10 years later
Unknown pov
"Mr. Flaux, kumusta na pala ang ipinapagawa ko sa team mo? ano na ang update nun?" tanong ko sa team ng mga scientist/programmer habang tinitignan ko ang holographic phone ko.
"Sir, tapos na po ang major update ng ipinapagawa by next day matatapos na po namin ang iyong pinapagawa at by next week mapapalabas na po ito sa market." sabi ng head of programmer/scientist.
"Good, Makakaalis ka na." habang dahan dahang tumayo at pumunta sa bintana habang nagmumuni muni.
"Anak, Brent, tapos na din ang pinagtutulungan natin gawin makalipas ang mahabang panahon. Di ko sasayangin ang pagsasakripisyo nyo para lang mabao ang game na ito." sabi ko saking sarili habang inaalala ang nakaraan.
End Pov
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Kakatapos lang maglinis ng bahay ni Xhien. Sya na lang kasi ang mag isang nakatira. Pinauwi nya na kasi ang kanyang Nanay Ising/Yaya Ising sa kanila, matanda na din kasi ito at matagal na syang inaalgaan nito. At Para naman maalagaan sya ng kanyang mga anak at makita nya at makasama ang kanyang apo."hayyss..10 years na rin pala ang nakalipas nung nawalang parang bula si mama at papa. San nakaya sila? miss ko na sila..hayss.
kung di lang dahil sa iniwan nilang pera sa bangko, siguro palaboy na ako ngaun."Humiga sa sofa si Xhien habang nanunuod ng palabas sa tv. "Ang panget naman ng palabas ngayon" nagscan pa ng channel si Xhien ng matyempuhan nya ang palabas na balita sa tv at nakuha ang curiousity nya.
~~~~~~~~
Reporter:Sir, kelan po ba ipapalabas ang bagong laro na VRMMORPG sa market? Balita po namin para daw po kayong nasa totoong mundo kapag naglalaro ka nun? at ano po pala ang makikita sa game na yon sir?ZDF Rep: Nextweek na namin ipapalabas ang bagong VRMMORPG, at oo para kayong nasa totoong mundo kapag naglalaro ka nun. Instead po kasi na yong character mo lang ang gumagalaw katulad ng sa dating RPG. Ito po kasing bagong laro conscious mo ang nasa laro talaga at free kang macontrol mo ito. Tsaka kung ano ang face mo sa totoong mundo, yon din ang nasa game. Meron kasi tayong importanteng gamit para malaro mo ang game. Ito yon ang NervE Gear at Game Memory Chip.
Reporter: Woaah..Astig..By the way sir, ano pala yung nerve gear na sinasabi nyo? at yong sinasabi nyu pong game memory chip?
ZDF rep: Ang nerver gear po ay para lang po itong helmet na may protective sensor sa loob, at ito rin po ang dahilan para matransport ang conscious mo sa laro. Wag po kayong mag alala, safe po itong gamitin. Sinubukan na po namin ito ng ilang beses at safe naman talaga. Yung game memory Chip naman po ay data po ito ng game, dito po nangganling ang mga NPC (None Player Character), Maps, different category of Mobs (monster), Quest, and dungeons.
Reporter: Woaah, sobrang ganda talaga ang game na ito, kahit naiimagine ko pa lang. Nakakaexcite na at siguro akong mageenjoy kayo sa paglalaro. So ano pa ang hihintayin nyu? Bili na kayo sa malapit na game center. By the way sir, salamat pala sa pagpaunlak nyu sa amin.
ZDF Rep: Salamat din.
Reporter: Magbabalik po ang programa, matapos ang mga patalastas.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Pinatay na ni Xhien ang TV at napapaisip sa laro.
"Susubukan ko kaya yon? parang nakakaexcited lalaruin ang game na iyon. Matagal na din akong di nakapaglaro ng rpg games simula nung matapos ko ang Monstrous Armanent Online."Nag iimagine pa si Xhien sa laro ng tumunog ang wall clock nila at bigla syang natauhan.
"6 pm na pala, kelangan ko pang magluto at matulog ng maaga, may pasok pa ako bukas."A/N: Sorry po kung medyo sabaw ang story ko, baguhan lang po kasi ako sa pagsusulat. Ako po kasi ang tao na palaging nagbabasa..😁 Pasensya na po talaga. Hope po suportahan nyu po ang story ko at wag nyu kalimutan mag vote.