***
Nagising ako sa lakas ng mga hiyaw ng mga estudyante.Ang ingay nila. Can they just shut their mouth?
"Will you shut your fuckin' mouth?! " sigaw ko pero hindi lang pala ako yung sumigaw.
Sabay kami ni Niko.
"Ginagaya mo ba ko? "
"Ginagaya mo ba ko? "
"Hindi! Bat kita gagayahin?! "
"No!"
De pucha! Naman. Bakit kailangang mag sabay? Leche!
Aalis na sana ako sa kinauupuan ko nang biglang lumapit si Andrei.
"Babe"
"what? " mataray kong sagot.
"I miss you. Bakit hindi mo sinabing dito ka mag aaral? "
"I don't miss you. Bakit ko pa sasabihin sayo? Tatay ba kita? "
"Babe naman hahaha. I really miss you. Wala akong pake kung hindi mo ko namiss. Ang importante miss kita" tatawa-tawa niyang sabi at kumindat pa ang loko.
Anong akala niya kikiligin ako? Anak ng pucha!
"Oh tapos? "
"Babe naman wag kang magtaray. Miss talaga kita" nakangiti siya
Niyakap niya ako.
WTF!!!
"Tangina Drei! " naiinis na ko.
"Why Babe? Ayaw mo bang yakapin kita? Gustong-gusto mong yakapin kita noon hahaha" mas hinigpitan niya pa yung yakap.
Di ako makahinga sa higpit putek!
"Drei, masyadong mahigpit. Di ako makahinga"
Tumawa lang ang loko at bumitaw na siya sa yakap.
"Bakit ang konti ng kinain mo? Kanina pa kita pinagmamasdan. " naiinis na wika niya.
"Wala akong gana"
"Bilhan kita ng chicken at chuckie gusto mo? "
"Sige" ngumiti ako.
"I miss your smile babe. Hintayin mo ko bibili lang ako" hinalikan niya ko sa pisngi bagi umalis.
"WTF THEA! ANONG IBIG SABIHIN NOON?! " sigaw ni Sandra sakin.
Ang ingay. Nakakarindi
"Wala" casual na sagot ko.
"Anong wala?! May payakap-yakap at pahalik halik pang nalalaman!" iiyak na ata to.
"Bakit masama bang yakapin at halikan niya ko? " taas kilay kong sagot.
"Atsaka Babe pa yung sabi niya sayo! Boyfriend mo siya?!"
"Tanongin mo siya" nakangising sabi ko.
Mas lalo lang siyabg nabwisit. Ano bang problema nito?
"Arggh Althea bat ang swerte swerte mo?! " nagwala na.
"Ano ang maswerte dun? "
"Eh kase naman pinansin ka nila! At ang mas natindi Boyfriend mo si Andrei! " oa talaga si Sandra.
"tss. "
Magsasalita pa sana siya nang makita niyang pabalik na dito si Andrei.
"Babe, umiiyak ba tong kasama mo? " bobo talaga.
"Di ba obvious?" mataray na sagot ni Sandra.
Ano bang problema nito at biglang magkakaganyan? Baliw.
"Shut up. Di kita kinakausap" masungit ding sagot ni Drei.
"Babe, here's your food. Ubusin mo ah? Pag hindi mo yan naubos talagang magagalit ako. " diniinan niya talaga yung magagalit eh.
"Pano ko mauubos to? Limang manok tapos apat na chuckie. Gago ka ba? " nakakainis to. Nagmumukha akong baboy eh!
"Eh noon nga nakaya mo yung walong manok at sampung chuckie" tatawa-tawang sabi niya.
Nakakainis!
"Andrei" tawag ko sa pangalan niya
Napansin niya atang seryoso ako.
"Sorry babe. Pinapatawa lang kita eh" hinalikan nanaman niya ako sa pisngi.
"Kung hindi mo kayang ubusin yan, ibigay mo na lang diyan sa kasama mo." nakangiting saad niya.
Chansing to eh.
"Okay"
"Hindi! "
Napatingin ako kay Sandra.
"Anong hindi Sandra? Eh paborito mo rin yan"
"Hmmp! Magsama nga kayo. Mauuna na ko sa room. Hihintayin kita roon. Baka bukas yung dating nina Sophia at Margaux ."
Umalis na siya nang walang lingunan. Nag-iinarte ang bakla.
"Ngayon babe solo na nati-"
"Hi Thea! " masiglang sigaw ni Ian.
"tangina" rinig kong mura ni Andrei.
"Hoy hoy hoy hoy, dinig kita tol. Wag mong solohin si Thea" chismoso to. Malakas pandinig eh.
"Tss" si Andrei.
"Anong kailangan mo dito? " tanong ni Drei.
"Wala naman. Gusto ko lang na makitang malapitan Si Thea. Maganda siya sa malayo pero pag malapitan pangit! " bumungisngis siya ng tawa.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Joke lang naman Thea hahaha. Masyado ka talagang seryoso. Ang ganda mo sa malapitan" kumindat siya.
Eww.
"Close ba tayo para makapagbiro ka ng ganyan? "
Natameme siya.
"A-ah hehe" alanganing tawa niya.
"Hahahahahahaha" tawa ni Drei.
Tinignan ko siya.
"First time to hahaha. Ikaw pa lang ang nakapagtiklop ng bibig ni Ian hahaha"
"A-anong siya pa lang?! Sa gwapo kong to"
Isa lang ang nasasabi ko kay Ian. Masyadong mahangin. Natatangay na ko sa sobrang lakas ng hangin na dala nito putek!
"Gwapo ka ba? Sarili mo lang ata yang nagsasabi eh" nginisian ko siya.
"H-hoy! "
"Kita mo. Nagbiro ako. Diba iba yung dating? DI KASE TAYO CLOSE."
"Ahh pwedeng makipag kaibigan? " wika niya.
Pilit na ngiti. Noob.
"Saka na pag totoong ngiti na yan"
Umalis na ako at nilagpasan siya. Iniwan ko siyang nakatulala.
ANG PINAKAAYAW ko sa lahat ay ang ngumingiti ng peke. I hate it.
Kung gusto niya talagang makipag kaibigan dapat totoong ngiti.
Nakarating ako dito sa may mga puno. Umupo ako.
Kung hindi ko ginawa yun, magiging ganto pa ba ko?
Ngumiti ako ng malungkot. Di ko namalayan na may luha na palang tumutulo sa mga mata ko.
Dalawang taon na ang nakalipas pero bakit ang sakit sakit parin? Sana ako na lang yun eh. Ako dapat.
Pinunasan ko yung luha ko at ngumiti. Magiging okay din ang lahat.
"Kung makasabi ka kay Ian" napatingin ako sa nagsalita "parang di pilit ang mga ngiti mo".
"Bakit ba? "
Ngumiti siya ng tipid " Wala naman." Tumalikod siya bago pinaglatuloy ang pagsasalita "Bago ka magsalita siguraduhin mong kaya mong gawin yun sa sarili mo"
What the hell?
***
So 4 years na ko dito sa wattpad so eto may update na!
BINABASA MO ANG
Don't Go
Teen FictionPaano kung ang pinakamamahal mong tao ay mawawala na lang bigla ng hindi mo alam ang dahilan? Paano kung hindi na siya babalik pa. Paano kung babalik siya pero may iba na. Paano kung babalik siya pero hindi ka na niya kilala //hey guys this is my...