#3 Tao ako!

417 31 10
                                        

Sorry kung ngayon lang nakapag-update nawalan kasi kami ng kuryente gawa ng Typhoon Glenda :3 pero ng nagkakuryente na wala namang signal -_- so hope na naintindihan nyo ako. Pinipilit ko talagang mag-update agad kaso yung nga yung nangyari.

 

======================

 

Chapter 3 – Tao ako!


SOMEONE's POV


Gabi na at nandito ako sa isang abandon park. I just wanna take a nap, dito ako pumupunta pag gusto kong mapag-isa. Peaceful and relaxing sa lugar na to kaya naging favorite spot ko na rin.


Napabalikwas ako ng makarinig ako ng isang malakas na pagsabog sa may puno di kalayuan sa bench na hinigaan ko. I heard someone na parang dumadaing kaya pinuntahan ko ito ngunit may biglang lumabas na —-


"statue!" the woman exclaimed and then I feel my body freezes. Gusto kong gumalaw but I can't.


"t-teka miss, are you crazy?!" inis na tanong ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyari but I can sense something's not right from her. Nakita kong kinapa nya ang sarili nya. "hey! What have you done to me?!" tanong ko ulit pero nakita ko syang napatigil at parang takot na humarap sa akin.


"a-anong klaseng salamangka yan?" parang kinakabahan na tanong nya.


"what?" natawa ako. "salamangka? Baliw ka nga!" mas lalo pang lumakas ang tawa ko. Iniisip ko kasi pagkakita ko sa kanya na isa syang baliw. Sa damit nyang kulay itim na mahaba na halos  itago na sya nito, sa sombrero din nyang itim na patulis, sa buhok nyang buhaghag na puti at sa mata nyang may makapal na eyeliner isama narin ang lips nyang kulay itim, she's weird!


"h-hindi ako baliw!" inis na sabi nya.


"really? Look at yourself lady" sabi ko sabay tiningnan sya mula ulo hanggang paa "you look like a hmm.." inisip ko kung saan ko ba sya nakita "aha!" I exclaimed. She looks like a... "witch!" natatawa ako sa naisip ko. Sino ba naman ang maniniwala na may witch pa sa panahong ito? Baka galing lang sa costume party pero astig ng costume na napili nya para syang tunay. Pero pano naman ang biglang pag-freeze ng katawan ko?


Nakita ko syang napanganga sa akin.


"sa mir" she said and raised her right hand facing her palm to me. Unti unti kong naramdaman ang sakit na dumadaloy sa loob ng katawan ko na para bang pinipiga bawat parte nito. Gustong kong pumilipit sa sakit pero di ko magawa dahil hindi ako makagalaw.


"arrrgghh! Ho..ly c-crap! m-mangku..kulam k-ka" mahinang sabi ko. Dumadaing na ako sa sobrang sakit at kung mapatuloy pa ito baka hindi kayanin ng katawan ko at bumigay!


Nakita ko ang pagbabago ng expression nya na parang naawa sa akin. She closes her palm at biglang nawala ang sakit na nararamdaman ko. She snaps her fingers in the air and suddenly nakagalaw ako! Gusto kong mabigla sa nangyayari at sa mga nakita ko pero nanghihina na ang katawan ko para mabigla pa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Innocent Witch [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon