Chapter 4

37 2 0
                                    

Thea's POV: 

Late na ako sa klase dahil umaga na din ng dalawin ako ng antok. Ang sakit pa ng ulo ko para akong inuumpog sa yelo pati yung mga mata ko ang hahapdi, mukha pang nakagat ng ipis. Nakakainis.

Malapit na ako sa classroom ko ng may biglang humigit sakin tapos dumiretso kami sa isang bakanteng classroom.

Mukhang transferee siya sa school kasi hindi siya pamilyar sakin, tama lang kasi ang populasyon ng estudyante sa school para makilala mo sa mukha o hitsura kung sino ang matagal na at bago sa paaralang ito.

Ikinulong niya ako sa mga bisig niya na ikinagulat ko.

Nakatingin siya sa may kaliwa kong leeg at akmang hahaplusin pero agad ko siyang itinulak.

Hindi ko alam kung paano pero nagawa kong buhatin ang lamesang may bakal na mga paa na nakalagay sa gilid ko. Binato ko ito sa kanya, natamaan ko siya sa bandang tagiliran pero parang hindi ko siya nasaktan.

Binigyan niya ako ng kakaibang ekspresyon.

Sound proof ang lahat ng classroom dito kaya hindi na ako nag abalang sumigaw at pinilit kong buksan ang pintuan.

Sobra akong natatakot sumasabay pa ang sakit ng ulo ko.

Hindi ko napansin na nakalapit na ulit siya sakin.

Nahawakan na niya ako at bago pa ako makapalag unti unti na akong nanghina at nawalan ng malay.

***

Geoff's POV:

Makikipaglaro pa sana ako. Nawalan pa ng malay. Tss.

Binuksan ko na ang pintuan ng classroom. Nakaabang naman agad sina Dave at Kai.

"Bro, ginawa mo dyan?" Turo ni Dave sa babaeng bitbit ko.

"Siya ang tanungin niyo." Pinasa ko ng bastahan sa kanila yung babae. Kamuntikan pa itong mahulog sa sahig ng masalo agad ni Kai. Tama lang yun. Magkakapasa pa ata ako dahil sa binato sakin ng babaeng yun.

"Anong gagawin namin dito?" sabi ni Kai.

Binigyan ko siya ng matalim na tingin at nilagpasan. Minsan yung utak nila hindi mo alam kung gumagana pa. Ano bang dapat gawin sa taong nawalan ng malay, ideretso sa hukay? Teka, bakit nga ba hindi. Susubukan ko nga minsan yun sa mga makakalaban ko.

Loosing GripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon