Confused

739 16 0
                                    

*FF>>> isang buwan bago mag-volleyball season*

Ara: Daaaaaks!

Mika: Sup! Anyare sayo at nagsisisigaw ka dyan? Nakainom ka ba ng gamot mo?

Ara: Napaka-bully mo. *pouts*

Mika: Hahahaha joke lang naman. *ginulo ang buhok ni Ara* So anong problema mo?

Ara: Eh kasi alam mong nililigawan ako ni Thomas diba?

Mika: *biglang napasimangot* Oh tapos?

Ara: Mga 2 and a half months na din kasi siya nanliligaw, dapat ko na ba siyang sagutin o patagalin ko pa? Baka kasi nagmamadali ako pag sinagot ko siya pero kung pinatagal ko pa baka mapagod siya kakahintay.

Mika: *sighs* Try mong humingi ng sign kay Lord, pag nangyari yun saka mo na siya sagutin.

 Ara: Thanks daks! *hugs Mika*

Mika: No problem daks. *hugs Ara*

Beep! Beep!

Ara: *tingin sa phone* Sige daks mauna na ko ah. Kailangan ako ni Thomas eh, bye! *kumaway at tuluyang umalis*

Mika: Hay...

------Sa Cafeteria------

Mika's POV

Lagi nalang si Thomas. Nawawalan na nga siya ng oras para sakin eh. Pero wait! Sino naman ako para mag-demand sakanya? Shit! Ano nanaman ba tong nararamdaman ko? Bakit ba sa tuwing nandiyan siya kinakabahan ako? Para akong hihimatayin sa mga yakap niya. Diba friends lang? Pero ba't ganito yung nararamdaman ko? And why the hell am I acting like a jealous girlfriend? Hay ano ba talaga ang ginagawa mo sakin Ara Galang?

Kim: Lalim niyan ah, di ko madig. *sabay upo sa tabi ni Mika*

Mika: Huh?

Kim: Masyado ka kasing seryoso.

Mika: Ah marami lang akong iniisip.

Kim: Tulad ng?

Sasabihin ko ba kay Kim? May experience rin naman kasi siya sa ganito eh. Bahala na nga basta kailangan ko ng advice.

Mika: Kim, kailan mo nalaman na may gusto ka na kay Mela?

 Kim: Teka, ba't biglang napunta sakin?

Mika: Sagutin mo na lang kasi Kimy.

Kim: Okay okay okay! Ganito kasi yun, diba sa moonleaf kami unang nagkakilala tas naging close na kami nun. Nung mga 1 month na kaming magkaibigan ay nalaman ko palang may boyfriend siya. Hindi ko alam kung bakit pero biglaan nalang akong nalungkot at bigla akong naiinis pag nakikita ko silang dalawa na magkasama. Nung una akala ko dahil nawawalan lang siya ng oras para sakin kaya ako naiinis pero nang nagtagal mas lumala pa yung nararamdaman ko para sa kanya. Lagi nalang akong nag-aalala pagdating sakanya, natataranta din ako kahit simpleng pagkakatapilok lang ay nagiging o.a na ko at madalas din akong naiinis pag nagkwekwento siya ng mga bagay bagay tungkol sa kanilang dalawa ng boyfriend niya. Nalaman ko lang talaga na mahal ko na siya nung nakita kong hinalikan niya yung boyfriend niya. Sobrang sakit ng puso ko nun! Yung tipong parang pinipiga na siya sa sakit tas tinapon sa sahig at tinapak-tapakan at ikaw lang ang pwedeng pumulot at mag-ayos nito pero kahit ganun di ko pa rin kayang mawala siya sakin, dahil pag naiisip ko pa lang yun ay parang unti-unti akong namamatay sa sakit. Dun ko lang talaga nalaman na higit pa sa isang kaibigan ang pagmamahal ko para sakanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 27, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Conquers All (Mika Reyes-Ara Galang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon