Chapter 24: Is it her or me?

31 3 4
                                    




Danica POV

"Hi! Za- - omo ahhh!"

Tinakapan ko yung dalawang mata ko gamit ang dalawang kamay ko, please sana may sumambot sa akin!

Omo... May nakahawak sa likod ko at nasa harapan ko siya, Yes! May sumambot sa akin! Dahan dahan kong tinanggal yung dalawang kamay ko sa mata ko.

Si zac?! Waaaaa! Lupa kain muna ako please dapat pala nadulas nalang ako, nako patay na! baka magalit sa akin si Layla tapos baka si Adrian mag selos hala, dapat pala nadulas nalang ako huhuhu!

Ilang seconds na ata nakakalipas ah? Bakit parang hindi niya ako binibitaw? Nakatitig lang siya sa akin, aish.. No choice kailangan ko gawin ito para bitawan niya na ako, sorry Zac patawarin mo ko sa gagawin ko sayo.

Huminga ako ng malalim at itinulak ko si Zac.

"Sorry sorry hindi ko sinasadyang itulak ka, nabigla lang ako patawarin mo ko please... Ahh.. dun muna ako kay Zane maya nalang hehehe" ngumiti ako sakaniya, tumalikod ako at lumakad palayo sakaniya.

I was so embarrassed to what i did to him, wala akong ibang paraan para bitawan niya ako, kaya yun yung ginawa ko atsaka yun lang naisip kong paraan, sana hindi nalang nangyari yun mas okey pa kung nadulas ako ng tuluyan.

"Pssst... Danica ano tinatayo tayo mo jan? Parang ang lalim ng iniisip mo ah, umupo ka nga dito sa tabi ko." nagulat ako nung tinawag ako ni Zane, nag fofocus na pala ako sa nangyari kanina kaya malalim iniisip ko.

Umupo ako sa tabi niya at ininom yung juice na hawak niya.

"Ano ba iniisip mo?" Tanong niya sa akin.

"Wala wala wag mo ng intindihin, by the way lasing ka ba?" aba kung maka pag salita parang lasing itong lalaking ito.

"Ako?! Lasing?! Hindi ako nag iinom, i'm a good boy." Kumindat siya sa akin at nag pogi sign siya.

So parehas sila ni Zac hindi nag iinom, parang lahat ng lalaki na kamag anak ni Zac hindi nag iinom ah.

"Good boy your face." Pag bibiro ko at agad siyang tumawa kaya naman nakisabay na rin ako sa pag tawa niya.

Tumingin ulit ako kung saan ko iniwan si Zac, bigla siyang tumakbo kaya napalingon ako kung saan siya nakatingin kanina, Si layla...

"Zane maiiwan muna kita ha, babalik ako promise." pag papaalam ko sakaniya at tumango siya sa akin.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at sinundan ko sila Zac, masama ang kutob ko dito ngayon feeling ko may mangyayaring masama, sana naman hindi yung nasa isip ko ang mangyayari ngayon, Danica relax hindi mangyayari yun! Inhale Exhale!

Saan ba pupunta ito si Zac kung saan saan napunta sa kusina, sa kwarto, sa living room, nakakapagod kaya pa gala gala na kami dito sa loob ng resthouse.

Oh tapos pupunta sa garden? Hay nako! nakakapagod na po mag lakad sir Zac Andrew Lee pwede, teka bakit ko nga pala sinundan ito? nga ba? Ewan ko, naisipan ko lang siyang sundan? Ang weird ko ano? Hahaha! No no let's be serious here Danica okey?! I'm just curious to know kung ano mangyayari.

Nagtago ako doon sa likod ng puno, baka kasi makita nila ako na tsismosa ako, ouch sakit sabihin sa sarili joke lang yun syempre hindi ako tsismosa okey? curious lang ako as in curiosity kills me.

Nakaupo sila lang dalawa sa may grass, at si Layla ay umiiyak ng umiiyak, dahil ba ito sa nangyari kanina nung nadulas ako? Wag naman sana pero kung dahil nga dito yun, dapat talaga nadulas nalang ako kanina huhuhu, bakit ba kasi ako sinambot ni zac.

"Layla sorry sa nangyari kanina it's just an accident layla. Please forgive me." biglang hinawakan ni layla ang dalawang kamay ni zac, humarap ito kay zac at ngumit ng pa pilit.

"Zac...." Sinabi ni layla ang pangalan ni zac ng may pag ka mahinhin.

"I forgive you, pero..."

"Alam kong hindi mo ko minahal ng tunay." What?! girl ano ba wag mo kong pinagloloko minahal ka ni Zac, he choose you girl pero ako hindi niya ako pinili... stop na Danica alam kong nasasaktan ka sa nakaraan na pangyayari.

"Anong pinagsasabi mo layla? Minahal kita ng tunay!" Naiiyak na sabi ni Zac, hinigpitan pa ni Zac ang pag hawak niya sa kamay ni Layla.

"Nung nakaraan yun zac... nung naging tayo nung nakaraang panahon, pero nung naging tayo ulit hindi mo na ako minahal, alam kong mahal mo yung babaeng natagpuan mo ngayong panahon. Kaya i think it's over for us now..." Tumayo si layla sa kinauupuan niya pero hawak hawak pa rin ni zac yung kanang kamay ni layla, naawa ako kay zac...

"Layla please... we can fix this problem, please. Wag mo kong iwan..." Umiiyak na pag kasabi ni zac, hindi ko alam pero parang ayaw ko ng mag tago dito sa likod ng puno at sabihin kay layla lahat na mahal siya ni Zac.

"Sorry zac i've made my decision... to break up with you..."  Hindi ko na mapilit sarili ko!!!

Wrong move... Nakatingin sila sa aking dalawa, basta sasabihin ko nalang kay layla, tumayo si zac sa kinauupuan niya dahil nagulat siya na nakita niya ako, ano nakakita lang ng multo o kaya ligaw nakaluluwa?

"Da-dani---" pinutol

"Teka teka let me speak first."

Layla POV

"Nung nakaraan yun zac... nung naging tayo nung nakaraang panahon, pero nung naging tayo ulit hindi mo na ako minahal, alam kong mahal mo yung babaeng natagpuan mo ngayong panahon. Kaya i think it's over for us now..." Alam kong masakit sa pakiramdam nasabihan mo yung mahal mong tao na may ibang siyang mahal, pero i need to this for me and for him.

"Layla please... we can fix this problem, please. Wag mo kong iwan..." Yung taong may paki sayo at kailangan ka niya sa buhay niya sila yung masayang kasama pero, yung taong kailangan ka pala may mahal ng iba, why is my life full of drama?

"Sorry zac i've made my decision... to break up with you..." tumayo ako sa kinauupuan ko, nagulat nalang ako na may biglang nakita ko si Danica sa harapan ko.

"Da-dani--" biglang nag salita si Danica bago pa makasalita si Zac.

"Teka teka let me speak first."

"Layla mahal ka ni Zac okey? Dahil ba ito sa nangyari kanina? It's just an accident wag mong isipin yung nangyari kanina, wala lang yun, tinulungan lang ako ni Zac para hindi ako tuluyang madulas yung." Hindi mo lang alam Danica kung sino ang mahal na taong minamahal ko, kaya lang naman ako nakipag break up dahil alam ko na kung sino talaga ang minahal ni zac at nag selos ako sa nangyari kanina sa pool konti lang naman.

Humarap ako kay zac, bakit nasasaktan ako tuwing makikita ko siya? ayaw ko siyang nakikitang umiiyak dahil lang sa akin at sa nangyari, pero kailangan ko talaga tanungin si Zac kung sino ba talaga mahal niya, huminga muna ako ng malalim bago ko siya tanungin, sana masagot niya.

"Zac i have a question for you..." Tumingin siya sa mga mata ko, pero iniwasan ko yun kasi nasasaktan ako dahil sakaniya ayaw ko talaga siyang nakikita na umiiyak.

Huminga ulit ako ng malalim...

"Sino mahal mo sa aming dalawa? Ako o Si Danica?"

Ang Aking Secretary || On-goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon