Chapter 6: Who's Chasin?

6 0 0
                                    


"Aaaaaaaaahhhh!!!!"

Napasigaw na lang ako nung bigla niya akong sapilitang hinila palabas ng C.R. Nagulat pa ako nung marahas niya akong sinandal sa may pader at kinulong sa braso niya. Sobrang lapit tuloy ng mukha niya sa akin, at naghahalo na yung kaba at pagkailang ko sa ginawa niyang iyon. Nakatitig lang siya sa mga mata ko kaya tuloy napatitig na lang rin ako sa mga mata niya. I don't know him, dapat nagsisisigaw na ako ngayon kagaya ng ginawa ko nung unang araw na magpakita sa akin si Chasin, pero bakit hindi ko magawa ngayon?

Naspeechless na lang ako sa titig niya nang bigla siyang napalunok at nag-iwas ng tingin sa akin. Bigla akong nakaisip ng paraan.

Bahagya ko siyang itinulak, pero parang wala lang nangyari dahil masiyadong matigas ang dibdib niya. Kaya tuloy muli siyang napatingin sa akin.

"So you are Rebel." wika niya. Alanganin akong tumango bilang sagot.

Kahit ang creepy niyang tingnan, hindi ko maitatanggi ang kagwapuhan niya, lalo na ng mata niyang sobrang misteryoso at ang hirap mabasa. I wonder kung totoo ba siya or--

"A-are you real?" hindi ko na napigilang matanong. Sa pagkakatanda ko kasi, yung gwapong lalakeng nakilala ko nitong mga nakaraang araw lang, ay isang multo. Kung magiging multo pa rin itong ganito kagwapo, ewan ko na lang.

"Ofcourse."

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya.

"Anong ginagawa mo dito? At-- anong balak mo sa akin?" tanong ko pa.

Tumalim na naman yung tingin niya sa akin kaya tuloy parang nagsisi ako na tinanong ko pa yun, sana hindi na lang pala.

"You're supposed to be dead, right now."

"What?!" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Dead? Ano bang sinasabi niya?

"Nandito ako para patayin ka."

Feeling ko nabuhay lahat ng kuryente sa katawan ko at nakaramdam ako ng kaba sa sinabi niya. Pa-patayin?

Naitulak ko tuloy siya ng malakas kaya napalayo siya sa akin. Ginamit ko na iyong paraan para matakasan siya.

"KILLER!" sigaw ko. Malapit na ako sa pinto ng kwarto nang bigla niya na naman akong hilahin at isinandal sa nakasaradong pinto. Nandoon na naman iyong titig niya na para bang hinihigop niya ang kaluluwa ko si ginagawa niyang iyon. Ang lakas na ng kabog ng dibdib ko sa sobrang kaba nang...

... bigla niya akong hinalikan. Nagulat ako sa ginawa niyang iyon kaya hindi na ako nakakilos pa. Pero hindi iyon nagtagal and in a snap, nakita ko na lang na nasa sahig na siya.

"Astral."

Malamig na wika ng lalakeng sumuntok sa kaniya kaya natumba siya sa sahig.

Ngumisi lang siya rito at sinamaan niya ng tingin.

"... Alam ko na ngayon kung bakit ka nagkakaganiyan, Chasin."

Napatiim ng bagang si Chasin at mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa sariling kamao. Nagsalitan na lang ang tingin ko sa kanilang dalawa dahil nalilito na ako.

"Wala ka nang pakialam doon." sagot ni Chasin. Tumayo sa pagkakatumba si Astral at nagsukatan silang dalawa ng tingin. Bahagya pa akong umatras dahil namumuo ang tensiyon sa pagitan nilang dalawa, baka madamay pa ako sa suntukan nila.

"Bad news, you can't have her Chase" parang nang-aasar pa na wika ni Astral. Hindi ko sila magets, nakakabobo.

"Bakit? Sa tingin mo makukuha mo siya?" tanong ni Chasin.

"Hindi. Pero papatayin ko muna siya bago ka pa maging masaya."

Muli na naman siyang sinuntok ni Chasin dahil sa sinabi niyang iyon kaya napaatras siya, agad naman siyang nakabawi at gumanti rin ng suntok. Nagulat ako nang magsimula na silang magpalitan ng suntok kaya naisipan kong awatin na silang dalawa.

Unbelievably YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon