Simula

1 1 0
                                    

Miracle.

A word full of hope and happiness. And a wonderful event that is believed to be caused by the power of God. But in just one word, can we all tell our luck? In just one miracle, can we all live in this world with hope and happiness?
Because for me, I don't know.

"Miracle! Hija! Come down here! It's your first day at school! What takes you so long?!"
I just sighed when I heard my grandma shouting again. Yes, it's our first day of school and I am not excited. Well except that lumipat na naman kami ng bahay, hindi ko na naman kilala ang mga magiging classmates ko. And worse, wala akong kilala sa lugar na ito. I don't know kung bakit kami palipat-lipat. Ni minsan hindi din inexplain sakin ni lola. Sumusunod lang ako sa kanya pag sinabi niyang lilipat kami because she's the only family I have and I really love her.

Pagbaba ko pa lang ng hagdanan, nakita ko na agad siya habang nilalapag ang aming pagkain sa mesa. Nilapitan ko agad siya at niyakap sa likod. Bahagya pa siyang nagulat sa pagyakap ko na nagpangiti agad sakin.

"La, sumisigaw ka na naman. Sige ka baka mahighblood ka. Tumatanda ka pa naman na." Biro ko sa kanya at humiwalay. Humarap naman siya sakin at humalukipkip. Umupo na lang ako dahil alam kong magagalit na naman siya.

"Miracle! Sayo ako mahahighblood eh! Kung di lang talaga kita mahal. Naku hija. Alam mo namang tumatanda na ang lola." Alam kong di ako matitiis niyan. Bigla akong natawa nang halikan niya ko sa noo. She's 71 years old pero ang pangangatawan niya'y mas bata kumpara sa edad niya. She's always taking care of herself though, that's why.

"Hija, always remember that I'm always here for you no matter what happens okay? I will love you forever." She said sincerely. I just smile and hold her hand.

"Ang aga-aga ng drama natin la ah? Hahaha. Love you more! Let's eat." Tumayo ako at inalalayan siya sa pagupo sa harap ko. Napailing naman siya habang nagsasandok ng fried rice.

"Hija, alam mo namang kailangan mo ng magsipag lalo sa pagaaral hindi ba? Lalo na't college student ka na. Sigurado ka ba talaga sa kinuha mong kurso?" Hindi ko alam kung mas kinakabahan sakin si Lola eh. I took up Architecture. Not because my mother used to be an architecture but because I find it interesting and I really love to draw.

"Yes la. I'm really sure of it. Don't worry about me, I'll be fine. Lalo na kasama kita." Well, kung di ko magustuhan pwede naman ako magshift agad ng course habang maaga pa.
I smiled at her to assure her. Uminom muna ako ng orange juice bago tumayo.

Tinignan ko ang wall clock and it's 6:44am. Napailing na lang ako bago lumingon at lumapit kay lola. It's still early for me though. My first class is 7:30am.

"I should go La. Take care okay? Love you." I kissed her cheek at kinuha ang aking bag sa upuan.

"Text or call me if there's something wrong. Take care and don't forget to bring the sandwich I made." I smiled sweetly when I saw the sandwich na binalot gamit ang foil. Kinuha ko ito at nilagay sa bag. Muli akong nagpaalam at lumabas na ng bahay. Tanaw ko agad si manong rudy na nagaabang sa paglabas ko. Yes, we have our own driver. Pinilit ko si lola na magcommute na lang ako but because may history akong masama sa pag commute, eto ulit ako sa harap ng aming driver.  I smiled at him at pinagbuksan niya ako ng pinto.

"Goodmorning Ma'am." Binati ko lang siya pabalik at pumasok na sa SUV. We have our own SUV, ito daw ang ginagamit ng parents ko before. Hindi ko naman tinatanong si lola kung saan niya nakukuha ang pera pantustos samin araw-araw baka maoffend siya once na tinanong ko.
Malapit lang kami sa gate ng village kaya naman tanaw ko agad ang pangalan na nakalagay sa itaas na gilid nito.

Sugarland Hills

15 minutes lang ang byahe kaya naman nakarating na agad kami sa gate ng parking lot ng isang kilalang school dito sa probinsya ng Iloilo. Agad kong pinakita sa guard ang ID ko para makapasok kami. Inayos ko ang gamit ako at hinintay si manong buksan ang pinto.

Tenerife LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon