Sabi nila ang pinaka masaya na araw sa pasukan ay ang unang araw sa klase ,dahil dito daw nagsisimula na magkaroon ka ng maraming kaibigan at dito din nagsisimula na magkaroon ka ng kaaway dahil sa hindi mo gusto ang kanyang postura.
Kheziel's POV
"Khez! Anu ang tagal!?" Inis na sabi sa akin ni keanne ,paano kanina pa namin hinahanap ung room namin paano naman ang laki nitong school namin ,pangalawang taon na namin dito sa school pero hindi pa namin kabisado
"Sandali lang naman ! Alam mo naman na ang sakit na ng paa ko eh kanina pa tau lakad ng lakad dito sa school na to!" Wika ko sa kanya . Unang araw kasi ng klase namin kaya hinahanap pa namin ung room na papasukan namin
"Tch hay ikaw talaga"walang ganang sabi niya sa akin.
Habang nasa daan kami ay may nakasalubong kami na lalaki na naka hoodie ,"anu bayan hindi ba siya naiinitan sa suot niya"bulong ko ng makalapit ako sa kanya
"Khez! Hali kana ito na yung room natin oh" sigaw sa akin ni keanne ng makita niya ang aming room
"Haist buti naman" bulong ko sa hangin
Pag-pasok namin ay may nakita si keanne na upuan malapit sa bintana at niyaya niya ako " Khez Dito tau upo" masayang sabi niya sa akin
"Sige!"pagtugon ko sa kanya
Umupo kami sa upuan na napili ni keanna at inantay ang aming prof para sa unang subject
"Aaaahhhh!! " Gulat kaming napa-tingin sa aming mga kaklase ng bigla silang sumigaw
"Anung meron!" Pagtanung ko sa aking kaharap
"Kasi ung isang sikat na member ng TDSB ay kaklase natin!"kini-kilig na sabi niya sa akin
"Aaaaahhh!! Ash !! Dito ka sa tabi ko"sigaw ng isa naming kaklase, habang papasok ang isang lalaki na matipono at napaka-lamig na presensya
"Aaaaahh!! Ash my loves dito ka sa tabi ko!!"
"Aaahh!! I love you ash!"
"Ash plss akin ka na lang!!"Pauli-ulit nilang sigaw doon sa lalaking pumasok, nang tingnan ko siya ay parang namu-mukhaan ko siya . Ah siya pala yung naka-salubong namin sa corridor kanina
"Khez balita ko magaling daw yan kumanta "pagkwe-kwento sa akin ni keanne ,tiningnan ko siya hanggang sa malagpasan niya ako at marinig ko ang upuan sa likod ko ay gumalaw ibig sabihin sa likod ko siya umupo.
"Ah gaano ba sila kasikat? Eh hindi ko nga kilala ung grupo nila eh" sagot ko kay keanne
"Paano mo sila maki-kilala eh pagtapos ng school hours ay umuuwi kana agad at minsan nakatambay kapa sa library upang magbasa-basa ng kung anu-ano" pangiintriga sa akin ni keanne
"Tch kahit na!"pagrereklamo ko sa kanya ,at bigla naman dumating si sir ng pagtapos ng senaryo kanina
"Okey class! My name is mr.williams and let's introduce yourself know!" Bigla niyang sabi sa amin
Lumipas ang ilang minuto at ako na ang magpapakilala at agad din akong tumayo para magpakilala ,nang makarating ako sa harapan ay tinignan ko muna ang aking mga kaklase at agad naman akong napangiwi dahil pokus na pokus sila sakin pati na din ung guy na naka hoodie kanina
"Hi my name is khiezel santos and nice to meet you all " pakilala ko sa kanila at agad din bumalik sa upuan ko ,nung time na nung lalaki sa likuran ko upang magpakilala ay agad siyang tumayo at pumunfa sa harapan para magpakilala
"My name is Ashie chen eusebio "maikling sabi niya at agad din bumalik sa upuan niya pero bago sa makalagpas sa akin ay bigla siyang tumingin sa akin at agad ko din iniwas ang tingin ko sa kanya baka mamaya kung anu pa sabihin niya eh.
Yung lalaking tinatawag nila na si ash ay para siyang binabalutan ng yelo dahil sa lanig niyang presensya at walang kaemo-emosyonal yung muhka at parang pinag-lihi sa sama ng loob.
Natapos ang buong araw ng klase at ayun ganun pa din pakilala lang at yung iba nagbigay agad ng assignment
"Khez tara na ,gusto ko ng umuwi "sabi niya sa akin na para bang pagod na pagod ang ate girl niyo
"Uy keanne ang aga-aga pa eh!"pagmamaktol ko sa kanya
"Eh anu namang gagawin natin dito eh nagsi-uwian na yung mga kaklase natin " inis na sabi niya sa akin ,ito talaga eh parang may dalaw palagi
" Tara kain na nga lang tau sa canteen nagugutom na ko eh" ani ko sa kanya para naman hindi maboring itong babaeng to kung nandito lang si ace baka nabatukan na to-.-
"Tara na nga" naka-ngiwing wika niya sa akin
Nang makadating kami sa canteen ay hindi naman ganun kadami ang studyante dahil uwian na nga ,pag-pasok namin ay agad kaming pumunta sa counter para bumili ng kakainin namin
"Kea anu sayo?" Wika ko sa kanya ng mapansin ko na busy siya sa cp niya
"Hmm cheesecake na lang at mogu-mogu"walang gana niyang sabi sa akin
"Okey"maikli kong tugon sa kanya at nagorder na nga ko ,matapos kong magorder ay ganun pa din siya busy pa din sa cp niya
"Uy! Sobrang busy mo naman ata dyan?" Curious na tanung ko sa kanya
"A-ah wala may nakita lang ako sa fb ko na familliar yung muhka" sabi niya sabay tago ng cp niya ,anyare dito-.-
"Ah okey ,kain na tau?" Aya ko sa kanya bago kami umupo sa pwesto namin at tumango naman siya ,anyare dito parang wala sa sarili
" Uy bruha ! Anyare sau ah?" Tanung ko sa kanya ng hindi niya pina-kialaman yung pagkain niya
"Uy keanne!..hello!"winave ko yung kamay ko sa harap ng muhka niya ng hindi niya ako pinansin
"A-ah a-anu ba yun?"wala sa sarili niyang sabi sa akin
"Wala sige na kain kana "walang gana kong sabi sa kanya
Tumingin ako sa kabilang side ng canteen may nakita ako doon na grupo ng lalaki at yung isa ay parang namu-mukhaan ko , at parang nakatitig siya sa akin ."Ace?"bulong ko ng mamukhaan ko siya
"Huh? Anung ace?" Tanung ni keanne ng marinig niya ang sinabi ko
"Kea! Si ace yun oh! Yung lalaking nakatingin dito sa atin !" Sabi ko sa kanya ng hindi ko mapaniwalang si ace yun
"Huh saan ? " Sabi niya habang hinahanap yung lalaki na tinuturo kona si ace ,humarap ako sa kanya upang ituro ang lalaking sinasabi ko " Ayun oh si a--" putol na sabi ko ng biglang nawala yung lalaking nakatingin sa amin pati kasama niya nawal din
"Oh saan aber? , Kumain kana gutom lang yan" walang ganang sabi niya sa akin ,
" Pero totoo yun! Si ace nga--" hindi pa ko tapos magsalita ng bigla siyang humirit " anu kaba khez matagal ng nawala yung tao kaya wag mo ng hanapin at baka nagkamali ka lang " Ani niya at hindj na ko pinansin
" Haist tama ka" malungkot na sabi ko sa kanya
Siguro ito na nga yung time para kalimutan kita
********
Hi guys pasensya na kung maikli lang ah:) pasensya na din kung may mga typo ,kung meron naman ^_^#HYBIL<3
YOU ARE READING
I Miss The Old You
Novela JuvenilSi Khiezel Santos ay isang babae na nakatagpo ng nakapa-sungit na lalaki at walang pakialam sa mundo, nung una ay ayaw na ayaw niya sa lalaking ito subalit makulit ang tadhana dahil palagi silang nakaka-salubong nito kahit saan man siyang mapunta,p...