Love Higher Than Ambitions

136 0 0
                                    

" LOVE HIGHER THAN AMBITIONS "

2014 Copyright ©

by : TinkerYuki

Pangarap kong gustong makamit,

Isang simpleng pangarap,

ba't ba kay hirap abutin ?

Pangarap kong maging isang Guro,

para turuan ang mga batang paslit

na wala pang muwang sa mundo.

Pero bakit ngayon, ayoko na ?

Gusto ko nalang turuan ang puso kong

Limutin ka !

Kaysakit ng 'yong ginawa !

Pinaglaruan mo ang aking puso't kaluluwa !

Oh kay sakit sa puso,

Pag-ibig na nakakasira ng ulo !

Pangarap kong maging Doktor,

para tulungan ang aking mga magulang

at iba pang tao kung sila'y maysakit

Pero bakit ngayon, ayoko na ?

Gusto ko nalang turuan ang puso ko,

para 'di na muling masaktan pa !

Puso kong durog-durog,

May pag-asa pa bang mabuo't

mawala ang marka ng pagkakabasag nito ?

Pangarap kong maging Abogado,

para mapagtanggol ang mga taong

walang kasalanan.

Pero bakit ngayon, ayoko na ?

Gusto ko nalang ipaglaban

ang pag-ibig ko sayong walang hanggan.

Pag-ibig kong di napapansin,

Kailan mo ba haharapin

at sasabihing

Ako'y mahal mo rin !

Pangarap oh Pangarap,

Ba't ba ito'y parating sawi ?

At ang tinatawag ni kupidong pag-ibig

ang s'yang nagwawagi ?

Tanong ko sana'y

magkaro'n ng sagot !

Sagot na makatarungan,

di yung puro kasinungalingan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Tula CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon