalik sa kanilang ang mundo kung ang kanyang puso ay maiiwan sa mundo ng mga tao? Kung hindi sya babalik baka tuluyan ng maubos ang mga katulad nya.
Nilabanan nya ang kanyang nararamdaman para sa mga kauri. Nangakong babalik sya upang ipagpatuloy ang kanilang pagmamahalan.
Paano kung sa kanyang pagbalik ay kasal na ito sa iba? Ipaglalaban parin ba nya kahit alam nyang sa huli sya rin ang talo?
*********
rancezel03®

BINABASA MO ANG
The Innocent Witch [ON-HOLD]
FantasíaGWENDOLYN CASTE. Isang mangkukulam na tumakas dahil sa kasalanang di nya ginawa. Genre: Fantasy, Mystery/Thriller, General Fiction, Romance (pilit lang xD) Action (tingnan natin haha) Start: June 2014 StoryLine by: rancezel03 All Rights Reserved 2...