T.R.O.Y Chapter 45: Sufferings :(

20.7K 287 9
                                    

Dedicated to destine gurl :D

AN: Ow yeah! Weekend again and it's UPDATE TIME! Hahahaha. Pagbigyan niyo na may topak si mr. author eh. Hahahaha.

HAPPY 12K READS TROY! YAHOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!

READ... ENJOY... VOTE... COMMENT AND FEEDBACKS :D

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Chapter 45: Sufferings

Third Person's POV

Dahil sa kalasingan, nalaglag sa hagdan si Troy. Naiwan siyang nakahandusay sa sahig habang umaagos ang dugo mula sa ulo niya. Mag-isa lang siya noon sa bahay dahil ang magulang niya ay nasa presinto.

Nakapagpiyansa na ang magulang ni Troy kaya pauwi na sila nung oras na iyon. Samantalang si Troy ay nawalan na ng malay.

Makalipas ang ilang minuto, dumating na ang magulang ni Troy.

" Troy anak? Nandyan ka ba? " Sigaw ng mom niya habang papasok ng bahay.

" KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHH!!!!! "

Nakita ng mom niya na ang nakahandusay na si Troy. Napatakbo siya upang iangat ang ulo ni Troy.

" Anak!!! Anong nangyari sa iyo?! Bakit ka nakahandusay dito?! Anak!!!! "

Kaagad namang tumawag ng ambulansya ang dad ni Troy. Medyo naluluha na siya sa sitwayon ng anak niya. Umiiyak ang mom ni Troy.

" Bakit kailangan pang madamay si Troy sa lahat ng ito? Dapat ako ang naghihirap at hindi siya. Dahil din sa amin kung bakit siya naghihirap ngayon. Dapat sa amin sisihin ang lahat ng ito kung bakit ito nangyayari. Sana hindi na namin sila pinaghiwalay ni Yanna. " Iyan ang naiisip ng dad ni Troy habang nakitingin sa mag-ina niya.

The Revenge of YannaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon