HER POV
Hi! I'm Nica Gonzales at waahh excited na ako. E kasi magkikita kami ng boyfriend ko. 3rd monthsary namin ngayon. Hangang ngayon nga hindi pa rin ako makapaniwala. Yung dating crush ko boyfriend ko na ngayon.
Matagal ko ng crush si Jairus. Simula grade school pa lang crush ko na sya. Hanggang sa hindi na pala paghanga ang nararamdaman ko mas higit pa. Kaya nung nalaman kong crush nya ako naglakas loob na akong umamin ng nararamdaman ko. Turn off ba?pero worth it naman eh. Kasi naging kami din nung araw na yun at ito nga tumagal kami ng 3 months.
On the way na ako papuntang unit nya. Excited na nga ako eh. Kasi isusurprise ko sya. Balak ko sana na ngayong 3rd monthsary namin magcecelebrate kami sa Star City. Actually hindi nya alam na pupunta ako sa unit nya. Siguradong magugulat yun.
Saktong alas singko ng hapon nung nakarating ako sa unit nya.
Kinakabahan ako. Pipihitin ko na sana yung door knob ng nakita kong nakabukas yun. Hay naku! Nakalimutan na naman nyang isara yung pinto. Papasok na sana ako ng nsrinig ko yung pinaguusapan nila.
"Tol musta kayo ni Nica?"tanong ni Seth bestfriend nya.
"Si Nica? Ayun uto uto pa rin. Napakainnocente nya pare akala nya may gusto ako sa kanya. Tsk sa kabaduyan nyang yun? Nakakahiya nga pag lumalabas kami e. Walang kataste taste sa fashion. Lagi na lang jeans at shirt yung suot tsk. Hindi ka tulad ni Denise."
A-ano daw yung sabi nya?
"oh so kayo na ni Denise?"
Ano bang klaseng tanong yan. Syempre hindi. Ako kaya ang girlfriend ni Jairus.
"Oo pare. Grabe ang sarap nyang kasama and add the fact na ang ganda nya pa. Hindi katulad ni Nica ang boring tapos ang panget pa."
Akala ko nagbago na sya. Akala ko nabago ko na sya.
Tama na. Naiiyak na ako. Gusto kong tumakbo pero ayaw gumalaw ng mga paa ko. Gusto ko silang sigawan pero walang boses na lumalabas sa bibig ko.
"Eh paano na si Nica anong balak mo?"
Paano na nga ba ako? Ganun na lang yun?
"Paglalaruan ko muna. Tsaka ko na i brebreak pa nagsawa na ako. Ang inosente kasi eh."
Tuluyan ng tumulo yung mga luha ko. Tinakpan ko yung bibig ko para hindi makagawa ng ingay.
Ganun na lang yun. All this time pinagmukha nya lang akong tanga?
"sigurado ka na ba---"hindi ko na narinig yung huling sinabi ni Alex kaibigan din ni Jairus dahil may siraulong bigla na lang naghihila. Nung nakalabas na kami agad ko hinila yung braso ko at sinigawan sya.
"ANO BANG PROBLEMA MO AT BIGLA KA NA LANG NANGHIHILA?"
"Tsk tanga ka ba huh? Nalaman mo na ngang ginagago ka nun nakikinig ka pa rin!"
Narinig nya?
"Ano bang pakielam mo?"
Umalis na ako at dumiretso sa kotse ko. Bago ako tuluyang pumasok sa kotse ay kinuha ko muna yung ticket sa bag ko at akmang itatapon iyon.
Tsk bakit ba ang hilig nyang mangielam? Atsaka hindi ko naman sya kilala para pakielaman ang buhay ko.
"Bitawan mo nga ako."
Paano kasi hinila na naman ako at tinulak pa ako papasok sa kotse nya yata? Teka bakit nya ako pinasok sa kotse nya? Wag mong sabihing rapist to' ? Naku naman bakit ba ang malas ko nga yon?
Bubuksan ko na sana yung pinto pero huli na ako. Nalock nya na ito. Now I'm trap.
Unti unti syang lumalapit sa akin. Sabi na e may binabalak syang masama sa akin!

BINABASA MO ANG
Sticky Note
KurzgeschichtenSabi nila 'Everything happen for a reason' Everything happen because there's a reason. Pag may nawala may dadating at malay natin mas better pa. Kailangan lang naman ay ang tumanggap. Accept and Move on. And this is my story. This is how I move on. ...