Chapter 19: Actor

67 7 1
                                    


Danica POV

I love you more than her...
I love you more than her...
I love you more than her...
I love you more than her...
I love you more than her...

Kanina pa ulit ulit at gumugulo sa isip ko meron na siyang ka relasyon pero nagawa niya pa rin mag mahal ng ibang tao?! ang ayos ayos na ng ka relasyon niya tapos ganun ganun nalang may mahal pang iba ano two timer? Malupit...

The heck what happening to him? is he insane?! 

"Uy! Tulala ka jan! Ano iniisip mo ha?" Kakayamot naman itong lalaking ito bigla bigla nalang mag sasalita nakikita niya na na tahimik yung tao.

"Una sa lahat bago ko tanungin yung tanong mo Sir Zane..." Hinila ko yung collar ng damit niya at hinila ko ito palapit sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Bakit kailangan mo ko gulatin? at bakit kailangan bigla bigla nag sasalita Uy pa unang sinabi mo. Kita mo ang tahimik nung tao na ginulat mo!" Aba nagawa pa tumawa sa sinabi ko.

Gusto ata nito magalit ako, di niya ako kilala magalit! Tinanggal niya yung pag ka hila ko sa collar niya.

"Alam mo kasi nandito na tayo naka arrived na tayo sa Palawan. Ikaw na nga lang hinihintay bumaba." What?! dahil lang dun sa sinabi nung lalaki sa akin na paulit ulit ko na iniisip di ko man lang namalayan na nandito na kami sa palawan?!

"Walang tayo! Joke lang syempre hahaha!  Wait Si Zac nasaan na?" Tanong ko sa kaniya ng seryoso.

"Naka baba ng eroplano..." pagkatapos ni Zane mag salita may sumulpot na isang boses.

"Hoy! Ano na?! tagal niyong dalawa! dalian niyo nagugutom na ako!" Sigaw ni Zac sa amin.

Kaya naman kami ni Zane nag tawanan.

"Tara na nga baka magalit pa yung mokong na yun! Hahaha!" Pag bibiro ko kay Zane. Tumango si zane at kinuha ang mga gamit niya ganun na rin ang ginawa ko.

Pagkatapos namin kuhanin ang mga gamit namin sa loob ng eroplano pumasok na kami sa loob agad agad n may dumating na mga police para bantayan kami. malay mo mamaya bigla nalang higitin si Zac jan.

"Waaaaa!!! Fafa Zane!!!" Sigaw ng isang babae. Wait paano nila kilala si Zane? Di naman sikat si zane ah?

"Omo Zac!!! Notice me please!!!"
"Zac!!!!! Asawa mo ko hoy!!! Pansinin mo ko!!!'
"Ang Gwapo talaga ni Zac!!! Talented pa!!!"

Hindi ba napapaos itong mga ito? lakas ng sigaw nila ha nakakabingi.

"Uy diba si Zane Azarcon yun? Yung bagong actor?" Naririnig ko na mga nag bubulungan na babae habang naglalakad kami.

Wait... what... tama ba narinig ko? Si Zane Azarcon na cousin ni Zac Andrew Lee ay isang bagong actor?!  What?!! Una Si Adrian model kaibigan ni Zac Tapos pinsan ni Zac Isang Actor?! Aba biniyayaan itong mga ito wow ha.

"Sino yung babaeng yun? Di naman actress, singer, or model yan ah?"
"Hala oo nga, baka girlfriend ni Zac or Zane."

Ano daw? Girlfriend oh please no. Hahaha! Anything but not a girlfriend.

Naisipan ko na isiko si Zane ng patago.

"Uy! Di mo sinabi sa akin na actor ka!" Pagtatampo kong pagkasabi sa kaniya habang naka cross arms ako. 

"Sorry nakalimutan ko sabihin sayo." Di nga?

"Nakalimutan o ayaw mo lang talaga sabihin?" Nakataas ang isang kilay ko habang nagtatanong sakaniya.

"Nakalimutan nga kulit. ngayong taon nga lang ako naging actor so di pa ako masyadong sanay na tawaging akong actor hahaha! Kaya nakakalimutan ko na actor ako minsan hahahaha!" Omo huhuhu ang gwapo, mayaman, mabait, may pag ka topak ng kaunti actor pa oh saan ka pa?

Kung ako mahal nan di ko na siya iiwan o bibitawan pa. Aba perfect guy na yan uy! Di katulad ng iba diyan mayabang at masyadong seryoso. EHEM speaking of mayabang... katabi ko lang pala. Hahaha!

-

Nakalabas na kami sa terminal may sumalubong sa amin na black na van doon siguro kami sasakay papunta sa tutuluyan namin pansamantala habang nandito kami sa Palawan.

What the... pati ba naman sa labas ng terminal may mga fans pa rin nag aabang dito? Malamang Danica sikat yung mga kasama mo! Common sense Danica! Yung isa actor yung is Singer international singer kamo.

Pinagmamasadan ko lang yung mga nakalibot na tao sa amin habang papunta kami doon sa van na sasakyan namin.

"Mag face mask ka." Bulong sa akin ni Zac at inabot ang isang black face mask.

Ginawa ko nalang yung sinabi niya kinuha ko yung face mask at sinuot ito. tumngin ako kay Zac at Zane parehas sila naka mask. hinawakan ni Zane ang Kanang braso ko hinawakan naman ni Zac ang kaliwang braso ko.

Hinila nila ako papunta sa van sumakay na kami agad agad doon sa loob dahil crowded na yung place. nung nakapasok na kami lahat sa van. tumingin ulit ako sa mga fans nila Zac at Zane. Sobrang hyper nila sigaw ng sigaw halos kulang nalang itulak nila yung bouncer sa harapan nila na humaharang sakanila.

"Danica okey ka lang ba? Wala ba kumalmot sayo kahit ni isa?" Nag aalalang tanong sa akin ni Zane at yung braso at mukha ko.

"Okey lang ako walang kalmot." Naka ngiti kong pag kasabi para di siya mag aalala.

"Buti naman." Ngumiti siya pabalik sa akin.

Teka nag tataka ako. Paano nalaman nung mga fans nila na pupunta sila dito sa palawan? Eh yung pag punta namin dito secret lang.

"Gusto mo ba ng apple juice?" tanong sa akin ni Zac. Kaya naman tumango ako sakaniya aba uhaw na uhaw na ako!

Wow ha bumabait sa akin itong mokong na ito. nag alok ng apple juice palakpakan! Joke lang hahaha!

Argh! Naalala ko nanaman yung sinabi niya sa akin.

I love you more than her...

kumuha si Zac doon sa bag nadala niya. kumuha siya ng isang apple juice inabot niya ito sa akin.

"Thank you mokong" pag papasalamat ko. At agad na tumawa si Zane nung narinig yung tawag ko kay Zac na mokong ang tawag ko.

"What?! Hahaha! Mokong? nice one Danica." Sabay kaming tumawa ni Zane.

"Can you guys shut up?" seryosong sabi nito walang isang expression ang lumabas sa boses nito as in yung parang bored na bored ka lang kung mag salita.

Ang weird niya...

Ang Aking Secretary || On-goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon