Chapter 2:

2.1K 35 1
                                    

Kenzo's POV:

     Nakakainis 'yung mokong na yun! Lagi na lang niyang pinapatawa si Zy! Dapat ako lang eh! Ako lang dapat 'yung nakakapagpatawa kay Zy eh! Ito namang si Zy, tawa ng tawa! 

Sa sobrang inis ko, hindi na 'ko nagdalawang isip na higitin si Zy.

"Ahaha— t-teka, uy, Ken, saan tayo pupunta?" Tanong niya.

"Sa pupuntahan. Huwag ka nang magtanong, Zy." Walang gana kong sagot habang hinihigit pa rin siya kaya naman hindi na siya nagsalita.

Pumasok kaming dalawa sa storage room para makapag-usap kami ng masinsinan.

"Ano bang gagawin natin dito, Kenz?" Tanong niya habang hawak-hawak niya ang sleeve ng polo ko.

"Bakit ba lagi mong kasama yung Gab na 'yun ha?! Nanliligaw ba 'yun sayo?!" Tanong ko.

"Ah? Anong sinasabi mo Kenz?"

"Huwag mo 'kong sagutin ng isa pang tanong Zy. Naiirita ako lalo." Mata sa mata kong sabi sa kanya.

"Magkaibigan lang kami Kenzo." Sagot niya at yumuko. Halatang natatakot siya sa mga ikinikilos ko ngayon.

"Eh bakit lagi kayong magkasama?! Hindi ko alam kung sadyang manhid ka talaga o nagtatanga-tangahan lang Zy eh! Di pa ba halata na naiinis at naiirita ako sa mokong na 'yun?! Lalo na't lagi kayong magkasama?!" Sigaw ko sa kanya.

"B-bakit ka b-ba nagagalit Kenz?" Tanong niya. Kenz ang tawag niya sakin minsan.

"Ang tanga-tanga mo talaga! Ang manhid mo pa! Pagod na pagod na 'kong iparamdam sayo lahat ng feelings ko! Nakakapagod ka! Nagseselos ako, Zy! Nagseselos ako dahil may kasama kang ibang lalaki bukod sa'kin, nagseselos ako dahil ayokong maagaw ka ng iba, nagseselos ako dahil ayokong mawala ka, at higit sa lahat, nagseselos ako dahil MAHAL KITA!" Sigaw ko sa kanya.

"S-sorry Kenz, hindi ko naman alam na magagalit ka eh. Sorry na Kenz." Umiiyak niyang sabi.

"Nakakainis kasi Zy eh! Gusto ko ng sumuko pero di ko magawa kasi mahal kita." Naiinis kong pahayag.

"Please huwag kang sumuko Kenz, s-sorry na kenzo ko." Pabulong niyang sabi 'dun sa huling part.

"Anong sabi mo?"

"Sabi ko mahal din kita, kenzo ko." Umiiyak pa rin niyang pahayag.

"T-talaga?" Kinakabahan kong tanong at tumango-tango naman siya kaya niyakap ko siya ng mahigpit, sobrang higpit.

"Sorry... sshhh tahan na Zy-Zy ko, hindi ko sinasadyang sigawan ka. Ssshhh huwag ka nang umiyak ok? Sshhh tahan na, sorry don't cry." Bulong ko habang yakap-yakap pa rin siya .

"Salamat, Kenzo ko." Bulong niya din.

ONE WEEK LATER

Zyrene's POV:

     Magkasama kami ngayon ni kenzo ko, may date kasi kami. Oo, kami na! Hihi. Ang saya! Kinikilig ako grabe.

"Say aahhh Zy-Zy ko." Sabi niya at sinubuan ako ng ice cream, ang sweet no?

"Hmm, ang sarap. Ikaw naman, say aahhh Kenzo ko." Sabi ko at sinubuan din siya ng ice cream.

"Sana lagi tayong ganito no? Masaya." Nakangiti niyang sabi.

"Oo naman, basta ba walang iwanan." Sabi ko.

"Yeah! Walang iwanan." Sabi niya at hinalikan ako pero smack lang.

"I love you." Bulong niya at niyakap ako.

"I love you too." Sabi ko at yumakap din.

She's the One (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon