paulit ulit

18 0 0
                                    

Pusong manhid

Natutunan muling tumibok

Ngunit sa parehong sitwasyon,

Muling nawasak sa parehong paraan.

Mahal, halika't maglaro tayo ng tagu-taguan

Ako na ang taya

Ako na ang hahanap

Isa. Ang laman ng puso ko'y isa. Sa isip at gawa ko'y ang aking naaalala ay iisa. Akala ko "Its us against the world" ngunit ako lang palang lumalaban mag-isa.

Dalawa. Dalawa kami. Hindi maaari't kailangan ng mamili. Mahal ako naman ang nanatili. Sa lahat, ako ang kakampi, ngunit bakit? Bakit nahihirapan kang mamili?

Tatlo. Tatlong araw kong sinubukang lumayo. Sinubukan kong takasan ang nararamdaman ko. Sinubukan kalimutan lahat ng ating nagawa. Ngunit ang bagsak ko'y sayo parin pala talaga.

Apat. Apat na beses kitang pinakawalan. Nawalan ng gana't nawalan ng tahanan. Ayoko kumawala sayo. Ayokong umalis muli, ayokong mawalan ng tahanan

Lima. Limang daliring nakaipit saaking kamay, ang sarap sa feeling parang nawawalan ako ng malay. Sa mga nangyayare sa paligid ko kapag ikaw ang kasama, para bang ang nilalaman lang ng mundo, ay tayo lang dalawa.

Anim. Anim na buwan na tayong magkasama, tawanan, iyakan, hawak kamay tayong lalaban. Kahit alam kong ako lang rin talo sa laban na ito, atleast ako, lumaban. Lalaban kahit walang laban. Kasi mahal, ang iyong pagmamahal, ay siyang aking kalakasan.

Pito. Pitong araw tayo nagkakasama. Ang dalawang araw tila ba sobrang haba. Nagugutom sa iyong presensya. Gusto ko, araw araw kitang makasama

Walo. Walong oras kitang nakikita sa isang araw, natutulog ng maaga para mapadali ang pagsapit ng umaga. Upang maukit ang ngiti saaking mukha buong araw

Siyam. Alas nwebe. Alas nwebe ng tayo'y nagkita sa tagpuan, pinagmasdan ang alon niyakap ka na parang unan. Sabay sabi ng katagang nakakamatay "mahal kita" at kasabay ng malamig na simoy ng hangin, nararamdaman kong ika'y mawawala na saakin

Sampo. Higit pa sa sampo o isang daan ang dahilan kung bakit kita mahal. Higit pa sa kung anong meron tayo ang aking mga nagawa. Para sayo. Oo ginawa ko lahat para sayo pero bakit ramdam ko iba parin ang mundo mo?

Mahal?

Nasaan ka na?

Mahal?

Kanina pa kita hinahanap

Mahal?

Bakit may iba kang kayakap?

Mahal bakit ibang kamay ang hawak mo?

At sa lahat lahat ng ating pinagsamahan,

Nahanap kita.

Nahanap kita na may kasamang iba

Nahanap kita na bumalik sakanya

Nahanap kita at masaya kayong dalawa.

Isa dalawa tatlo apat lima anim pito walo siyam sampo

Iniwan mo ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 11, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unsaid Feelings Where stories live. Discover now