KABANATA 2

5 2 0
                                    

   Mula sa mahimbing na pagkakatulog ay nagising ako sa init ng araw na tinatamaan ang aking mukha. Tumayo ako sa aking pagkakahiga na nakapikit pa rin ang aking mga mata.
 

Bakit parang ang tigas ng tinulugan ko kagabi?

   Hinahanap ko 'yong bintana ko, ngunit wala akong maramdamang dingding. Kaya napagdesisyunan kong idilat ang aking mga mata.

   Ganon na lamang ang gulat ko nang mapansin na wala ako sa kwarto ko. Teka nasaan ba ako?  Nilibot ko ang aking paningin, mga puno, mga halaman, ilog, mga hayop, ang lamig kahit tirik na tirik ang araw---posible kaya. Dahan dahan kong binaba ang aking paningin at hindi nga ako nagkakamali, wala akong saplot.

   “WAHHHHHHHHHHHHHHH! ” malakas na sigaw ko sabay takip ng aking mga pribadong parte. Putek! Anong nangyare? Bakit ganto?  Parang kagabi lang natutulog ako nang mahimbing sa di-gaanong malambot na kama.

   Hindi pa ako tapos sa pagiging hysterical nang may narinig akong tawa. Agad ako lumingin kung saan nanggagaling ang tunog ngunit wala akong makitang tao. Palinga-linga pa ang ulo ko nang may naramdaman akong nag-landing sa aking likuran. Lumingon ako habang takip ko pa rin ang mga private parts ko.
 

   Sa paglingon ko ay lalaking may matipunong katawan, mahaba ang kulay kahoy nitong buhok, hindi gaano matangos ang ilong ngunit hindi rin pango at may balbas na hindi mahaba at hindi makapal na tumatakip sa kanyang kalahating mukha. May malalalim at itim itong mata. Perpekto rin ang hugis ng kaniyang mukha. Ngunit ang nakapaggambala sa'kin ay ang kanyang pilyong ngisi na nakapagbigay ng kaba sa aking sistema.

   “S-sino ka? ” fvck! I stuttered?  Sheytttt. “N-nasaan a-ko?” dagdag ko pa. 

  “Hindi ba't ako ang dapat ang nagtatanong sa'yo ng mga yan? ” mula sa mapaglarong mukha unti unti itong nagbabago, naging seryoso ang mukha nito. “Sino ka at anong ginagawa mo rito?” mahinahon ang kaniyang pagkakasabi ngunit nakatatakot. Isa lang ang sinisigaw ng awra ng lalaking ito, danger.

   Hindi pa ako nakakasagot nang may nilabas siya mula sa robang kulay dugo na kaniyang suot. Isang spinner.  Wews. Spinner lang pala. Akala ko kutsilyo o ano para saktan ako. Muli akong tumingin sa lalaking nasa harap ko ngayon.
  

   “Look, magtata-SHEYTTTTTT! ” sigaw ko nang hinagis niya ang spinner sa'kin. Nag-iba ang itsura ng spinner, kung kanina ay magandang laruin at stress-reliever, ngayon naman hindi! Maii-stress ka talaga! Paano, ang tatlong sulok nito ay nagkaroon ng tatsulok na patalim.  Sa sobrang talim ay pwede ka na magsalamin. Lumaki rin ito ng higit pa sa isaang daang beses mula sa normal na anyo nito.

   Nakaiwas ako ngunit akala ko hanggang dun na lang.  Sunod sunod niya pa rin akong binabato habang naka-ngisi. Nawala sa isip ko na wala akong saplot ni-isa at patuloy pa rin ang pagtakbo.

   Buset! Ano ba problema nito? Siguro kaya niya ako ginaganito para makita niya ang katawan ko freely ! Ugh! Pervert stranger!

   Sa sobrang lalim ng pag-iisip ko habang patuloy na iniiwasan ang mga spinner na binabato niya sa akin ay hindi ko namalayang may malaking ugat ng puno na nakalitaw sa lupa.  Huli na para iwasan ko 'yon because before I knew it I felt my body crushed on the ground.

    I thought that will be the ending of my story, but a miracle happened. No blades cut through my skin, no bloods dripping down. I raised my head to know what happened, but all I can see is a large black piece of cloth. I blinked twice, enough for me to realized that I am laying in dirt,naked. Then suddenly, the cloth fell down.

    I immediately wrapped the piece of cloth around my body, leaving no trace of my skin. The piece of cloth is enough for me to cover myself. Sumasayad pa nga ito dahil ang haba. Parang kumot na yata.

   
  Nilibot ko ang tingin ko ngunit wala na akong makita na kahit ano. Wala na 'yong lalaking may spinner.

What the hell just happened?!

  

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 22, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MNEMOSYNE (Celestial Series#1)Where stories live. Discover now