T.R.O.Y Chapter 14: 1 Year and 11 Months of Cailvin

25.6K 346 8
                                    

Dedicated to Girlinlove. Idol ko ito! Ang ganda ng story niyang Three Words, Eight Letters, Say it and I'm Yours and Three Words, Eight Letters, If I Say It, Will I Be Yours?. Try niyong basahin sobrang ganda! Support niyo ah :D

AN: Dahil tinopak si Watty kahapon, ngayon lang ako makakapag UD. So I decided na 3 chapters ang ipopost ko para makabawi man lang. Ahahaha. Mamaya ko na ipopost yung ibang chapters.

READ... ENJOY... VOTE... COMMENT AND FEEDBACKS :D

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Chapter 14: 1 Year and 11 Months of Cailvin

Caitlin's POV

As I woke up, the sunshine is hitting my eyes.

Nakayakap ako kay Troy. Buti na lang hindi niya ako binalik sa kama ko. Saturday naman ngayon eh.

Nakatitig lang ako sa mukha niyang napakaamo. Hindi mo aakalaing isang nerd boy ang kaharap ko. Napakagwapo niya. Mahaba yung pilik mata niya, red lips, napakakinis ng mukha na parang porcelain at gwapo ulit. Haha. :DD

Hindi ko nga alam kung papaano kami napunta sa status namin. Napakabilis ng panahon. September 5, 20** ngayon. Parang kailan lang iniligtas mo ako sa mga nangbully sa akin. Parang kanina lang nililigawan mo ako. Ang sayang balikan ang mga matatamis nating alaala.

Isang buwan na lang baby. 2nd year anniversary natin. Gusto ko tayong dalawa lang hanggang huli. Ayokong magmahal ng iba. Naniniwala ako sa kasabihang " first love never dies ". Patutunayan nating dalawa iyon.

Alam mo ang weird kasi hindi tayo nag-aaway. Huling pag-aaway natin ay nung last month pa. Sana palaging ganito. Walang hindi pagkakaintindihan. Pero sa isang relationship, kailangan ding magkaroon ng tampuhan kasi dito tayo masusubok kung gaano katatag ang relationship natin.

Minsan nga iniimagine ko si baby Cohen na inadopt natin. Tayo ang magsisilbing parents niya. Ang saya siguro natin kapag nangyari iyon.

Nakita kong medyo kumunot ang noo mo. Siguro may napapanaginipan kang hindi maganda. Pinoint ko yung daliri ko sa pagitan ng kilay mo at nawala ang pagkakakunot ng noo mo. Medyo inaantok pa ako eh. Hahaha. Before I sleep again, I kissed him on his forehead and whispered on him...

The Revenge of YannaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon