Prologue

10 1 0
                                    


Sa taong 2350, may isang tanyag na siyentipiko ang nakadiskubre sa isang bato na ang tawag ay stone of origin. Ang stone of origin ay nagkakahalaga ng isang bilyon bawat gramo. Dahil sa batong ito pinag-aagawan ito ng mga ibat ibang bansa para makuha at mapag aralan. Dito din nagsimula ang pang limang digmaang pandaigig. Makalipas ang dalawampung taon, simula ang pangsampung digmaan pandaigdig, muling nakita ng isang team ng geologist ang bato at ipinagkatiwala nila ito sa pamahalaan. Dahil sa batong ito, unti - unting nakabangon ang Pilipinas sa gyera. Lumago ulit ang ekonomiya ng  Pilipinas, Nagpatayo ng mga high infrastractured buildings, skwelahan, negosyo, hospital at iba pa. Ang lahat din ng mga mamayan ng Pilipinas na di lalagpas sa 30 na di nakapag aral ay pinag aaral. Dahil dito maraming grumadweyt sa mga tanyag na paaralan na mga kursong scientist, information technology, computer science, engineering, doctor atbp. Isa na dito si Dr. Zeth D. Falcon. Sya ay isang entreprenuer, doctor, scientist, Isa din sya napakayamang tao sa buong mundo. At sya rin ang founder na kumpanyang ZDF group of companies. Isang pinakasikat na kumpaya sa buong mundo.

Dahil sa henyong si Dr. Zeth natuklasan nya at naimbento kung saan nanggaling ang bato na tinatawag na stone of origin. Ang bato ay nanggaling sa planetang Xzist na sobrang layo sa earth. Nadiskubrehan din ni Dr. Zeth na ang bato ay puedeng pagkukunan ng enerhiya para makagawa ng portal at para din makapunta sa mundong Xziest.

Sa pagsaliksik ni Dr. Zeth, marami syang nalaman sa mundong Xziest, nalaman nya na di puedeng magteleport ang tao o hayop kung walang protective gear. Kasi malakas ang radioactive at may napakalas na static sa hole na pagdadaanan para makapunta sa mundong Xziest.

Makalipas ang dalawang taon na pagsasaliksik nya ay bumuo sya ng 2 team (12 person sa dalawang team)  para sa misyon na tinatawag na Code Xziest. Itong misyon na ito ay kelangan gumawa ng device at protective gear para maging succesful at makapunta sa mundong Xziest. Binubuo ang 1 team ng mga tanyag na scientist ang 1 team naman ay tanyag na programmer at engineering.

Nagdaan ulit ang 5 taon sa tulong ng dalawang team at sa pamamahala ni Dr. Zeth natapos nila ang kanilang misyon at handa na nila itong e' beta test. Napag utusan ang 2 tao sa team ng  scientist na sila ang unang mag explore ng lugar kaya ipinateleport na sila sa pamamagitan na device na kanilang ginawa.

Succesful ang kanilang pag teleport, at sinimulan na nilang galugarin ang kabilang parte ng mundong Xziest at nagpapadala din sila ng mga informations sa kumpanyang ZDF. Makalipas ang dalawang oras na pag eexplore, pinatigil na sila sa kanilang ginawa at pinapauwi na sa totoong mundo pero sa di inaasahang pagyayari,  nagmamalfunction ang kanilang protective gear dahil sa di kinayang static link at biglang nawalan ng control at nagshutdown ang main system ng teleportation at nawala ang dalawang henyo na scientist.

World of XziestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon