Kabanata 1

24 2 0
                                    

Bata pa lang ako, malawak na ang imahinasyon ko. Yung tipong kahit saan nakakarating ang malawak ko na kaisipan at puso.

Isang pagkakamaling sa akala ko ay hinding hindi ko pagsisisihan na mga bagay na pinanggagawa ko. Pero binalewala ko lamang ang mga sinasabi nila.

Nasa huli ang pagsisisi.

Makonsensya ka naman, bulong ng kanan kong tainga.

Hwag! Pumatay ka pa! bulong naman ng kaliwa.

Narito ako ngayon sa loob ng aking kotse, nag-aantay ng lakas ng loob na pumasok sa loob ng presinto.

Hindi ako handang pumunta rito dahil akoy pinilit lamang ng aking nakababatang kapatid na si Michael. Ano bang gagawin ko sa presinto na to. Lugar lamang ng mga masasamang tao?

Kasiyahan ang dumapo saking kaisipan. Subalit, hindi ako ang napag-alamang sangkot sa krimen. Kaya hindi ako ang nakapiit sa mga rehas ng kulungan kundi ang isang inosenteng tao.

Ilang minuto na ang nakakalipas nang mapagdesisyunan kong pumasok na sa loob. Ito ang pinakamasayang araw ko sapagkat natupad na ang aking pangarap na makapasok sa loob ng presinto nang walang bahid ng kademonyohan sa mukha ko.

Walang kolorete sa mukha, at tanging pulbos, lipstick at salamin lamang ang aking suot at sinabayan lamang ito ng pantalon at t-shirt naman sa pang itaas. Kung titingnan mo, para akong isang inosenteng mamamayan ng Pilipinas.

Hindi gaya ng mga taong nasa loob ng lugar na ito. Napapangiti na naman tuloy ako.

Nang makarating ako sa ikalawang palapag ng presinto, kitang-kita ng aking dalawang mata na lahat silay nakatingin sa kin na para bang may itinatanong kung sino ako o para ikulong din gaya nila. May iba namang kung makatingin ay parang papatayin na nila ako.

Nakakatawa at nakakaawa naman sila. Mga titig at tingin na hindi naman ako nasisindak. Tingnan ninyo lang ako at ang sarap kainin ng mga mata niyo na bagong laga sa mainit na tubig. Natatakam tuloy ako. Pero syempre nagbibiro lang ako, ako ang klase ng babae na malawak ang imahinasyon. Dumiretso ako patungo sa malapit na lamesa ng pulis at sinabing may appointment ako kay Mr. Alex Zamora.

"Sir, may appointment po ako kay Mr. Zamora, yung kakakulong pa lang dito nung isang linggo."

Sabi ko sa pulis na may ngiting nakapaskil sa aking mukha.

Agad naman siyang sumagot, siguro nagagandahan siya sakin.

"Sige po Maam. Maupo muna po kayo dun sa waiting area at tatawagin ko lang po si Zamora"

Sagot sa akin ng pulis. Naglakad ako papunta sa waiting area. Habang naghihintay, may naririnig akong iyak ng isang matandang lalaki pero binalewala ko lamang iyon.

Para saan pa ba?

Baka saktan lang ako or baka gahasain ako.

Bilin pa naman sa akin ng aking tiyahin na huwag akong maaawa. Malaki ang utang na loob ko sa kanya. Kung wala sila, wala sana ako dito. Para makabawi sa kanila, susundin ko ang mga payo nila kasi yun ang sa tingin ko ay tama.

Naupo ako at inaantay si Kuya Alex. Kailangan ko pa rin na tawagin siyang kuya.

Syempre kamalian ko iyon.


Ay hindi pala! Hahaha! Kanya na pala yun.

Natutuwa talaga ako kapag naiisip ko ang mga bagay na iyon.

May nakita akong isang lalaking papalapit sa akin at agad ko naman siyang nakilala, ang aking pinakamamahal na kuya Alex.

Agad ko siyang nilapitan at niyakap pero tinulak niya ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 08, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Itim na DugoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon