"Master, wake up! Master, wake up! its already time to wake up, may pasok po kayo ngayon" paulit ulit na salita ng program assistant ko. Ito pala ay isang robot na nilagyan ko ng software program para makapagsalita. Sya din ang nagpapaalala ko sa mga dapat kung gawin at marami pa syang features na kayang gawin. Katulad ng pagiging PA (personal assistant ko, security guard, at tagalinis at iba pa. Parang si Baymax lang sa Big Hero 6. Package na ang pagkagawa ko sa kanya kaya trinato ko na rin tong kapamilya.
"Bloat, anong oras na ba?" tanong ko sa robot at wala pa talaga akong balak na babangon. "Master, 7:20 na po, malalate na po kayo pag di ka pa babangon dyan, nakahanda na po ang almusal mo at damit mo na isusuot." "What? 7:20?" uulitin pa sana ni Bloat ang pagsasalita pero pingilan ko na syang wag magsalita at dali dali na akong bumangon at pumunta agad sa CR para maligo. Malalate na naman ako nito, pero okay lang di naman terror ang professor namin sa first subject kaya okay lang at pang tatlong beses ko pa lang na late simula ng klase.
~Fastforward~
Nandito na ako sa lobby ng school ng marami akong naririnig na nag uusap tungkol sa virtual game na ipapalabas sa linggo. Yes sa linggo na yun ipapalabas. Pero binalewala ko lang iyon. Pumasok na ako sa room namin at halos lahat ng kaklase ko ay nandito na at nag uusap tungkol pa rin sa game at halatang excited na talaga sila.
Tumingin ako sa labas ng bintana at nagmumuni muni ng may biglang umupo sa tabi ko at nagsimulang magsalita "Dude, kumusta pala ang weekend mo, napanuod mo ba ang bagong labas na virtual game? Ang cool diba, lalaruin natin yun ahh. Katulad sa Monstrous Armanent Online at maging top ten ulit tayo sa whole world ranking kasama ang mga tropa." banggit ni Blaze.
Yes may tropa kami 10 kaming mag tropa 6 na lalaki at 4 na babae. Isa na dito ang katabi ko sa upuan, at sya si Blaze Anderson Perez. Isang maingay, napakakulit, happy go lucky pero mabait, maalalahanin at may kakambal. "Yes, lalaruin natin yun, pero katulad pa rin ng dati na magsosolo muna ako. BTW, saan pala ang kakambal mo at ang iba pa?" balik na tanong ko kay Blaze.
"Ahh, si kambal? nandun sa cafeteria, nandun din yung iba pa natin tropa, lumalamon. Alam mo naman sila dude na patay gutom." saad ni blaze habang nagdoodle na naman. Mahilig kasi itong si blaze mag doodle at mag drawing. Artist kasi ng grupo yan.
"Sinong patay gutom? angal ni zheirea sabay kutos kay blaze. "ahh..ehh..wala yung aso namin yung patay gutom di kasi napapakain nung nakaraang araw kaya ang daming kinakain at mukhang patay gutom". palusot ni blaze at nagsisimula naman silang magbangayan.
Takot kasi si blaze kay zheirea, amasona kasi ito. Pero di alam ni blaze na nagkagusto sa kanya si zheirea, pero alam yun ng mga tropa. Palagi kasing nagpapansin si zheirhea sa kanya, pero ang damuho naman ay sa sobrang manhid, kulang na lang ihahambalos sa kanya ang isang kahoy at siguro di parin tatablan.
Fastforward~
Natapos na ang klase at nandito kami tumambay sa cafeteria na pag aari ni Duke Kyler. Isa din sa mga tropa namin.
Napakilala ko naman sa inyo si Blaze at Zheirea. So ipakilala ko pa ang ibang tropa namin according sa top ten sa larong Monstrous Armanent Online na dati namin nilalaro at class na gamit nila.Top 1: Xhien F. Frejo - Assasin
Top 2: Blaze Anderson Perez - Ranger
Top 3: Zheirea Clinton - Sorcerer
Top 4: Duke Kyler Buenavista - Palladin
Top 5: Fiero Anderson Perez - Warlock
Top 6: Cynthia Frost - Monk
Top 7: Rovi del Fierro - Cleric
Top 8: Autumn Sanmaniego - Wizard
Top 9: Drake Paragon - Bard
Top 10: Sky Montefalco - FighterKami talaga ang nakakuha ng top 10 sa larong MAO. Malaking sakripisyo din sa amin yun kasi sobrang lakas ang dating nasa top 10 pero nagbunga din ang paghihirap namin.
A/N: Dito na lang muna guys. may gagawin pa ako eh. Babawi na lang ako next time. Salamat pala kay kashi13 sa pag add ng story ko sa library mo. Hope mag enjoy ka pa lalo. At sa magbabasa pa lang neto, enjoy reading.😁