Chapter 8: Harana

4 0 0
                                    


"Astral?"

Umayos siya ng tayo at tinignan niya ako ng maigi. Bakit ba palagi na lang siyang nakatingin sa akin? Sabagay, ang weird naman kung magkausap kami tapos sa lamesa ang tingin niya diba? Hays.

Hinawi ko yung nagulo kong buhok dahil sa pagkakahiga at nagcross arms ako sa kaniya. Sinamaan ko rin siya ng tingin.

"What?" parang wala lang na tanong niya.

"Anong what? Diba dapat ako ang magtatanong sayo niyan? What are you doing here?" mataray na tanong ko sa kaniya. Nainis na naman kasi ako nang maalala ko na naman yung ginawa niyang pagnakaw ng halik sa akin. Malaking bagay sa akin yun no, sinayang niya lang. Tss.

"Si Chasin, kilala mo ba siya?" bigla niyang naitanong kaya tumaas ang isang kilay ko.

"...Somehow."

"Kung ganun hindi mo nga siya kilala?"

Napaisip pa ako saglit.

"I know his name, at... kung ano siya." sagot ko na lang.

"Ako ba, kilala mo?"

"Pangalan lang." teka, bakit ba to nandito, saka panay pa siya tanong.

"My name is Astral." wika niya. Ngayon naman nagpapakikala siya, hindi naman ako nagtatanong. May pagkaweird din pala ito, parang si Chasin lang.

"I know." sagot ko na lang.

"... at isa rin akong kaluluwa"

Halata nga.

"Pero-- magkaiba kami ni Chasin."

Nagtaka ako bigla sa sinabi niyang iyon. Ano daw? Parehas silang kaluluwa pero magkaiba sila? Pano nangyari yun?

"What do you mean?"

Napabuntong hininga siya at tumingin sa ibang direksyon.

"Hindi kagaya ni Chase, alam ko ang nakaraan ko. At... kung sino talaga ako."

Nagulat ako sa sinabi niya.

"Kung ganon, bakit nagmumulto ka pa? Diba patay ka na? Ano yun, may unfinished business ka pa?" hindi ko mapigilang maitanong. So kawawa pala si Chasin no, siya lang yung nawalan ng alaala.

"Nagkakamali ka."

Tumaas ang isa kong kilay nang sabihin niya yun.

"Buhay pa ako."

Ha? Buhay pero kaluluwa na lang? Ang gulo? Napa"huh?" na lang tuloy ako.

"Naaksidente yung sinasakyan kong motor 5 years ago, kaya-- limang taon na ring comatose ang katawan ko." wika niya.

"So-- 5 years ka nang ganiyan?"

Tumango lang siya sa akin. Grabe ang tagal. Pero wait, kung ganun naman pala, bakit hindi na lang siya sumapi sa katawan niya para mabuhay na siya ulit? Diba?

"... Hindi ko na magawang bumalik sa katawan ko." wika niya na parang nasagot naman yung tanong sa isip ko. So ano?

"Ba-bakit mo sinasabi sa akin ang mga bagay na yan?" tanong ko pa.

"Dahil--"

"Astral!" nagulat ako nung may bigla na lang humawak sa kamay ko at hinila ako palayo sa kaniya. Tiningnan ko ang kadarating lang na si Chasin na masama ang tingin kay Astral. Pansin ko lang, bakit ba ang init ng ulo niya kapag nagkikita sila?

Itinaas ni Astral ang dalawa niyang kamay na parang sumusuko siya dito.

"Tol, wala akong ginagawang masama." paliwanag pa nito.

Unbelievably YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon