Chapter 5

8 2 0
                                    

******
Help!

Tulungan niyo ako!

Parang awa niyo na!

Ayaw ko pa mamatay.

Help me.

Naglalakad na ako pauwi at mabagal akong naglalakad. May paulit-ulit na sumisigaw ng tulong.

Gusto ko siyang tulungan pero natatakot ako.

Naduduwag ako.

Natatakot ako sa possibleng mangyari kapag lumapit ako. Natatakot ako na baka lumala yung sitwasyon. Natatakot ako na baka patayin nila ako.

Nanginginig ako sa takot habang palapit doon sa boses na naririnig ko.

Maingat na maingat ako sa bawat hakbang na ginagawa ko.

Natatakot talaga ako at isa pa, familiar yung boses. Hindi ako sigurado kung sino.

Tutulungan ko ba siya? May magagawa ba ko? I mean, alam ko naman magself-defense pero paano kung may baril sila? Paano kung may patalim? Hindi naman ako ganun kabihasa. Paano? Anong gagawin ko? Tutulungan ko ba?

Nagdadalawwng isip ako dahil takot na takot ako.

Maingat ang ginawa kong hakbang papalayo sa lugar na iyon.

Naging duwag ako dahil sa takot.

Maingat na lakasld hanggang sa tumakbo na ko papalayo sa lugar na iyon nang naramdaman kong mahapdi ang balikat ko.

Nanginig ako sa takot.

Nakita ko ang unti-unting kumakalat na dugo sa damit ko.

Tumingin ako sa pinanggalingan ko. May lalakeng nakatayo, nakatutok yung baril sakin.

Kahit masakit yung balikat ko, tumakbo ako. Hindi ko na inisip na babarilin niya pa ako. Gusto ko lang makaalis sa lugar na yun.

NAPABALIKWAS AKO sa aking higaan nang mapanaginipan ko nanaman ang pangyayaring iyon.

Nararamdaman ko nanaman yung takot na naramdaman ko noon.

Huminga ako ng malalim at pilit pinapakalma ang sarili ko.

Nang maramdaman kong medyo kumalma na ako ay tinignan ko ang balikat ko na may peklat na ngayon.

Nanubig ang mata ko, naalala ko yung pangyayaring iyon.

May humihingi ng tulong.

Yung boses niya, kawawa.

Talagang kailangan niya ng tulong at pinabayaan ko lang siya.

Agad akong nakaramdam ng guilt.

Paano kung tinulungan ko siya? Mangyayari kaya to? Kung hindi ako naduwag? Paano na?

Kamusta na kaya siya?

Inalis ko ang mga yun sa isipan ko at nagsimulang mag-ayos para pumasok sa paaralan.

WALA SA SARILING pumasok ako sa paaralan. Kahit pilit kong tinatanggal iyon sa isipan ko ay mas nagpabagabag pa sa akin.

Hindi ko namalayan na nakarating na ako sa classroom namin at napaupo na lang.

"Hoy Thea!"

"Thea!"

"Hoy! Ano ba naririnig mo ba ko? "

"Ha? " agad akong nabalik sa realidad nang narinig kong may tumawag sakin. Si Sandra pala.

"Ha? Hakdog! "

Don't GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon