Chapter 9

21 0 0
                                    

Althea’s POV:

“Bitawan mo na ako. Nasasaktan lang ako.” Sa hawak mo. Sa yakap mo. Yung posible naman pala kitang hawakan pero dapat ba sa ganitong sitwasyon pa? Sa mga oras na mahina ako at tanging iyak lang ang nagagawa ko?

Bahagya ko siyang itinulak pero hindi agad siya natinag sa ginawa ko. Nanatili pa rin kami sa ganitong sitwasyon, alam kong hindi tama pero nakaramdam ako ng saya ng hindi niya sinunod ang sinabi ko. Ang dami kong gustong sabihin sa kanya pero tanging iyak at hikbi na lang ang kayang ilabas ng bibig at ng mga mata ko dahil sa huli’t huli bumabalik ako sa realidad na siya ang pinaka nagbigay sakin ng matinding sakit.

Naramdaman ko ang unti unti niyang paghiwalay ng yakap sa akin. Nakaramdam ako ng takot.

Hindi ko na alam ang mga sumunod na ginawa ko. Nakita ko nalang ang sarili kong mahigpit na nakahawak sa polo niya habang nakasandal ang mukha ko sa parteng dibdib niya.

“Pero pwede bang hayaan mo na lang akong hawakan ka. Hayaan mo lang akong masaktan ng sobra hanggang sa mapagod na ako. Para ako na mismo ang magsabi sa sarili kong hanggang dito na lamang talaga…tayo.”

“Thea!” Rinig kong tawag ni Yen mula sa likuran ko.

“Ano na naman bang ginawa mo sa kaibigan ko?!” Hinila ako ni Yen papalayo kay Ace. Matalim niya itong tinitigan.

“Kailangan mo pa bang itanong yan? Hindi mo ba nakikita?” Isang malamig na tono ang narinig ko mula sa kanya. Parang kanina lang sobra niya akong icomfort pero ngayon parang wala na agad siyang pakialam.

 

“Tama ka naman eh. Obvious na sinasaktan mo na naman ang kaibigan ko. Hindi ka ba nakokonsensya sa ginagawa mo?!”

“Hindi.” Dumapo pa ang walang ekspresyon niyang mata sa akin bago siya tuluyang tumalikod para maglakad palayo. 

***

Geoff’s POV

“Asan na ba yang si Dave?” Inip kong pinaiikot ikot yung straw sa milk shake ko. Lumabas kami ng school para mag lunch sa katapat na restaurant ng school hindi na kami lumayo pa para mabilis na makabalik pero si Dave kanina pang nawawala.

“Baka gumagawa pa ng bata.” Sambit ni Kai habang ngising nakabaling ang tingin sa mga babaeng kanina pang sumusulyap sa gawi namin.

“Ang gago mas inuuna ang pagpapasarap. Tch.”

Loosing GripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon