Chapter 1: School

1.5K 22 6
                                    

'Nicole! Yung asawa mo!' sigaw ni Kristine yung best friend ko

'Ano ba Kristine! Wag ka ngang maingay baka may makarinig saten! Alam mo naman na hindi nila alam na asawa ko si Skyler!' sabi ko naman kaagad sa kanya, mga kaibigan ko lang at mga kaibigan niya lang ang nakakaalam na kasal kame pwera nalang sa mga parents namin, fixed marriage lang kame pero ok lang saken dahil mahal ko siya, ginusto ko rin naman na ikasala sa kanya.

'Ay sorry Nicole! Yung asawa mo kasi! Nakita ko siya sa may hallway may kayakap na babae akala ko nga ikaw yun eh pero ng lumapit pa ako ng konti, hindi pala ikaw yun' hay, wala ng nag bago lagi nalang ba ganto? Masaya sana kung ako yung kayakap niya pero wala eh hindi ako yung babaeng yun.

'Ahh, sana hindi mo nalang sinabi, alam mo naman na masasaktan ako' walang gana kong sabi sa kanya napansin ko naman na lumapit siya saken at niyakap ako

'Sorry Nicole ha, alam ko naman na masasaktan ka pero kailangan mo kasing magising sa katotohanan na hindi ikaw ang mahal niya! Kailangan mong tanggapin na hindi ikaw ang para sa kanya! Hindi mo ba alam na nasasaktan ako? Nasasaktan ako dahil nasasaktan yung best friend ko dahil sa walang kwenta niyang asawa! sabi niya naman saken, humiwalay na siya sa pag kakayakap saken at tumingin ng diretso sakin, narinig ko pa siyang bumuntong hininga bago niya ituloy ang sasabihin niya.

'Nicole gusto kong maging masaya ka, ayokong nahihirapan ka sa asawa mo. Gusto ko na maranasan mo yung masayang buhay yung hindi ka laging nasasaktan. Nicole tandaan mo lagi na nandito lang ako para sayo ok?' sabi niya at niyakap ulit ako saglit lang siyang yumakap sakin.

'Thank you' yun lang ang sinabi ko at ngumiti sa kanya, ngumiti din naman siya saken, bigla nalang tumulo yung luha ko ng hindi ko namamalayan. Pinunasan niya yung luha ko at sinabing......

'Wag kang umiyak, baka pumangit ka. Lagi ka lang ngumiti ipakita mo na matapang ka! sabi niya at tumingin sa relo niya.

'Mauna na ako sayo Nicole ha, mag uumpisa na yung klase ko, bye Nicole! Ingat ka! Mag kita nalang tayo sa may cafeteria mamaya' pag katapos niyang sabihin yun ay umalis na siya. Hay eto na naman ako mag isa na naman.

Habang nag lalakad ako napadaan ako sa may room na walang tao "Dito muna ako tutal wala namang tao" sabi ko sa sarili ko, hinawakan ko na yung doorknob ng pinto at.... S-skyler nakita ko siya sa may room, dahil sa gulat ko hindi ko namalayan na tumutulo na pala yung traydor kong luha. Nakatingin lang ako sa dalawang taong nag hahalikan sa loob ng room, mas lalong tumulo ang luha ko ng makita ko kung sino ang kahalikan niya siya si Ashley ang ex girlfriend niya.. Nag tama ang mga mata namin pero inirapan niya lang ako, gusto ko siyang lapitan at sampalin pero alam ko na wala akong karapatan para gawin yun dahil asawa niya lang naman ako sa papel. Wala na akong nagawa kundi ang umiyak nalang tumakbo nalang ako ng tumakbo gusto kong mapag isa, wala na akong pakialam kung may mabunggo ako gusto ko lang talaga mapag isa..

Pumunta ako sa may likod ng school sa may garden dalawa kasi ang garden dito sa school, dito kasi sa may likod wala masyadong tao, dito ang tambayan namin kaya dito kami laging pumupunta, sakto naman ng dumating ako ay nandun yung isa kong best friend si Tyler naka upo siya sa may ilalim ng puno lumapit ako sa kanya, nagulat naman siya sa pag dating ko pero ngumiti nalang siya saken, umupo ako sa may tabi niya at isinandal ang ulo ko sa may balikat niya.

'Tyler, alam mo gusto ko ng sumuko sa kanya, pero may part na ayaw ko naman' panimula ko, alam ko na nagets niya yung sinabi ko kasi alam niya rin naman ang tungkol samin ni Skyler pinunasan ko na yung luha ko na kanina pa lumalabas sa mata ko

'Umiiyak kana naman ba? Ano na naman ba ang nangyari?' tanong niya bakas sa boses niya ang pag aalinlangan

'Wala' yun lang ang sinabi ko sa kanya, alam ko na alam niya na nag sisinungaling lang ako.

'Alam mo ba Nicole sabi ng iba, pumapanget daw ang isang tao kapag umiiyak'  sabi niya inalis ko naman kaagad ang ulo ko sa balikat niya at tinignan siya ng masama, tumawa lang siya baliw talaga to! Umiiyak na nga ako tinatawanan pa ako !! 

'Panget ba ko Tyler?! Umiiyak na nga ako inaasar mo pa ako!' sabi ko ng may pagtatampo

'Wala naman akong sinabing panget ka ha, hindi pa kasi ako tapos mag salita patapusin mo muna ako!" sabi niya ng tumatawa parin, buti pa si Tyler laging tumatawa pero si Skyler? Hindi ko man lang siya nakitang tumatawa kapag kasama niya ako

'Ok sige!'

'Kasi diba sabi nila pumapanget daw yung tao kapag umiiyak?, pero para sakin hindi naman, kasi kapag umiiyak ka maganda ka parin" sabay ngiti sakin at nilagay niya yung braso niya sa shoulder ko.

'Talaga? Maganda ako?! Ehhh,,, Tyler naman ehh!! haha' 

'Hahaha, ang cute cute mo talaga!!' sabi niya, nakakatuwa talaga to si Tyler lagi siyang nandiyan para sakin, hindi niya ako pinapabayan, sana sa kanya na lang ako na hulog alam ko naman na sasaluhin niya ako, ang tanga ko rin kasi!.

'Tyler salamat, dahil lagi kang nandiyan tuwing kailangan ko ng karamay, Tyler mahirap ba akong mahalin?' tanong ko naman sa kanya

'Hindi ka mahirap mahalin Nicole, mabait ka, maalaga, sweet halos lahat na ata ng kabutihan nasalo mo haha... Pero Nicole kapag hindi mo na kaya wag mo ng pilitin yung sarili mo ok? Lalo ka lang masasaktan kapag pinagpilitan mo pa yung sarili mo sa kanya, nandito lang ako para saluhin ka' kasabay non ay ang pag halik niya sa ulo ko, kahit pala papano kapag umalis ako kay Skyler alam kong may sasalo sakin..... nagulat ako ng may biglang tumawag ng pangalan ko ng matapos ang sinabi ni Tyler

'NATHALIE NICOLE FAJARDO LEE!' 

******************************************************************

Hello sa inyo! kung hindi niyo po gusto yung story ko ok lang, ^_^ gusto ko lang mag sulat dahil boring haha xDD... pero kung nagustuhan niyo po itong story ko salamat sa inyo ^_^

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Being A Miserable WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon