Chapter 2

6 2 0
                                    

Lauryn's POV

Nagising nalang ako sa isang  puting silid, patay na ba ko? Nilinga linga ko ang paningin ko at nakita ko si mommy, malamang nasa hospital ako bigla nalang naginit yung mga sulok ng Mata ko at ramdam ko na din ang mga luhang pumapatak dahil sa galit..

Nung gabing mabaril ako di pa ako tuluyang nawawalan ng malay... narinig ko lahat, at alam ko din na sya ang may dahilan kung bakit ako nandito ngayon. She's so desperate to do that nakalimutan nya na ba na anak nya ko? Bago pa sya magising agad na akong tumakas, pagbukas ko ng pinto maraming bantay,opps! Wrong move, nakita ko na may bintana buti nalang at nasa  first floor lang kame pero mataas padin at maliit lang yung binta pero sapat na yon para makalabas ako. Iningatan ko na bumaba at baka ma out of balance ako eh di patay ako! Malalaki pa naman yung mga bato..

"Uhmm... Nurse I just want to ask something, hello? Hey?!" Hindi nya ko pinansin at walang pumapansin sakin weird.

Naiinis na ko bingi ba lahat ng tao dito?! Sa sobrang inis ko hindi ko alam na nasa garden na ako ng hospital, di sya ganon kalaki pero maganda maraming puno at mga bulaklak ang refreshing!!  Umupo muna ako saglit ang weird lang dahil kanina pa ako naglalakad pero hindi ako napapagod at nanghihina man lang at Hindi padin ako nakakarecover . Bumalik ako sa wisyo ng mg lumapit sa akin na bata

"Ate! Ate!" Wow ang cuuutee nya!! Tinignan ko sya pero umiyak na lang sya bigla.

"Hey? Why are you crying? Where's your mom huh?" Hindi nya ko pinansin at lalo pa syang umiyak, niyakap nya ko wait? Bakit parang naiiyak din ako? Bat ang gaan ng loob ko sakanya?

"Ate nakita na din kita, you look pretty.. Magiingat ka.. Mag ingat ka sa mga anino" bigla nalang syang tumakbo huh? Magingat ako sa mga anino? Creepy

Andaming weird ngayon.. Walang gustong kumausap sakin para bang hindi nila ko naririnig O nakikita, hindi ako napapagod parang natulog lang ako eh diba nabaril ako? May lumapit sakin na bata at ang gaan ng loob ko sakanya eh ngayon ko lang sya nakita, at sabi nya mag ingat daw ako sa mga anino parang may Mali?

"Kunin mo! Kunin mo na yung babae!!" Narinig ko na may naguusap malapit sa likudan ko pero pag lingon ko wala naman at wala narin tao dito dahil medyo hapon na, pagharap ko may nakita kong dalawang anino pero walang tao! Crap! Naalala ko yung sinabi nung bata "magingat ka sa mga anino" e-eto na ba yun? Papalapit sila ng papalapit sakin.. Sumigaw ako ng sumigaw pero wala akong nakikita na dumadating para iligtas ako hanggang sa—

"Tandaan mo pag nakuha ka nila malabo ka ng makabalik sa katawan mo" alam ko na meron na kong kasama ngayon at alam ko na ligtas nako. Pagbukas ng mga mata ko nasa garden pa rin ako pero sa ibang part na nito. Ano ba talagang nangyayare?!!!

"S-sino k-ka?!"  Agad akong nag focus sa lalake na kaharap ko. Alam ko na takot na takot na ko pero kaylangan kong maging malakas

"Sino ka sabe?!! What the hell is happening?! Hoy bingi ka ba?!" Wala pa din sagot bigla nalang syang tumalikod "hey! Answer me!!" This  time nahawakan ko na sya

"Don't touch me" naka poker face lang sya,hindi sya galit pero agad ko syang binitawan dahil kinilabutan ako sa boses nya "Hindi mo ba alam kung ano ka?" Alam ko na naiirita na sya pero he can't blame me, I don't know what's happening! Gosh! Tumango ako bilang sagot

He sigh "come with me" inabot nya saakin yung kamay nya

"S-sabe m-mo d-dont touch me"

"Bahala ka nga tsk!" Tatalikod nanaman sya yung totoo? Hobby nya ba ang tumalikod lagi? Pero bago pa sya makalayo hinawakan ko na yung kamay nya, and base on his expression nagulat ata sya haha! Ang cute nya pala! Bigla nalang kaming napunta sa loob ng hospital pumasok kame sa isang room tapos—

"Gosh!!!! A-ako y-yan! b-bat ako andyan?!" I'm speechless,I'm crying

"Hey you're not dead, you're just in coma" hindi ako makapaniwala tumakbo lang ako ng tumakbo, hanggang sa makarating ako sa likod ng ospital, sumigaw ako ng sumigaw, at ng napagod na ko hinayaan ko na bumagsak ang katawan ko sa damuhan naramdaman ko din na mapagod

Akala ko hindi totoo ang ganto I'm a soul! Ligaw na kaluluwa akala ko hindi totoo ang ganito dahil madalas na sa fantasy lang to nangyayare. Life is more amazing more than I ever know... It's always surprise me.. Pagdilat ko palubog na ang araw, eto na lang ulit  yung time na nakita ko sya, so I decided to stay and watch it, nung gabi na umalis na ko dahil baka may multo dito ang laki ng puno eh, weird takot ako sa multo eh multo na din naman ako haha!

Habang naglalakad ako kung ano ano na yung naiisip ko ,gulong gulo na ko! Hindi ko alam kung saan ako pupunta, pumunta na lang kaya ako sa room ko? Yeah pupunta nalang ako dun

"Aray!! Ano ba?! Di ka tumitingin sa dinadaanan mo eh!" Hindi ko alam na may nabunggo ako

"Sorr"

"WAHHHHH!!!!" Sigaw ko at ganun din sya he's like me :)

"Hey" I smiled at him "are you a ghosts? Or you're just like me? By the way im—"

"I don't care about you, don't talk to me" ang sungit nya tsk! Before he walked away he looked at me once again then boom! Wala na sya, wow! Madami kaya kami dito? Kaylangan kong mahanap yung lalaki na nagligtas sakin at yung lalaki na nabunggo ko sakanila ko mahahanap ang lahat ng sagot...
Haysss good luck to my self!!

Accidentally on PurposeWhere stories live. Discover now